Sa isang nayon, may mga kabataang naglalakad sa maputik na daan.
"Mga bisita, mag-ingat po tayo dito. Dapat nating sundin ang mga panuntunan na itinakda para sa ating pagbisita sa nayon," sabi ng tourist guide
"Ano bang mayroon sa nayon? Waterfalls lang naman ang pupuntahan natin ahh," sabi ni Kal
"Di ko alam Kal, basta sumunod nalang tayo," sabi ni Jake
Ilang minuto ng paglalakad sa makapal na kagubatan nang may makasalubong ang kanilang groupo na isang matandang lalaki na may dalang baston. Puti ang kanyang isinusuot at puti rin ang kanyang buhok. Nakaupo lang ito sa isang maputi ding bato.
"Bakit kayo nandito??!!" sabi ng matanda "Di niyo ba alam na delikado sa panahon ngayon ang Talon ng Makala? Umalis na kayo dito nang walang panganib ang dumapo sa inyo!!"
Tumatawa lang ang mga kabataan sa babala ng matanda. Kanila pang kinutya at binalewala ang sinabi ng matanda. Nagpatuloy lamang sila sa paglalakad.
"Tandaan niyo mga bata. Kapag may tunog ng kaliskis, takbo at wag kayong lilingon!!" Ang huling babala ng matanda
*-*-*
"Ang creepy naman nun, Jake. Sa tingin mo ba, totoo yun?"
"Ano ka pa naman, Kal. Syempre hindi. Marami kaya tayong kasama, diba guys?"
"Oo nga Kal, ba't tayo matatakot?" sabi ng lalaki
"ahahhahaha" nagtawanan silang lahat
Nagpalakad lakad sila sa kagubatan at napapansin nilang pabalik-balik ang kanilang dinadaanan.
"Paano nangyari to?" sabi ng tour guide
"Nililigaw mo ba kami??"
"Hindi naman, nakapagtataka lang na ilang ulit na tayo dumaas dito"
ksssss... kssssss... kssss.. Narinig nila ang kaliskis. Naalala ni Kal kung anong babala sa kanila ng matanda
"Jake, narinig mo yun? Wag kang lilingon!!"
Pero sa di inaasahang pagkakataon, lumingon si Jake at bigla itong naging bato sabay na maglaho na tila iniihip na abo.
Nakita ni Kal ang pangyayari at ang kanyang mga kasamahan din ay nagkaganun.
Sa tindi ng takot ni Kal, tumakbo siya ng mabilisan hanggang sa..
kssssss...... ksssssssss.... kssss....
Narinig ulit niya ang kaliskis sa kanyang likod. Alam niyang kumakapit na ito sa kanyang likod
"AAAAAAAHHHHHHHH," ni Kal
[End]