Chapter 1

753 46 29
  • Dedicated kay to all pretty and handsome readers
                                    

Chapter 1 (WHR) -DENISE-

"Ganyan ka na ba kadimonyo Denise? Sa ugali mong yan, tiyak na kamumuhian ka ng lahat!"

Nagsimula ng uminit ang mga dugong pumapaikot sa loob ng katawan ko dahil sa mga sinabi niya. Bigla na lang ako nakaramdam ng excitement at naka imagine ng mga scenes na paulit-ulit nagpe-play sa isipan ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang siya---patuloy lang sa pagputak. Hindi ko nga alam kung kailan siya matatapos eh pero dahil maganda ako, binigyan ko siya ng time para laitin ako kahit na alam niyang wala akong pake-elam sa mga katangahang sinasambit niya.

Napatingin na lang ako sa mesa kung saan nakalagay ang mga in-order kong pagkain. Ewan ko ba pero parang may isang bagay na nag udyok sa akin na mapatingin sa pwestong iyon.

At doon na nag simulang mag play ang mga kaganapan.....

Kinuha ko ang juice na nakalagay sa ibabaw ng mesa at ibinuhos sa mukha ni Keisha. Napatigil siya sa pagputak dahil sa nangyari. Halos lumuwa ang mga mata niya. Hindi niya ata in-expect ang paraan ng pagbigay ko sa kanya ng juice.?

Tanggapin mo yan Keisha! Kasing tamis ng juice na yan ang kalandiang tinataglay mo!

Tumingin siya sa'kin ng super sama. Yung tipong sa isip niya, pinapatay niya ko? Napatingala ako saglit at tumingin sa kanya ng nakakaloko. Sa ganitong paraan, mas lalo siyang maaasar.

"Hahaha. napipikon ka na? Matamis na yang mukha mo, kaya ilang sandali na lang lalanggamin ka na sa kalandian!" Taas kilay na sabi ko.

Bahagya namang natawa ang mga taong nakapaligid sa'min. Marami ng nagkukumpulan kaya naman mas lalong gumaan ang pakiramdam ko. Nakakapanglambot ng puso!

"Napakasama mo talaga!" Nanggagalaiting sigaw niya habang hinihilamos ang basang mukha.

"No i'm not! Maldita lang talaga ko na napagkakamalang masama! Magka-iba ang Maldita at ang masama. Bukod sa spelling ng word, iba rin ang terms nito." Paliwanag ko. Hinaluan ko ng nakaka-asar na tono ang sinabi ko sa kanya.

Wala siyang pinagkaiba sa mga batang nakikipag-away. Tanga na tatanga tanga pa! Hayss! She just wasting my precious time! Akala ko macha-challenge ako sa kanya, hindi pala.

"Hindi mo parin ba matanggap na kaya kayong ipagpalit ng daddy mo mula sa akin? Mahal niya ko at magpapakasal kami sa ayaw at sa gusto mo! Kahit ano'ng paninira pa ang gawin mo, sisiguraduhin kong sa huli... sa akin parin ang bagsak niya" Mayabang niyang pagpapahayag pero sa likod ng kanyang mga sinaad, KABA parin ang nangingibabaw.

Mag expect ka lang Keisha, dahil baka sa susunod na kilos ko... baka ikamatay mo na! ;)

Basa na ang palad niya dahil sa paghilamos sa madumi niyang mukha. Inilapag ko sandali ang baso sa mesa.

"Talaga? Nakakahanga ka naman. Ngayon pa nga lang, wala na yung tiwala niya sa'yo kaya huwag ka ng mag assume na maibabalik mo pa 'yon. Kasi kapag ako ang gumawa... siguradong Perfect ang lahat" Nakangiti kong sinabi.

Napa-cross arms ako at pinag masdan mabuti ang itsura niya kahit na masakit siya sa mata.

"Sa simula't sa una pa lang, alam kong may binabalak ka ng masama! Ano bang problema mo sa'kin Denise?!" Sigaw niya with matching piyok pa.

"Problema ko sa'yo? Gusto mong malaman?" Tumayo ako ng tuwid at hinawi ang bangs na sadyang humaharang sa kaliwang mata ko. Tiningnan ko siya ng seryoso bago isaad ang nilalaman ng bunganga ko.

"Bukod sa mukha mo, yang kalandian mo! Noong una pa lang, nakitaan na agad kita ng kakatihan! Buntot ka ng buntot kay dad tas minsan pa nga, nakikita kitang minamasahe siya! At noong unang masilayan ko ang pagmumukha mo, nakaramdam agad ako ng suklam! Naiinis ako sa mukha mo! Naiinis din ako sa katauhan mo! Hinayaan lang kitang lumandi ng lumandi hangga't hindi ka pa nakukuntento sa pagpapakita ng cleavage mo! Sa kabutihang palad para sa'yo, nagbunga ang inaasam mo. Because of you'r flirtiness, nasira ang pamilya ko. Grabe! Napaka landi mong hinayupak ka! Idinikit mo na't lahat-lahat, nakuha mo pang mag maka-awa kay dad na pakasalan ka? Haha! Keep up the good work keisha"

When heart revenge( Volume 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon