~1~
Yeppeun"Ma, una na po ako" paalam ko kay Mama tapos sinakbit ko na 'yung backpack ko
"Luh ate wag muna, bata ka pa kaya" biro naman ng pinsan kong lalaki
"Ano ka ba naman Tantan, huwag ka ngang magbibiro ng ganyan sa pinsan mo, maryosep!" saway naman ng Mama ko na galing kusina at may dala pang sandok "Teka nga muna Erika Chewie, halika muna dito at lalagyan kita ng sapin sa likod" tukoy sa akin ni Mama
Lumapit naman ako sa kanya
"Tantan, pasuyo nga muna itong sandok, dalhin mo dun sa kusina dali" wika niya tapos kinuha niya yung bimpong nakasampay sa upuan
"Si Mama naman, di na po 'ko bata... mga elementary na nga lang po yung nakikita kong may sapin sa likod e... Tsaka, malamig na po kaya dito sa baguio, pano naman po ako papawisan dito?" malumanay kong reklamo sa kanya. Mabilis kasing maoffend si Mama ko.
"Aba kahit na, eh pano pag nag-PE kayo, aba syempre pagpapawisan ka parin no'n! Tsaka, alam mo naman yung kondisyon mo di ba? " sambit niya habang nilalagyan ng pulbo ang likod ko
Nakaramdam naman ako ng lungkot. Kahit kailan talaga... hindi na ako pwedeng mamuhay ng tulad sa iba...
"O ayan, okay na" sambit ni Mama nang naayos niya na ang sapin ko sa likod
"Sige po Ma, alis na po ako" pamamaalam ko sabay halik sa pisngi niya
"O siya, ingat anak ha" sambit ni Mama matapos niyang halikan ang noo ko
Walking distance lang ang school namin mula sa bahay. Kung tutuusin, 5 mins lang ang duration na maigugugol ko sa paglalakad. Pero dahil ubod ako ng bagal, nagiging halos 10 mins. Hay.
Sinanay kasi ako ni Mama na maging mahinahon at maging mahinhin para maiwasan ko daw ang madisgrasya o mabangga kung saan-saan dahil bawal ako masugatan...Pag nasagutan kasi ako, at may lumabas na dugo, delikado para sakin, delikado rin para sa iba...
Overprotective si Mama saakin, pero lagi ko lang rin siyang sinusunod kasi ayaw ko siyang magalit, ayaw ko siyang mag-alala, ayaw ko siyang mastress... kasi parehas kaming HIV positive.
Pagkapanganak ko palang meron na ako agad nito. Nakuha ko kay Mama. Pero hindi rin ginusto ni Mama ang lahat, dahil nahawaan lang rin siya..ni Papa.
Wala naman akong sama ng loob kay Papa. Hindi rin naman kasi niya ginusto ang lahat ng 'to. Hindi niya rin kasi alam na may virus na pala siya bago sila ikasal ni Mama. Nalaman nalang nila nung nagkasakit ako nung baby pa ako at nangailangan ng dugo.
Matagal nang patay si Papa, lumala kasi yung HIV niya at nagkaroon ng komplikasyon. Sa pangyayari yun palang, ramdam ko nang mabilis lang rin ang buhay ko dito sa mundo. Kaya marami akong rules sa buhay ko, at number 1 na dyan, ay ang maging pusong bato.
Bawal na bawal akong magkacrush o mainlove sa kahit na sino. Alam ko rin naman kasing kahit anong gawin ko, hindi kami pwedeng magkatuluyan. Matagal ko nang natanggap na kahit kailan hindi ako maikakasal, makakapag-asawa o magkakaanak. Ayoko nang madamay pa ang ibang tao sa kondisyon ko...
"Erika!" tawag ng isang babae
Syempre alam kong hindi naman ako ang tinatawag dahil wala naman akong kaibigan. Dahil sa kondisyon ko, nasanay akong ilayo ang sarili ko sa iba, kahit hindi nila alam na may HIV ako.
"Uy alam mo ba beh, may nakita akong pogi kanina! As in pogi talaga mukhang korean! Baka maging kaschoolmate natin yun parehas ng uniform satin eh!" chika niya sa kaibigan niya na hula ko eh Erika rin ang pangalan. Nasa likod ko sila habang naglalakad.
BINABASA MO ANG
HIV POSITIVE @ 16
RomanceCan you still love a person who got a virus that could harm you? TaeTzu(k.th x c.ty) FF