Chapter 15 : The Day

4 0 0
                                    

"Don't say what you don't mean."

***

Ren Pov

Napatingin ako sa Relo ko at napabuntong hininga alas singko palang ng umaga pero gising na ako, hindi tuloy ako nakatulog ng maayos dahil alam kong masama ang loob sa akin ni Lem.. Anong gagawin ko?? Hindi ko alam kung paano ko susuyuin si Lem knowing him kapag siya nag tampo ng sobra ang hirap niyang suyuin.. Nag-ayos lang ako saglit bago lumabas ng kwarto para sana puntahan si Lem sa kwarto niya.. Ilang beses akong kumatok sa kwarto niya pero hindi niya binubuksan.

"Mam may problema po ba?" Tanong sa akin nang staff nila dito sa resort..


"Ahhh wala naman, hindi lang kasi ako pinag bubuksan ng pinto nang kaibigan ko."


"Ahhh Mam baka po nagkakamali kayo ng room, wala po kasing naka check in diyan sa loob."


Napakunot noo naman ako sa sinabi ng staff nila..


"No, sigurado ako dito ang room niya.."


"Ahmm ganto nalang po Mam check nalang po natin sa loob para po maka sigurado kayo.."


"Okay sige." Binuksan niya yung room dahil naka lock pero pag pasok namin nagulat ako dahil wala ngang tao sa loob walang bakas ni Lemer sa loob.. Hindi kaya iniwan niya ako dahil nagalit talaga siya sa akin ng sobra? Pero kahit galit naman yun sa akin hindi niya ako basta basta iiwan mag-isa dito..


"Baka po nagkamali lang po kayo ng room number pwede po nating i check sa main building.."


"Ahh hindi na, thank you nalang.." I said then bumalik ma ako sa kwarto at inayos na ang mga gamit ko para makauwi na at kailangan ko pang humingi ng tawad kay Lem.


Habang nasa byahe tinatawagan ko si Lem pero hindi ko matawagan, nag e-end call agad, sandali lang ang byahe pero parang ang tagal inip na inip na ako hindi ko alam pero parang may nararamdaman akong mali hindi ko lang alam kung ano. Nang makarating na ako hindi muna ako tumuloy kila Lem, umuwi muna ako sa bahay dahil sobrang dami mg dala ko lalakarin ko nalang mamaya tutal malapit nalang naman bahay nila ehhh..


"Ohh san ka galing? Ang dami mo ata dalang gamit?" Nang makapasok na ako sa bahay bumungad agad sa akin si ate Trish na nanonood sa sala..


"Hindi ko ba sinabi sayo?" Napakunot naman ang noo niya.. Pero ang natatandaan ko nag paalam ako nun sakanya kasi wala ata si Mommy nun.


"Ang alin?" Sasagot palang sana ako ng bumukas yung pintuan at iniluwa nito si kuya Rey na may bitbit na pizza..


"Pizza party!!" Sigaw niya saka tumakbo sa sofa at tumabi kay ate Trish and then nilapag yung pizza sa maliit na table dun sa tapat nila.. Nandito na si kuya Rey hindi na siguro siya galit sa akin..


"Oh nene bakit nakatayo kapa dyan?"


"Hindi kana galit sakin?" Napakunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko..


"Huh? Bakit naman ako magagalit sayo?"


Siguro nga nag tampo lang siya nun, akala ko kasi nagalit siya, tumakbo ako palapit sakanya at niyakap siya..


"Ang weird mo ngayon Ren, may problema ka ba?"

"Ahhh wala, akala ko nagalit ka talaga sa akin." Sabi ko at humiwalay sa pagkaka yakap sakanya. Nag katinginan sila ni ate Trish na parang may mali sa kinikilos ko.. Sila ata ang weird na dalawa.. Inakyat ko na sa kwarto yung mga gamit ko at nag palit bago pumunta kila Lem..


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 10 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Finding LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon