Chapter Four - This Is It

45 1 1
                                    

          Ito ang simula. Akala mo may kilig na sa chapter two? Wala pa. Basta, eto na yun. Dito nagsimula ang spark. Dito nagsimula ang kilig. Dito nagsimula maging couch potato ang tulad ko workaholic. At dito nagsimula mawala ang pagiging torpe ko. Bibigyan kita ng clue kung ano ang nasa tape.

          Babae.

          Nasa kama.

          May idea ka na?

          Oo, hospital ang setting.

          Tapos, nakasuwero siya.

Day 1 – January 10, 2013

         

          Mukhang handheld video recorder ang gamit niya. Hindi ito yung type na may ‘Rec at pulang bilog natumitibok-tibok sa gilid’ kundi yung normal na camera lang. Pagkaikot, isang babae ang ngumiti sa dalawang taong nakatalikod sa camera. Yung isa naka scrubs at yung isa puting suit. Nakatutok lang sa babae ang camera na parang hindi niya alam. O baka, pinabayaan lang niya. Nasa loob siya ng kwarto na walang bintana. Halos puti ang lahat ng nasa likuran niya. Kahit na nakasuot siya ng loose na patient's dress, hindi pa rin nito maitatago ang ganda niya.

          “Bakit po may video?” Magalang niyang tanong nang mapansin ang camera.

          “Ah, eto. Hindi. Regalo namin sa iyo ‘tong camera. Tinetesting lang namin kung okay,” he lied.

          “Hindi ako tanga sir, alam kong nagrerecord na iyan kanina pa.” Ngumiti siya at nag-‘hi’ sa screen. Lumapit siya at kinuha ang camera. Parang naalog ang mundo ko. Thank god, DSLR ang gamit nila. “Wow, Nikon. Sorry doc, pero ang mahal nito.”

          Kung ako ikaw, tatambling na ako sa tuwa. Sumagot si Doc, “Galing yan sa  sponsor mo, Tracey.”

          “Talaga!”

          This time, babae na ang sumagot. Sa tingin ko si Jane yun. Hindi pa siya rebonded dito ha. “Oo, pero irecord muna natin. Ipapadala yung interview na ito sa sponsors mo.”

         Sa ekpresyon ng mukha niya, masasabing hindi siya makapaniwala.

        Tuwa. Oo.

        Pagtataka. Kasama na yata. “Sorry po doc, hindi ko po matatanggap yan. Naaawa lang naman sila sa akin. Yung halagang camera…pwedeng ipang-aral ng bata.”

       Natameme si Doc at si Jane. “Hiniling mo iyan last month sa parents mo. And this is part of the therapy. We decide to make everything better around here for you. Kailangan mong gumaling naturally. Effective ang naisip na method ni Jene.”

      "Sa parents ko. Hindi sa kahit kanino." Ngumiti siya. Yung ngiting ‘Okay lang per hindi okay’, “Jane, tanggap ko na. Hinihintay ko na lang dumating yung… time.”

          CUT.

          Ibang setting naman.

      Mukhang nakalimutan yata patayin ni Doc ang camera. Oo, hinayaan lang ng sinuman na gumana ito. Ang tanging naririnig ko lang ay ang boses nila habang naka-position ang view sa hallway ng ospital.

          “Jane, it wasn’t okay.” Boses ni Doc. “Nagtratrabaho yung parents niya ng double time para sa kanya. Tapos aantayin lang niya na mamatay siya. She should be thankful that someone gave that gift to her.”

          “Hindi naman ganun Doc. Kailangan niya ang parents niya, hindi pera. Mag-isa siya palagi sa kwarto niya. Walang nakakausap.”

          “Isn’t it enough na naghanap naman tayo ng mga sponsor para sa kanya. Mabuti na lang may mabuting loob na nag-upgrade ng kwarto ni Jane dito, nagbigay ng medical needs at nagregalo ng mamahaling camera. Alam mo naman na mahal yun. Kaya, pera pa rin ang katapat ng service na maibibigay natin para mabuhay pa siya ng matagal. Napapagod na ako Jane. Hindi ko alam ang cure sa sakit niya.”

          “Doc, ako din napapagod. Pero kapag nakikita kong kinakaya ni Tracey, nawawala yung hirap eh. It’s not her fault if she was born with that case.”

          “Hindi ko sinisisi yung case niya…kaso…fragile siya. Kapag nag-isip siya ng negativity, lalo siyang manghihina. Tumatanda na rin ang parents ni Tracey. Sinong mag-aalaga sa kanya kapag wala na sila. Tayo? Dito sa ospital? Alam mong hindi lahat ng nurse at doctor dito willing magcharity work.”

         

          CUT.

          Balik uli sa kwarto ni Tracey. This time, naka focus na siya ng headshot.

       “Huwag kang maawa ha. Kailangan ko itong gawin Sam…yeah Sam. Weird.” Iling ni Tracey. “Despite na di ko alam kung nag-eexist ka, go na lang. Si Jane ang may idea nito. I’m too old for this crappy thing pero…let’s play along with it. Wala akong babaguhin ni isa sa mga tapes. Ang goal ko lang, magkaroon ng video diary para sa mga sponsor ko. Hindi ako sports superstar o kahit ano na sikat. Yung sakit ko lang ang sikat. Wala pang pangalan. Pero may hula na ang mga doktor kung ano. Actually, normal din akong tao. Nag-aral din ako ng college pero isang taon lang. Akala ko tuloy-tuloy na ang buhay…yun pala may regalong dumating na dapat...hindi ko nabuksan. BOOM!”

          Napatigil ako sa harap ng T.V screen.

          “Bomba pala na nakalagay sa wrapper.” She tucks in a loose strand of her before continuing, “Feeling ko…nawiwirduhan ka sa sinabi ko.” Itinaas niya ang kamay niya at sinabi, “Eto…etong sarili ko ang bomba. Last month, biglang nag-ignite yung hibla ng dinamita. Ngayon, hindi ko alam kung kailan ako sasabog.

          Wait, sasabog. Hindi yun ang sakit ko. Ang alam ko lang. Once na naexpose ako sa maling environment, magsisimula na ang count down ko. Na-near-to-death na ako once. At sobrang…natakot ako. Natakot ako na baka hindi ko na makita si Mom at Dad. Mabuti na lang si Dr. Silva dumating. Ang sabi niya, hindi daw ako mamamatay. And I held on to that promise. Kaya ngayon, nakakulong ako sa loob ng seldang plastic cover at walang bintana.

          Oh…I forgot.

       Sana totoo ka pala. Kasi…first time ko itong gagawin at ayaw kong maging tanga sa harap ng camera.” Inabot niya ng kamay niya na parang makikipagshake-hands. “Nice to meet you Sam Herera.” Then with a flick of her hand as she presses the stop button, natapos rin ang unang episode ng kwento namin.

End of video

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her 30 Episodes BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon