Pustahan Tayo: Di Mo Babasahin Ang Author's Note.

97 1 1
                                    

          I think boredome killed the cat.

          Kasi kapag bored ka, ang curiosity level tumataas. And most cats live in a boring lifestyle. Kapag bored ka, lalabas at lalabas ang mga creative ideas na hindi mo aasahang lumabas. You will grab a pen. Stare at the point. And doodle. Doodle. Doodle. Doodle. Kung hindi mag-work out ang stress release – ahem – boredome release, magiging tattoo artist ka na. Magsisimula ka sa palad mo. Pag wala nang space, sa wrist naman. Kapag natadtad mo na ng tinta ang buo mong kamay, manghihiram ka na ng ibang kamay. “Uy, gusto mo tato. Libre.” Oo, alam ko, bored ka na. Ako din bored na rin ako. For sure, you skipped most of the part. Why? Bacause you are bored.

          Boredom killed the cat.

          Patunay yan sa pusa namin. Actually, pusa ng kapit-bahay namin. Dahil sa palaging wala sa bahay ang amo, itinuring niya kaming adoptive owner niya. Let’s call him Muning. Kakulay niya si Garfield. O Puss In Boots. Basta generic ang mukha. Kahit na kalalaking tao, ligawin ng mga pusang kalye at nakikidayo pa para maamoy lang ang alindog ni Muning. Tanda mo ba ng tumama ang tropical monsoon sa Manila, na nagpaapaw ng maraming fish pond sa Pangasinan at maraming bangus ang nag-detour sa Ilog Pasig, ayun ang time na may malaking sanga ng puno ang saktong sumira ng bubong namin. Bubong ng third floor, of course. Kailangang palitan ang bubong o kung hindi, waterfalls naman ang aabutin namin kasi may kasunod na bagyong parating.

          Ano? Lumalayo na ako? Paparating pa lang ang climax.

Anyways, si Muning hindi happy sa bagong bubong. Sobrang dulas kasi. Tambayan niya at ng kanyang mga lovers ang bubong. Binalaan na siya ng amo niya na wag tumambay kasi nga baka malaglag siya sa mula sa THIRD FLOOR. Eh, pusa kausap niya, expect mo bang mainintindihan niya ang Tagalog.

          Tumalon.

          Eh, madulas.

          Hindi ko na isusulat kung anong sound effect ang tumunog nang makita siya ng magulang ko sa kalsada na buhay at mukhang napahiya. (Kung tao yun, siguradong nasa orthopaedic center na siya.) Ang ending ng kwento ko – si Muning ay missing in action for the past three days. May hinuha si Mamang na baka nagka-amnesia si Muning o kaya internal hemorrhage. Dahil wala siya, wala akong kausap, kakwentuhan at kaibigan sa bahay namin. Sinubukan kong mag-post ng Missing pero saan naman ba ako hahanap ng picture niya eh napaka-typical na pusakal lang siya sa kalye. Hopeless to. Kapag bored ka pala, pati ang mga bagay na akala mong limot na ay bilang mong matatandaan. At kapag curious ka masyado, hindi mahalaga ang sinasabi ng iba pati na ng moral values mo. Basta, naniniwala ako na ito ang switch para makita ng iba ang alter ego mo.

         Sana di na lang ako bored. Masyadong gumagana ang imagination ko. Ikaw…dahil bored ka, pakiusap na namnamin mo ang malilikhaing salita na gusto kong sabihin kasi nga ang tawag sa parte ng kwentong ito ay author’s note. Kung gusto mong i-skip ang intro at makapunta sa love story, buksan mo na lang ang Chapter Two.

       Napatunayan ko rin na si Muning ay may nine-lives. I hope you remember me Muning. I dedicate this story to you Muning, and my labs.

          Reader:        Si Muning ba ang leading lady ng story mo kuya?

          Ako:            Ano?

Her 30 Episodes BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon