~4~
Stare
THIRD PERSON'S POVNaglakad na palayo si Chewie habang si Taeji naman ay naiwang nakatayo lamang at tinititigan ang paglalakad ng mahinhing dalaga habang palayo ito ng palayo.
Napahawak siya sa kanyang dibdib nang maramdaman niyang napakabilis na ng pintig ng kanyang puso.
Grabe ang epekto ng magandang dalaga sa kanya. Natitigan lamang siya nito kanina ay halos tumigil na ang mundo niya. Tila ba nauubusan siya ng enerhiya, pinapanghina siya sa bawat pagtatama ng kanilang mga mata.
Pero lungkot na ngayon ang kasalukuyang nararamdaman ng koreanong binata. Hindi niya kasi mawari kung bakit ganun ang pakikitungo sa kanya ni Chewie, tila ba ayaw nitong makipag-kaibigan.
"Naneun neoleul pogihaji anheul geosida...(I will not give up on you)" wika nito
~~~~~
Pagbalik ni Taeji sa room ay laking gulat niya nang nagbago na ang seating arrangement. Unang hinanap na mga mata niya ay si Chewie. Hindi niya na makita ito sa dating pwesto nito.
"O Mr.Kim, you're super late. Anyway, your seat is beside Mr. Lagura. " wika ng Adviser nila
Napapout nalang si Taeji sa dissapointment.
"Hey man, what's up?" bati sa kanya ni Jimmin Lagura na katabi niya sa upuan tapos nakipag-high five pa ito
Pero tila hindi iyon napansin ni Taeji dahil hinahanap talaga ng mata niya sa Chewie.
Nakita niya ito sa pangalawang row at nasa bandang kanan tabi ng bintana.Isang row lamang ang pagitan nila. Kasalukuyan itong nagsusulat.
"Dwileul bwa..Jebal..(Look behind you, please). " mahinang bulong ni Taeji
"Anung sabi mo pre?" pagtataka naman ng kanyang katabing si Jimmin
Nakatulala lang si Taeji sa likod ni Chewie
Sinundan ni Jimmin ang titig ni Taeji para malaman kung saan ito nakatingin. Napasmirk ito nang mapagtanto kung saan si Taeji nakatulala
"Crush mo talaga no? Hahahah" sambit ni Jimmin at tinapik-tapik pa ang balikat ni Taeji
Bumalik naman sa ulirat si Taeji
"Mwo? (What?)" sambit nito
"Ha?" naguguluhang tanung rin ni Jimmin dahil hindi naman ito nakakaintindi ng korean
Napakamot sa ulo si Taeji "Iss this finar?(Is this final?)" tanung nalang nito
"Oo haha. Eto na upuan natin sa buong 1st grading" sagot naman ni Jimmin
BINABASA MO ANG
HIV POSITIVE @ 16
Roman d'amourCan you still love a person who got a virus that could harm you? TaeTzu(k.th x c.ty) FF