Sa Mata ng Buwan

26 4 2
                                    

Ako'y nasa kalangitan. Pinagmamasdan ang mga nasa ibaba.

May nakita akong isang babae na naka-upo sa dalampasigan. Masaya siya dahil may kasama siyang lalake. Nag-uusap ang dalawa at tila akoy kanilang pinagmamasdan. Nakuha ko na. Ako ang saksi ng kanilang pag-iibigan.

Sa sumunod na kabilugan, natanaw ko sila. Ang lalaki ay kumakanta, ang babae ay kinikilig pa. Ako'y kanilang tinuturo, tila'y sila'y nangako sa presensya ng liwanag.

Pagdaan ng ilang buwang haranahan na nasaksihan ko. Ang lalake ay tila naging kakaiba. Kinakausap ako at nag-eensayo, para matupad ang kanyang pangako.

Pagdating ng babae kanya itong hinarana. Binigyan ng mga rosas, at may balak. Siya ay lumuhod at hinawakan niya ang kamay. Sabay sabing.

"Mahal kita, at saksi ang buwan sa ating pagmamahalan. Alam kong panahon na.. Mahal ko, payag ka bang magpakasal tayo?"

Binuksan ng lalake ang sisidlan at tumambad sa akin ang isang singsing. Mas lalo itong gumada sa ilalim ng aking sikat. Ang babae ay sumagot

"Oo,"

Tuwang tuwa ang lalake, ang babae naman ay kinikilig. Di nila alintana ang lamig sa dalampasigan.

Sa sumunod na kabilugan. Iba na aking nakita, may pari, may mga upuan, bulaklak at iba pa. Nakita ko ang lalake na nakatayo sa altar, habang ang babae ay nakasuot ng bestidang pangkasal.

Sa ilalim ng liwanag ko'y sila'y nangako. Pangakong di nila iiwan ang isa't isa. Pangakong magsasama na ang dalawa.

Ilang taon na ang makalipas, ako'y nagtataka. Bakit wala pa akong nakikitang bata? Ang lalaki'y malungkot ang babae ay nalulumbay. Hiniling nila sa akin na sila'y magka-anak.

Patawad kung di ko matutupad ang inyong hiling. Ako lama'y nagbibigay liwanag sa dilim. Pag-ibig niyo'y nasaksihan ko simula't sapul.

Ilang taon ulit ang lumipas, kulubot na ang kanilang mga balat. Puti na ang kanilang mga buhok. Sila'y masaya at sila pa'y magkasama. Kahit na wala akong nakita na bata. Nagkwentuhan ang dalawa at nagbalik-tanaw. Mga pangakong binitawan aking narinig.

Sa sumunod na araw, nakita ko ang lalaki. Umiiyak mag-isa. Nakasuot ng itim na Polo. Litrato ng babae, luha ay tumutulo. Alam kong, nasa kabila na siya. Natupad na ang pangako niya.

"Pangako ko'y natupad na. Mamahalin kita hanggang sa kaya ko pa. Ano pa ba ang mundo kung wala ka na? Wa'g kang mag-alala, panahon ko nang pumunta sa kabila"

Ano itong aking narinig? Mula sa lumbay ng kanyang tinig ay tila... Gusto na niyang pumunta sa kabila.

Sa sumunod na kabilugan, hindi ko na siya nakita. Hindi na nakapagtataka. Silang dalawa ay masaya na..

Ano ba itong aking nasaksihan? Isang pag-ibig na totoo.. Tumutupad sa mga pangakong binitawan. Nasaksihan sa mata ng buwan

[End]

Short StoriesWhere stories live. Discover now