Pagkabukas ng pinto, kaagad na inilagay ko sa ilalim ng kama ang kahon na pinadala ni Jane. Kahit pala magaan dalhin sa una, bumibigat sa uli. Ano kaya ang laman nito? At tsaka bakit ang daming kumakalog sa loob? Nang titignan ko na sana kung ano ang nasa loob ng box, biglang nag-ring ang phone ko. Kaagad ko namang sinagot ang tawag at isinandal ang likod sa bedrest ng kama, “Si Sam to.”
Long awkward silence. Tut. Tuuut.
“Hello?”
Big fat silence. Tuuut. Tuuut.
“Okay. Hindi kita marinig. Either sira yung phone ko o yung sa iyo. Tawag ka na lang uli.” Tapos biglang nawala ang tawag.
Wow. Sino kaya yun? Anyways, habang binabasa ko ang mga messages na hindi ko nabasa at naipon sa inbox ko, naalala ko ang deadline na kailangan kong tapusin ngayong araw na ito. Ayaw ko namang maging pabigat kay Bosing lalo na’t siniswelduhan niya ako ng malaki at bago pa lang ako sa kompanya nila. Sinabi niya na “Sam, magpahinga ka na. Wala ka na ngang sex life eh. Kailan ka pa ba tigang?”
“Nang nagsimula akong pumasok kompanya mo.” Mukhang nasaktan siya. Hello, kinuwestiyon niya ang personal kong buhay. Buti na lang boss ko siya. “Huwag kang mag-alala sir. May kamay naman ako eh.”
I patted him on his shoulder as he shrugs away my hand back to it’s righful place, “Thanks for reminding.”
“Gusto mo nang dougnut sir?” Habang inabot ko sa kanya ang natira Krispy Kreme Salted Caramel.
Kung alam niya lang kung gaano ako ka-bored ngayon, sigurado maaawa siya sa akin. Tapos ko na halos lahat ng report na pinapagawa niya. Maging ang mga 3D models ng planta na pupuntahan niya sa Cebu, natapos ko na rin gawin in one day. Iba pala talaga kapag nagtratrabaho ka sa bahay, mabilis matapos ang gawain. Magpahinga kaya muna ako. Kaso, boring pa rin. Natapos ko nang panoorin lahat ng reruns ng Game of Thrones at American Horror Story last week. Ilang beses ko ring pinanood si Elsa, Anna at Kristoff last day. Pati Milo at Bear Brand na powder, tinira ko na dahil wala akong magawa kahapon. Aaminin ko, natukso akong tikman ang Knorr Cubes na Pork kanina. Konting panahon na lang, mababaliw na ako sa katahimikan. Halos isang linggo na si Mamang at Papang doon Baguio. Walang maingay sa bahay. Walang nagpapatugtog ng oldies sa radyo. At walang pusa na kasabay mo sa C.R kapag tinatawag ka ng kalikasan. Sobrang nakakabato ang katahimikan. Ito yung boredome na kumakain ng inspirasyon at creativity. Lesson learned: Samahan ng curiosity ang boredom.
Yes.
Kailangan kong lumabas ng bahay. Mag ja-jogging ako. Tapos, mamimili ng grocery. Next, mamimirata ako ng DVD para sa tatlong araw na supply. Pagdating ng Thursday, pupunta na ako ng Baguio.
Nagbihis ako ng komportableng t-shirt at binendahan muna ang tuhod. Habang nakaboxer lang, napatingin ako sa salamin. Anong nangyari sa iyo Sam? Mag-ahit ka nga. Hindi ka na pogi. Tignan mo yung eyebags mo, nagiging droopy na.
Sinubukang kong banatin ang dulo ng mata ko hanggang sa magmukha akong hilaw na Koreano. Tumitig naman ang lalaking may balbas. Hindi naman ako gaano kaputi pero hindi naman ako masyadong kayumanggi. Naging malamlam na ang balat ko pagkatapos kong ma-confine.
Kitams. O eto pa, tumataba ka na. Anim na buwan lang pagkatapos ng graduation mo mukha ka nang tatay.
Anong gagawin ko?
Malay ko. Repleksyon mo lang ako.
Korek. Walang magagawa kung tititig lang ako sa salamin. Kailangan kong kumilos at baguhin ang sarili ko. Idadagdag ko rin sa listahan ng gagawin ko ngayon ang pagbisita sa barbero. Nagsuot ako ng sweatpants at rubber shoes saka umalis. Unang stop, jogging papuntang supermarket. Second stop, grocery. Third, barbero. “Anong gupit sir?” “Yung uso po sir.” Fourth. Wait, ano uli ang gagawin ko? Basta, umuwi ka na lang. Parang uulan na.
BINABASA MO ANG
Her 30 Episodes Before
Dla nastolatkówHer days are going shorter, sabi ng lahat sa kalagayan ni Tracey. Every hour is getting longer, ang sabi ni Sam sa sarili. She wants to be free. And he wants to break free. Halos isang taon nang ginagamit ng therapist ni Sam ang pangalan niya sa isa...