3

1.4K 18 4
                                    

Anne's POV

"Goodmorning my dear, what can I do for you ? "

Masiglang bati ko sa pasyente ko ngayon.. Bagong patient ko siya kaya mahabang tanungan ang magaganap dito.. Bilang Psychologist/Psychiatrist kailangan ko malaman ang buong kwento ng buhay nila for me to better understand them..

"You're a Pinoy right ? So can I speak in tagalog ? "

"Wow! Sure go ahead.. Walang problema sakin yun.. !" sagot ko agad.. Aba FC naman nitong babaeng to..

"I witnessed a car accident almost 5 years ago.. Hanggang ngayon di ko pa rin malimutan.. I still have bad dreams about it.. "

"Why were you there that time? And gusto ko ikwento mo sakin ang buong pangyayari.. "

Then she started the story...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

  Hey ! I miss you! Laters baby..

Ayhieeeee ! Nagtext na ang Christian Grey ng buhay ko. Nagreply naman ako kaagad syempre..

Sure ! I'll cook our dinner later.. Miss you too..

Hihi ! Kinikilig ako talaga.. Kaya eto nagmamadali na ko mag ayos ng gamit para makauwi na.. Aba eto na yun oh , palalampasin ko pa ba naman.. After kasi ng nangyari sa park halos araw-araw na kami magkasama. Mukhang bakasyon grande ang buong Lascivious.. Baka nagliliwaliw pa sina Sofia at Chad..

Sumakay agad ako sa elevator na mukhang hinihintay talaga ako dahil saktong bumukas siya pagdating ko.. Creepy ah , pero anyway okay lang yan dahil mas mapapabilis ang paguwi ko..

Pagkababa ko sa basement dahil nandun nakapark ang kotse ko, nakita ko si Sam.. Siya yung pasyente ko kanina, may kausap siya sa phone.. Di naman ako chismosa pero dadaanan ko kasi siya kaya narinig ko talaga yung sinasabi niya sa kausap niya..

"Okay, I'll tell mom nalang.. Sige ingat ka.. " then she hang up her phone..

"Hi Sammy! Nandito ka pa pala.. " bati ko .. "So siya ba yung sinasabi mo ? "

"Ah opo.. Di daw kasi siya makakauwi ngayon kaya sasabihin ko kay Mommy.. "

"Okay sige.. Ingat sa pagdadrive ha.. See you next session ha.. "

Sumakay na ko agad sa kotse ko para makauwi na.. Hmmm.. Ano kaya lulutuin ko para kay Trey ? Humiga nalang kaya ako sa dining table ??? Eeh !? Ayoko , parang lechon lang.. Pero sabagay masarap yun..

Nakarating na ko sa bahay na iniisip ko pa rin ang lulutuin ko.. Pagbukas ko palang ng pinto bumungad na kaagad sakin ang abs ng bebe ko... Mas yummmeeeeehhh to...

"Oh ! Nandiyan ka na pala.. Kakatapos ko lang mag shower eh.."

Palapit siya sakin at ooohhhhh water is dripping all over his body ! Ako nalang ang tuwalya please ! Nakatitig pa rin ako sa abs niya kaya di ko na namalayan na nasa harap ko na pala siya mismo..

"Magluluto ka pa ba o ako nalang solve ka na ?"

"Alam kong yummy ka pero magluluto pa rin ako, gutom kaya ako.. " sagot ko sabay talikod sakanya..

Shems ! Nakakahiya , mukha akong perv sa pagkakatingin ko sakanya.. Oo alam ko di na ko V para umarte pa ng ganun pero kasi naman diba.. Babae pa rin ako ^____^

Nilapag ko lang ang gamit ko tapos dumirecho na ko sa kusina para magluto..

Naramdaman kong lumapit siya sakin at niyakap ako mula sa likod tapos inamoy niya ang leeg ko, "What are you gonna cook for us?"

" Baked Mac with garlic bread .. Okay lang ba? "

" Hmm! Galing ha.. That's my favorite.. "

Wow! Parehas pala kami.. Ayun para siya koala na nakakapit sakin habang nagluluto ako.. Ayaw bumitaw e..

"Trey naman eh , doon ka muna please.. Hindi ako makapagluto ng maayos e.. "

Umiling iling lang siya habang nakapout.. Ang cute niyang tignan..

"Babe! Ang kulit mo naman eh.. Bitaw ka muna nagrereview ako eh.."

Pilit ko pinapaalis si TJ sa pagkakayakap sakin.. Di naman siya malikot pero nakakadistract kasi yung pag amoy niya sakin.. Kulang nalang masinghot na nya ko ng buo e..

*iling-iling* "Ayaw ko po." *pout*

Psh ! Kung di lang cute tong babe ko ihahagis ko to e.. Pero hayaan na , kahit anong gawin ko mangungulit lang to e..

Hinayaan ko nalang siya diyan , siya naman ang mangangawit hindi ako e..

"Oh ayan let's wait for 5 minutes para magmelt yung cheese.. Makakakain na tayo.. "

Bigla akong hinila ni Trey siya naupo kaya nakakandong ako sakanya.. "Nakakabaliw ka Anne." Tapos bigla nalang akong hinalikan..

Inilayo ko agad yung mukha niya kasi naman nagugutom ako talaga kaya kain muna bago ang kung ano pa man..

"Mamaya na yan , kain muna tayo.. "

Lumayo na ko kaagad para tumigil muna siya.. Mahirap na , baka di ko rin mapigilan ang sarili ko..

"May sour cream ka ba diyan ? "

"Huh ? Meron sa ref, bakit ?"

Kinuha niya yung sour cream then he spread dun sa sinandok nyang baked mac nya.. WTF ??

"Hi ! Can I have sour cream please.. Thanks.." utos ni TJ sa waiter dito sa fave resto namin..

It's an italian resto na sobrang sarap ng food.. Kaya naging favorite namin ang baked mac e..

" Eeww! What's with the sour cream babe?"

"Mas masarap yun promise.. I'll let you taste that.. "

Bumalik na yung waiter at binigay yung request nyang sour cream.. Then nilagay niya nga sa baked mac nya.. Then sinubuan niya pa ko.. Its not bad naman pero ayoko pa rin e..

"Good diba ? "

"Try this oh.. "

Uh-oh .. This is bad.. He is becoming more like TJ ...

This is bad ... Real Bad..

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

A/N: OMG ! eto na finally natapos ko din itype. hahaha pasensya na maikli na naman ..

naexcite ako bigla sa kwento nila.. Pero di ko dapat madaliin kasi baka mabulilyaso mahirap na..

dapat kanina pa to tapos pero dahil sa post ni Kureng ayan nadelay tuloy hahahaha..

enjoy reading guys ! thanks so much po sa mga nagreread at nagvovote !!! mwuaps ! mwuaps !

Intuition (Infatuation's Side Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon