Chapter 4: Not Okay

44 44 7
                                    

"He May Not Be Prefect, But He's The Best You'll Ever Have. You'll Realize It The Day He Stop Coming Back."

***

"Good afternoon tita." Bati ko kaagad kay tita at bineso siya ngumiti siya at pinaupo ako sa may Sofa, aakyat lang daw si Lem para makapag-palit.

"Ohh iha, buti napadalaw ka? Nitong mga nakaraang araw nagtatampo ako sayo hindi mo na ako dinadalaw, dati rati lagi kang nakatambay dito, na miss tuloy kita."

"Ayyy sorry tita ahhh, katatapos lang po kasi ng finals ngayong first sem kaya po naging busy po ako sa pag rereview, di bale tita malapit naman na po ang sembreak kaya lagi lagi ko po kayong dadalawin." Sagot ko kay tita, si tita Germaine ang pinaka close ko sa lahat ng parents ng mga kaibigan ko kaya I'm very much comfortable to go along with tita Germaine, since tatlong bahay lang naman ang layo ng bahay namin sakanila kaya madalas kami magkita at makapag bond da isat-isa.. Sa lahat ng mga kaibigan ko si Lem at ang parents niya lang ang kaparehas namin ng subdivision kaya siguro mas close ako kay tita although close ko rin naman sila Tita Agatha pero mas close ko si Tita Germaine, kaya mas close ko rin si Lem sakanilang lahat, kung tutuusin si Lem ang bestfriend ko sakanilang lahat.

"Aasahan ko yan." At ngumiti siya sa akin, ganun din ako.. "Nga pala may gagawin ba kayo ni Lem kaya ka napadalaw dito?"

"Ahh opo tita, meron po kasing Arts competition this Friday at kami po ni Lem ang pinili nila para lumban."

"Oww, that's great, I'm going to support you and Lem this Friday since wala naman akong importanteng gagawin so I can visit you in your school, para narin pala makita sila Chester, nakakatampo kayo hindi na kayo nakukumpletong dumadalaw dito, dadalaw sila Riah wala naman kayo ni Trish dadalaw sila Chester wala naman sila Meg." I chuckled to tita's statement, matampuhin talaga si Tita Germaine sakanilang lahat na magka-kaibigan si Tita Germaine ang pinaka sweet kaya gustong gusto namin siya ni Ate Trish.

"Sorry tita ahh talagang hindi lang po nagkakasabay ang mga schedule namin." Magsasalita parang si tita ng napansin naming bumababa na ng hagdan si Lem at nagsasalita.

"Tara na, umpisahan na natin." Sabi niya sakin at tumabi sakin dun sa Sofa.

"O sige, umpisahan niyo na at magluluto lang ako ng makakain niyo." Ngumiti naman ako Kay tita.

"Mukang miss na miss ka ni Mommy, dito ka na kasi tumira."

"Hu..huh"? Hindi ko kasi naintindihan yung huli niyang sinabi.

"Hahaha, wala sabi ko lalo ka atang gumaganda." I rolled my eyes on him he's always like this. That's why I suddenly forget what happen yesterday. Napailing ako at ngumiti.

"Bakit? Naiinlove kana ba sakin?" Pagsasakay ko sa biro niya kahit totoo naman na maganda ako ... Nakita kong nagulat siya at ngumisi.

"Oo." Seryosong sabi niya. Kaya naman natawa ako ng malakas. Baliw talaga ang isang to.

"Hahaha your crazy." Nagpout siya sa sinabi ko, he's cute ..

"Bakit ka ba tumatawa?" Clueless niyang tanong. Pero tawa parin ako ng tawa, nakakatawa kasi talaga yung muka niya, napaka seryoso parang hindi siya."Bakit ka ba tawa ng tawa? Umpisahan na nga lang natin, pinagtatawanan mo pa ako ehhh, di naman ako nagbibiro mahal talaga kita dati pa."

"I'm sorry,.can't help it." Kaya pinipigilan ko ng tumawa, kahit natatawa pa ako nainis na ata Hahaha.. "So Let's start, tanong ko lang may naisip ka na bang concept dapat yung kakaiba naman yung hindi pangkaraniwan."

"Hindi pangkaraniwan? Ano yun gusto mo mga spirits or ghost?"

"Baliw hindi naman sa ganun, hmm what if,." Pinaliwanag ko naman sakanya ang gusto kong mangyare para dun sa Concept namin.

"Well not bad." He said and then he start to draw what I said. And then stared at him, ngayon ko lang na realize na gwapo pala talaga siya kapag seryoso, madalas kasi siyang nakangiti, sa totoo lang siya ang clown ng barkada, siya ang nagpapasaya sa tuwing may mga problema kami, siya ang dahilan kung bakit nagkakaayos kami pag nag-aaway kami nila Riah. Seryoso siyang nakatingin sa sketched pad niya kaya hindi niya napapansin na nakatingin ako sakanya..

"Kung makatitig ka sakin para namang may gusto ka sa akin." Sabi niya sakin ng hindi ako tinitignan akala ko naman hindi niya napapansin..

"Baliw, ang pogi mo kasing tignan kapag seryoso ka, masadalas ka kasing nakangiti, I mean mas madalas kang maging loko loko."

"So.. Mas gusto mong seryoso ako ganun?"

"Halahhh!! Baliw hindi naman sa ganun---" Tumaas ang kilay ko nang narinig ko ang mahina niyang pagtawa na halatang pinipigilan ang kanyang pagtawa..

"Tsskk!! Sabi ko na nga ba ehhh niloloko mo nanaman ako, kainis kaaaaa!!" Medyo nainis ako kaya inagaw ko sakanya ang sketched pad at nag draw nalang.

"Hahahaha, sorry na ang sarap mo lang talaga ng asarin."

"So Proud ka pa huh!?" Hindi talaga kaya ng isang to maging seryoso puro kalokohan ang nalalaman, feeling ko nga nahahawa narin ako sa kabaliwan nitong lalaking to.. Ngumiti lang siya sa akin at tumayo.. Pupuntahan niya lang daw si Tita dahil gutom na siya.. Ang tagal daw kasi magluto ni Tita ehhh.. Mga ilang minuto lang naihanda na ni tita yung pagkain kaya kumain muna kami..

"Sige lang Ren kain ka lang, hey Lem wag mong uubusan yang si Ren ahhh para sakanya talaga yan." Napatawa ako at ngumisi kay Lem at bumulong..

"Mas mahal ako ng Mommy mo, hahaha."

"Mas mahal din ako ng Mommy mo, hmmfftt." Bulong niya rin sakin at pinagpatuloy narin niya ang pagkain.. Favorite din kasi talaga siya ni Mommy kaya feel at home din siya sa bahay at lagi ring sinasabi ni Mommy sakin pag naghahanda rin siya ng meryenda na wag kong uubusan si Lem ng pagkain.. Ang takaw niya kaya siya pa nga ang nang-aagaw ng pagkain sakin ehhh..

Pagkatapos naming kumain, nag finalize na nga kami kung ano yung final naming gagawin, kaya nag paalam na ako Kay tita para umuwi mag-gagabi narin kasi ehh..

"Lem hatid mo na tong si Ren." Sabi ni tita Kay Lem..

"Kahit wag na Mommy, kaya naman niyang ipagtanggol sarili niya ehhh mas lalaki pa ata sakin yang si Ren ehhh." Dahil sa sinabi niya nakatanggap siya ng dalawang masamang tingin isa sakin at Kay tita.. Tinaas niya yung dalawang kamay niya na parang sumusuko na.. Actually okay lang naman na hindi niya ako ihatid kasi kaya ko naman sarili ko.. Aba sinabihan ba naman na mas lalaki pa daw ako sakanya.. Gustong gusto ko talaga siyang sipain ngayon.

"Joke lang naman, chill lang kayo, halika na nga Ren hatid na kita baka mangagat ka pa diyan, Joke lang ulit hahaha." Iniripan ko nalang siya at nag paalam ulit kay tita bago lumabas ng bahay nila. Nagdadaldalan lang kami habang naglalakad, puro kalokohan nanaman kinukwento niya sa akin kaya natatawa nalang ako..

"Sige na umuwi kana." Sabi ko ng makarating na kami sa harap ng bahay namin, malapit lang naman bahay nila sa amin kaya, mabilis kaming nakarating sa bahay.

"Grabe ka, hindi mo ba ako papapasukin?"

"Baliw, may gagawin pa ako sige na uwi na tulungan mo nalang si Tita na maghain ng hapunan niyo." He sighed and smile at me..

"Okay, bye bye, bukas nalang ako pupunta dito sa bahay niyo, tutal half day naman bukas ehhh.."

"Oo na, sige na ikaw ang bahala." Sabi ko at tinulak tulak na siya..

"Grabe naman makatulak parang ayaw na ayaw mo kong makasama ahh."

"Arte may gagawin lang kasi ako, kaya sige na uwi na.." He start walking and waved at me.. Napangiti ako at tumalikod narin para pumasok na ng bahay.. Hayyss another suffer again, I think I will remember Brian again.. Iiyak nanaman ako, nakakasawa narin.. Kailan kaya gagaling ang sugat na ito sobra na ang sakit....

***

Finding LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon