KABANATA 3

28 3 0
                                    






Mga bandang alas nuebe na nang gabi di parin makatulog si Alle
nasa loob na sya nang kanyang kwarto at di nya na tinawag ang kanyang ina para kumain.

kakain nalang ito kapag nakaramdam nalang ito ng gutom







psssttt.






Pssssst




Biglang bumilis ang tibok ng puso nya. nasa kama sya at nag mumuni muni ng marinig nya iyon.

Alam nyang sa paligid nya na may nag mamasid sakanya.
ramdam nya ang presensya nang isang ligaw na kaluluwa







"kung sino ka man. mag pakilala ka"
sambit ni alle

tumayo sya at may sampung talampakan mula sa pintuan ng cabinet nya hanggang sa kinatatayuan nya.




nanlalamig na ang mga kamay ni alle sa Mga oras na iyon pero di nya parin ininda ito. nanatili parin sya sa pwesto nyang iyon

at dahan-dahan na ngang bumukas ang pintuan ng cabinet nya na ang karamihan ay damit ang naka lagay .

mula sa malayo ay pansin nya ang pag Kahulog nang mga nakasampay na damit rito. pati mga uniporme nya at pangloob

"arrraaayyyy"
bigla nalang sumakit ang ulo ni alle at napa sandal sya sa pader .

hawak hawak nya nang kanyang ulo ,at pilit na hinihilot ito baka sakali mawala ang sakit nito.

at tuluyan na nga
syang napahiga sa sahig at namimilipit sa sakit.

"aaarrraaay"
sambit ulit ni alle
at kasabay nito ang pagtirik nang kanyang mga mata at pag pangingitim ng kanyang mukha .










"Ma inaantok nako"







sige anak matulog kana mahaba pa ang byahe natin.










Beeeeepppppppp.

blaaagggg
...

..
..

.
.

beeeeppppp.







"Nay huhuhuhu"

anak kapit ka sakin
sambit nito habang ginagapang ang Pintuan ng bus kahit na may kalayuan ito.

madaming Patay
madaming duguan








at ng bigla nang sumabog ang bus. sumiklab ang nag lalagablab na apoy at tila wala nang pag asa para makawala pa.












napaigtad nalang si alle. at sabay hawak sa kanyang dibdib at nag hahabol ng hininga

pinakita nito ang tunay na nangyari kina Sonya at Olivia
may halong takot at kaba ang nadarama nito ngunit ininda nalang ito ni alle pero gusto nya parin malaman kung ano ang
sadya ng pangitain nya na yon.
at kung ano ba ang gusto nitong ipahiwatig sakanya








kahit ni minsan ay namimiss padin ni alle ang ama nito kung hindi nga lang sana into namatay kasakasama nya sana ito sa lahat ng kalokohan nya.
pero wala narin say magagawa para makasama pa ulit ito.









pansin ni alle ang hindi na pag labas labas ng kwarto nang kanyang ina.kapag tinatawag nya iyon ay nag sasabing
"ok lang ako anak"

kahit sa pag pasok sa eskwela ay lumulutang parin ang isip ni alle Grade 9,na sya pero mukhang matanda na sya kung umasta

pati ba naman sa cafeteria ng school nila naiimagine nya dugo ang kape dito at mga sariwang lamang loob ng tao ang kanyang nakikita dito kahit hindi naman.

Alam nyang imahinasyon lang iyon pero nandidiri rin sya Pero sya lang ang nakakaalam.

SUMPA NG KADILIMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon