Chapter 2

313 39 8
                                    

Chaper 2 (WHR) -Denise-

Heto na naman sila. Kagigising ko pa lang ng makita ko na silang nagtatalo. Palagi na lang bang ganito? Tuwing umaga? Tanghale? Magdamag at maghapon? Pwes, kung ganito lang naman ang patutunguhan ng relasyon nila- eh di maghiwalay na! Masyado na silang masakit sa mata't sa tenga!

"Ano pa bang pinuputok ng butsi mo at nagawa mo pa kong ipagpalit sa mas bata sa'kin? Wala na si Keisha.. Tinanggal ko na siya sa kumpanya kaya pwede ba huwag ka ng magalit. Huwag ka ng gumanti!"

Narinig kong sigaw ni dad kay mommy. Nakasilip lang ako sa butas mula sa dining area at nandoon sila sa kusina---katulad ng kinagawian nag aaway na naman sila.

"Alam mo ikaw ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na kaibigan ko 'yon!" Depensa ni mommy.

"Kaibigan? Palagi na lang kaibigan!" Galit na sabi ni dad. Napasuntok siya sa mesang katabi niya.

"Eh kung ayaw mong maniwala eh di huwag! Alam ko namang wala kang tiwala sa'kin eh! Ikaw nga tong nagpapalandi kung kani-kanino!" Mariin na sagot ni mommy rito. Napairap siya.

"Wala na nga siya... tinanggal ko na siya sa kumpanya"

So, eh di inamin niya ring nagpapalandi siya! Mali ang sinagot mo dad kaya naman huling huli ka na...

"Tsaka mo lang naman siya tinanggal dahil----"

"Pwede ba, matagal ko ng pinlano na tanggalin siya kaso magaling siya at siya ang nagpapalago ng proyekto ng kumpanya natin"

Tumango lang si Mommy at siguro eto na ang ending ng sagutan nila ngayong araw. May scene 2 pa ata, siguro sa dining area naman o kaya sa garden. Wala silang pinipiling lugar kaya I can say that I'm proud to be their daughter!

Tuluyan na kong nagpakita sa kanila para ipabatid na unang araw ng pasukan ko ngayon. Nagsmile lang ako ng makita nila kong dalawa at kita ko rin ang ka-sweetan na pinapakita nilang dalawa ng makita nila ko. Hinawakan ni dad si mom sa bewang samantala, hinawakan namam ni mom si dad sa pisngi. Nakakatawa. Gusto kong humagalpak ng tawa dahil sa ka-plastikan nilang dalawa!

"Hmmm. daddy! Ano ba....! May kiliti ako diyannnn..! hihi" Talanding pinapahayag ni mommy habang hinihimas niya ang pisngi ni dad. Hayss! Hindi umimik si dad ngunit nakangiti parin siya ng 'Ngiting tagumpay.

"Hi GoodMorning!" Masiglang bati ko sa kanila na ikinagulantang naman nila. Akala nila hindi ko sila nakita na nakita nila ako. Nagkunwari pa silang nagulat ng makita ako.

"Oh, gising ka na pala!" Saad ni mommy tsaka bitawan si dad.

"Kanina pa.. Kanina ko pa nga kayo pinapanood eh!" Pahayag ko.

"Huh? Ah eh.. Anak! Nagbibiruan lang kami ng mom mo! Bati na kaya kami diba Jen?" Tumingin pa si dad na pawang sinesenyasan si mom na umoo.

Bago pa makasagot si mom, "Ayan ba ang tinuturo niyo sa mga anak niyo? Ang magsinungaling? Huwag na kayong magkunwareng ka'yo pa dahil alam ko na hanggang ngayon nagtatalo parin kayo because of that whore bitchy girl at papunta na kayo sa devortion. And dad, mom was right. Kaibigan niya 'yon! And obviously, hinding hindi papatol si mom sa mas bata sa kanya. Kaya ikaw dad kung ayaw mong lumandi si mom, huwag kang magpapalandi!" Pahayag ko.

Actually, pinagtanggol ko lang si mom. Ok. Mom was flirting that guy! Inakala ni mom na iiwan siya ni dad kaya nung una pa lang, gumawa na siya ng butas para patunayang hindi siya masasaktan sa maaaring mangyari sa kanila dahil mayroon na rin siyang kasintahan. "Oh? Natahimik ata ka'yo... Ok. Ako na tong magmamaka-awa... Please.. Back to normal! Ayoko ng nagkakailanganan, ayoko ng nagtatalo ka'yo dahil ikasisira ng ganda ko kung mapupunta ka'yo sa hiwalayan.. Ayokong sabihin ng mga classmate ko na ulila ako.

When heart revenge( Volume 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon