Chapter 1
Ako si Tina Toledo, 20 years old. Isa akong probinsyana pero dito ako nagsta-stay sa Manila. Hindi ako nagboboard o nagrerent ng matitirhan. Dito kasi ako nakatira sa bahay ng amo ni mama. Kung tinatanong niyo kung ano ang trabaho ni mama. Well isa siyang kasambahay ng pamilyang Garcia. Mabait ang mag-asawang Garcia. Hindi nila tinuturing na iba ang kanilang mga kasambahay. Sila rin yung nagpapaaral sa akin since nong tumungtong ako ng college. Merong dalawang anak sina Mr. and Mrs. Garcia.
Si Nathalie Garcia, 25 years old. Siya yung panganay. Katulad ng kanyang mga magulang ay mabait rin siya. Maganda, sexy, matalino, basta halos lahat na yata ay nasa kanya.
Si Nathaniel Garcia naman ay ang bunso. He's 21 years old. Kabaliktaran naman ang ugali niya sa kanyang magulang at sa kanyang ate. Masungit, mayabang, matigas ang ulo, moody.. yan siya.
Pero aaminin ko una ko palang siya nakita ay nagkagusto na ako sa kanya. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang katulad niya?! Gwapo, macho, maputi, matangos ang ilong, kissable lips, matangkad. Yun nga lang masungit. Pero keri na! Kaso nga lang alam ko naman na never niya akong magugustuhan.
Tumingin ako sa orasan. 11:55 na pala. Masyado ba akong madaldal?! Sorry ha? Di kasi ako makatulog eh. Buti bakasyon ngayon kaya walang pasok. Papikit na sana ako ng bigla akong nakarinig ng pagclick ng door knob sa aking kwarto. Nagulat nalang ako ng bigla nitong niluwa si sir Nathaniel.
"S-sir, ba-bakit po?" utal-utal kong tanong. Sabay tayo.
"Why are you asking me *hik* that question? *hik* Bahay ko to eh. *hik*" sabi niy sakin.
Hay lasing naman si sir Nathan. Patuloy lang siya sa paglalakad ng pabalang hanggang sa makarating siya sa kama ko.
Nang biglang... "WAAAAHH! S-sir?" napasigaw na lang ako sa sobrang gulat. Paano ba naman bigla siya natumba at ngayon ay nakadaghan na siya sakin. Grabe! Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Isang maling galaw lang siguradong didikit na ang aming mga labi. Tumayo na 'ko bago ko pa siya mahalikan. Dejoke. May respeto naman ako kay sir no. Bago ko siya buhatin pataas ay tinitigan ko muna yung mukha niya. Hay, ang gwapo talaga ni sir Nathan.
Binuhat ko na siya pataas ng kama. Medyo nahirapan ako pero keri na rin. Hindi ko na siya dinala sa room niya kasi ang bigat niya. At isa pa nasa itaas yung room niya. Ayoko na ring abalahin sina mama at yung iba pang kasambahay. Alam ko naman kasi na pagod sila. Hindi naman ako pakahingi ng tulong kina mr. and mrs. Garcia, kasi wala sila dito. Ang alam ko 5am pa ang uwi nila. Ganun sila kabusy.
Tumungo na ako ng kusina para kumuha ng basin at towel na pamunas kay sir Nathaniel. Bumalik na ako ng kwarto para mapunasan na si sir Nathaniel. Inuna ko muna yung kanyang mga braso at mukha. Sunod naman ay ang... naku! Pano ba to?!!! Pumikit na lang ako habang binubuksan yung butones ng kanyang polo. Ayoko naman na sabihin ng iba na pinagsasamantalahan ko si sir Nathan. Okay na yung gusto ko siya, pero never ko siyang babastusin.
Habang pinupunasan ko yung katawan niya ay bigla siyang nagsalita.
"Cheska, please stay with me." sabi niya habang pikit na pikit ang kanyang mga mata.
Si Cheska Jensen, siya yung girlfriend ni sir Nathan. Ang alam ko hindi boto sa kanya si ma'am Nathalie at yung parents niya. Kaya siya nagkakaganito ngayon. Yung parang nagrerebelde. Sobrang mahal niya kasi Cheska.
*5am*
Nakarinig ako ng pagclick ng door knob. Pero hindi ko na pinansin dahil sa sobrang antok.
"Oh my ghad! Nathan why are you here? May nangyari na ba sa inyo?" praning na sigaw ni mrs. Garcia.
Bigla naman akong napabangon dahil sa sobrang gulat. Ganun din si sir Nathan na napatayo pa.

BINABASA MO ANG
Accidentally Happened
Fiksi RemajaOur story started when he fell asleep inside my room. At nagising na lang ako na kailangan na pala kaming ikasal.