Menjo's POV
Nakahiga ako ngayon sa sahig ng simbahan, ramdam ko parin ang sakit na tinamo ko sa kanilang pambubugbog.Planado nila ito at lahat ng mga minamahal ko ay pinatay nila, ang mapapangasawa ko ay patay na at ang masakit pa nito ay mga kaibigan ko pa ang gumawa.Nagkamali ako, hindi dapat ako bumitaw sa pagiging assassin, isang napakalaking maling disesyon na ang naging bunga ay isang malagim na krimen.
Hingal na hingal ako at tanging ulo ko nalang ang nagagalaw ko, matapos nila akong pahirapan ay nakatingin lang silang apat sa akin.Ngunit ang ang kinatakot ko lalo ay ang isang yapak ng isang tao na papalapit ngayon sa akin.
Tumabi ang apat at nakita ko na ang isang lalaki na naka toxido at may hawak na baril.Naka ngiti ito na parang dimonyo at nag cross arm.
"Sa tingin mo tanggap ko lahat ng ginawa nyo?"sa pagkakasabi nya niyon ay nagpintig ang aking dalawang tainga.
"Hindi ko kasalanan kung bakit ako ang pinili nya, wala akong intensyon na agawin sya sayo, dahil sa una palang ako ang pinili ny--"
"Tahimik!!,wag ka nang magpaliwanag pa, wala ka nang silbe kaya dapat lang na mamatay ka na"nanlaki ang mata ko nang ikasa na nya ang baril."Any last word?"sabay tutok ng baril sa aking ulo.
"Von, anak mo yung bat-"hindi ko pa natatapos ang aking pagsasalita ngunit ipinutok na nya ang baril.