Chapter 27

6.7K 115 1
                                    

[Remory's PoV]

1 YEAR LATER...

It's been a year now since that incident.

But it's still fresh in my mind like it was yesterday.

"Waahh!! Remo-chan! Aalis na kami!" Naiiyak na saad ni Mochiru.

Magaling na silang magtagalog sa isang taon nila dito.

"Yeah..I'm gonna miss this place.." sabi ni Megumi habang pinagmamasdan ang buong paligid ng NAIA.

"Eh kami hindi niyo mami-miss?" Nagtatampong sabi ko at nag-pout.

"Hahaha ofcourse! Ikaw pa!" Sabi ni Shiroyan at pinisil at magkabilang pisnge ko.

"Oh come on guys! Umalis na nga po kayo!" Singhal ni Zion.

"So mean! Just like your father!" Mochiru.

"Tsk!" Sabi lang ni Zion.

Tinignan ko lang ang dalawang tiyahin ni Zion na asarin siya pero napailing rin na parang talo pa sila ng isang 4 year old na bata sa asaran.

"So..we're going now, magiging okay ka lang ba?" Biglang tanong saakin ni Shiro na nasa tabi ko lang pala.

"Oo naman, ako pa.." pagmamayabang ko.

Ngumiti siya sakin at ginulo-gulo ang buhok ko, "Good, I just don't like seeing you cry every day because of what happened. " sabi niya.

"Don't worry kakayanin ko'to mag-isa, at kung hindi man...andyan naman sina kuya at Kaizo sa tabi ko.." sabi ko at ngumiti sa kanya.

Nang matapos naming ihatid ang tatlong 'yon sa Airport, agad kong inaya si Zion.

"Zion bilisan mo pupuntahan natin siya.." sabi ko.

"Oo na po Mamita!" Sabi nito at nagmamadaling itinatali ang sintas ng sapatos niya.

Sa isang taong nandito si Zion natuto na rin siyang magtagalog. Hindi naman ganon kagaling pero may ibang salita pa siyang di alam.

Ngumiti siya sakin bago pumasok sa loob ng sasakyan, pumasok na rin ako para magmaneho.

Habang nagmamaneho ako biglang nagtanong si Zion.

"Mamita, bakit nga pala tayo dadalaw sa kanya ngayon?" Tanong ni Zion.

Ibinaling ko saglit ang tingin ko sa kanya at ngumiti.

"Birthday niya ngayon Zion, kaya kailangan natin siyang dalawin.." sagot ko.

"Tyaka nga pala pakitignan sa backseat kung andun yung bulaklak." Sabi ko sa kanya.

Lumingon naman siya sa likuran. "Andito.."

Habang tinatanaw ko ang daan di mapigilan ang mangulila sa kanya.

Napangiti ako ng maalala ang mga alaala tungkol sa kanya.

Kung paano niya ako alagaan at pasayahin sa mga panahon na iyon.

Nakarating na kami sa destinasyon namin, una akong bumaba sa sasakyan at sumunod naman si Zion dala-dala ang isang basket ng bulaklak.

Nakita ko ang lapida kung saan naka-ukit ang pangalan niya.

Agad akong umupo sa tapat nito at sinindihan ang kandila na katiba nito.

"Zion ilagay mo 'yan dito.." utos ko kay Zion.

Ipinalagay ko sa kanya ang bulaklak na sari't saring uri sa tabi rin ng lapida.

Dahan-dahan kong hinahawakan ang pangalan niyang nakaukit doon.

Looking for a Mafia's wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon