Chapter 26

5.8K 119 0
                                    

[Third person's PoV]

Nakakulong parin ang mag-ama at naghahanap na rin ng paraan upang makawala si Kaizo para mailayo sa gulo ang anak niya.

Sa kabilang banda naman, puro putukan ng baril ang maririnig.

Hindi pa sila nakakapasok sa loob pero madami na ang mga kalaban.

"Pucha naman oh! Ba't ba an dadami ng tauhan ng tandang 'yun?!" Singhal ni Miguel habang nagtatago sa likod ng puno.

"Malay mo malaki pala sahod nila! Lipat na lang kaya tayo sakanila?" Bumabaril na sabi ni Nash.

"P*kyu! Nasa away tayo, may balak ka pa talagang magloko?!" Inis na sabi niya habang nakatingin sa kanya sa kabilang puno.

"Pabayaan mo nakasi ako! Taena kung mamamatay man ako dito gusto kong magpakatanga last time na'to" naiiyak na saad niya.

Gustong-gustong tadyakan ni Miguel ang pagmumukha ng kaibigan niya sa kadramahan nito.

"P*tang*na ka Miguel! Pagdi ka umayos, ako mismo ang papatay sa'yo!" Nanggigil sa saad ni Miguel.

"At kapag ako namatay dahil sa kagag*han mo mumultohin talaga kita kahit saan mapa-banyo kapa magpunta." Dagdag niya.

Natigilan naman si Nash nang malaman niyang galit na si Miguel.

"Uh..O-k"

*BANG! BANG!*

Sabay nilang pinaputukan ang mga kalaban, at pareho rin silang may natamaan.

At nag-apir pa ang dalawa dahil doon.

Sina Jhaylou at Vash naman ay nagpahabol sa iilang mga kalaban.

7 ang nakasunod sa kanilang dalawa at medyo malayo na rin sila sa hide out ng mga kalaban..

"Teka ba't ba tayo nagpapahabol?!" Sigaw ni Jhaylou.

"Para ilayo natin sila sa away doon sa building 'yon mas magulo at di mo malalaman kung biglang may babaril sa'yo sa likod o sasaksak" rason no Vash.

Napatango naman si Jhaylou. Nagtago sila sa isang makapal sa halaman.

"Ngayong medyo malayo-layo na rin tayo pwede na ba nating patayin ang mga yan?" Tanong ni Jhaylou.

Tumango si Vash bilang sagot inilabas nito ang kanyang baril.

Pinagmamasdan nila ang bawat galaw ng pito.

Nakita nilang nag-signal ang isa tauhan na kalbo na kumalat sila.

Nagtinginan sina Jhaylou at Vash sa isa't isa at tumango dahil parang alam na nila ang iniisip nila.

Sinundan ni Jhaylou ang mga tauhang pumunta sa kaliwa at Vash naman sa kanan.

Puro malalaki at matataas na pine trees ang nasa paligid.

Nagtatago si Jhaylou sa mga ito.
At bawat silip niya binabaril niya ang taong kalabang nakikita niya.

*BANG!* at bawat baril niya sa isa mabilis siyang lumilipat sa ibang pwesto ng puno at pupinteryahin naman ang isa.

Ganun din ang ginagawa ni Vash sa mga kalaban niya.

*BANG!*

*BANG!*

*BANG!*

*BANG!*

*BANG!*

*BANG!*

Anim na na sunod sunod na bala para sa anim na kalaban nila.

Looking for a Mafia's wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon