December ng taong twenty-eighteen at sobrang stressed ako ngayon sa NCAE test namin. Nakakalito ang ilan sa mga test at yung ilan ay may inaccuracies. Pero nakukuha ko namang sagutin.
"Jake!" may tumawag sa akin. "Kumusta na ang report natin sa Science?"
"Okay lang naman Romar," sabi ko. Sarap suntukin ng gagong ito, Ako pa ang nagresearch ako pa ang magrereport.
"Talaga lang ha?" sabi niya na may pagdududa at umalis agad sa canteen
Tapos na ako sa pagkain at na-realize ko na wala pala akong kasama. Ahahahha ang awkward, langya. Edi, umuwi!! Pagdating ko sa bahay, may nakalimutan ako. Naku po!! Ang susi, ahahahaha. Susi?? Akyat bahay na naman ako nito!!
Pumunta ako sa kapitbahay namin para manghiram ng hagdan. Nakita ko kasin bukas ang bintana namin sa second floor. LOL, may butas ang house security namin!!
"Aling Bebang, gumaganda po kayo ngayon." Sabi ko. Kailangan kasi ng mga girls ang compliments.
"Assuuus, ikaw talaga hijo." Sabi nya
"Pwede po ba akong maghiram ng hagdan?"
"Sige, hijo. Kunin mo nalang sa likod."
"Salamat po!!"
Eto na!!!! Aakyat na ako ng bahay. Ready na!! Kahit ano, aakyatin ko pa rin.
"Matibay ba 'to?" sabi ko sa sarili ko
Ilang baitang, abot ko na ang bintana nang biglang BOGSSHSHSHHSHSH!!! Bumagsak ang hagdan!!
"Tulong!" sigaw ko habang kumakapit sa bintana.
Marupok ang hagdan, tulad mong marupok. Ngayon ko lang napansin. Nakita ako ng ilang kapit bahay. Sumigaw sila.
"Kumapit ka!!"
Kumapit daw ako, nakakapit na nga. Pinipilit kong itinataas ang aking sarili para makapasok sa bintana. Kapit lang.
"Whooooooooo, yessss!! Sa wakas nakapasok din!!"
DLING!! Tumunog ang cellphone ko. May nagmessage, dali dali kong binuksan ang mga pntuan at bumaba ng hagdan. Binuksan ko ang main door kung saan nasa labas ang mga gamit ko. Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko.
"Okay ka lang Jake?" sabi ng kapitbahay.
"Okay lang," sagot ko.
Isinarado ko agad ang pinto. Pagtingin ko sa cellphone ko online si crush. Like, bihira lang siyang mag-online. Siguro kapag nagline-up lahat ng planeta sa solar system, online na siya. Ehhh, gago ako, kaya naman..
Jake: Hi Cassie!!
Cassie: Hello Jake J
Nagreply naman siya, so tao talaga siya. Hindi siya isang alien princess na mag-oonline lang kung mag-line-up ang mga planeta sa solar system.
Jake: Gusto kong makipag usap sa iyo, importante lang
Cassie: Anong pag-uusapan natin?
Ohhh, by the way. Aamin na ako na may crush ako sa kanya, so I need a formal talk. AHAHAHHAHA soooooooooo weird
Jake: Di ko pwedeng sabihin online. Pero pwede ba tayong magkita sa 7-Eleven bukas 4 pm? Doon ko sasabihin.
Seen na niya, tang**a. Ang tagal ng reply. May mali bas a sinabi ko? I mean magkikita lang naman kami bukas.
Cassie: Sorry bro! BF niya to kaya back off!!
What? Seriously!! Di ko alam yun ahh. All these time, may dude na nagbabasa sa mga messages ko kay Cassie. What the hell? Di ko alam na may BF na pala siya. Double what the hell!!