Chapter 3

295 41 6
  • Dedicated kay lolo
                                    

Chapter 3 (WHR) 

After ng first day of school, narealize ko na padami na pala ng padami ang mga retard students na nagbabalak sirain ang maganda kong buhay. May mga tsismis na kumakalat about sa pang-aagaw ko sa mga Boyfriends nila. Meron pa ngang isyu na nagkagusto daw ako sa WAITER. Amazing. Really Amazing! Gusto ko silang parangalan dahil sa galing nilang manira. Mataas ang standard ko sa mga lalake para pumatol sa isang waiter. Nakaka-awa sila, yung mga destroyers ko, yung mga secret enemies ko, and yung mga nai-insecure sa ganda ko, Pathetic them. Hindi nabiyayaan ng kagandahan kaya wala na lang ma trip-an sa buhay. Masakit sa panga ang mga balita-balitang wala naman katotohanan.

Hay na ko! Ang hirap talagang maging maganda, dahil sa gandang ito, naganganib ang buhay ko!  

Pero simula ng pumasok ako sa 'Wild Cats Academy, Nauso na ang salitang MAGANDA. Tanging sa akin lamang made-describe and word na 'yon.

Hindi ko rin siyempre makakalimutan ang stranger stalker na buntot ng buntot sa akin. Masyado siyang wala sa sarili. Hindi ko alam kung kalalabas niya lang ba sa mental o dapat na siyang ipadala sa mental dahil nabaliw na siya nung nasilayan ang kagandahan ko kaya gumawa siya ng paraan upang makalapit sa'kin?  

Nakakainis! Ba't ba hindi ko maalala ang lahat ng nakaraan? Mukha naman siyang tao kaya mukhang kapani-paniwala ang lalaking 'to.

Alam niya ang complete name ko. Pero naguguluhan ako, Paano siya napadpad dito kung kababata ko siya? Hinanap niya ba ko o Tadhana na ang tawag dito?

Pasakay na sana kami sa kotse ng biglang may tumawag sa pangalan ni kuya Jiro...

Paglingon ko, Si Zach na naman.

Napatitig si kuya kay Zach na mukhang nagta-taka't kini-kilala kung sino'ng nilalang ang tumawag sa pangalan niya.

"Z-zach, ikaw ba yan?"

Tumango si Zach at ngumiti.

"Oo Kuya Jiro, Ako nga 'to. Buti naman naalala mo ko!" Lumapit si kuya kay Zach at nakipag 'yakap braso-han. Hindi ko ma-explain

"Paano ko makakalimutan ang taong nagligtas sa kapatid ko noong nasa kapahamakan siya?" Napakunot ang noo ko.

Ano? Niligtas ako ni Zach?

"Denise, Come here. He's you childish boyfriend, your savior and your cute protector" Sabi ni kuya at sabay pa silang tumawa.

Hindi ako umimik. Totoo pala ang sinasabi niya. Na siya ang kababata ko.

"Bagay na bagay talaga kayong dalawa!" Sabi pa ni kuya.

"Your joke was not funny anymore!" Inirapan ko silang dalawa pero sa loob ng isipan ko, punong-puno ng mga katanungang gusto kong ilahad sa kanila. Sobrang curious ako about kay Zach Gonzales.

"Hahaha! Kuya jiro talaga, hindi ka na nagbago. Joker ka parin!" Hindi lang joker, Jerk pa! Siguro kapag nalaman mo kung ilang babae na ang naloko niya, Sigurado akong hahanga ka.

"Haha. Ikaw din. Wala ka paring pinag bago! Hambog ka parin" Sagot ni kuya. Agree naman ako sa kanya.

"So, Hindi pa ba tayo uuwi kuya?" Taas kilay na tanong ko.

"Ano ka ba Denise! Heto na siya oh, yung kababata mong ikinukwento namin sa'yo ni dad. Kaharap mo na siya, hindi mo pa ba siya iki-kiss o yayakapin man lang?" Tanong ni kuya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When heart revenge( Volume 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon