~9~
FirstTHIRD PERSON'S POV
Malayu-layo na ang nilakad nina Taeji at Chewie pabalik ng School matapos lumayas sa ospital. Sa pambihirang pagkakataon ay hindi maka-imik si Taeji dahil hindi parin binibitawan ni Chewie ang kamay niya.
Wala namang malisya kay Chewie ang paghawak niya sa kamay ni Taeji. Ang nasa isip niya kasi, baka pag binatawan niya si Taeji ay hindi na ito pumasok ng school at tuluyan nang mag-cutting. Concern siya dito, bilang kaibigan, dahil lagi siya nitong tinutulungan. At gusto niya namang makabawi rito.
Naramdaman naman niyang namamawis na ang palad ni Taeji.
Napatigil siya sa paglakad
"Taeji..."
"...okay ka lang ba...?Bakit hindi ka umiimik...?" nagtatakang tanong ni Chewie. Napabitaw na siya sa kamay ni Taeji "Hindi ka yata sanay maglakad....malayu-layo pala yung ospital sa school" dagdag pa nito"A-Aniyo...(No)" nakatulala lang sa mukha ni Chewie na sagot ni Taeji
Inusisa ng mabuti ni Chewie ang mukha ni Taeji
"Bakit parang..." naningkit ang mata ni Chewie "lutang ikaw?"direkta pero inosenteng tanong ni Chewie
BINABASA MO ANG
HIV POSITIVE @ 16
Roman d'amourCan you still love a person who got a virus that could harm you? TaeTzu(k.th x c.ty) FF