Ace's POV
Hi..I'm Ace Joseph Perez...18 years of existence hehehe at andito ako ngayon sa harap ng bahay ng aking mahal...si Francine...sayang lang talaga at hindi niya na ako maalala..pero ako ang magpapaalala sa kanya ng pinagsamahan naming dalawa...kaso pano?
Nakikita ko siyang nagsusuklay sa nakaawang na bintana habang lantang lanta ang mukha..sabagay sino ba naman ang nagsusuklay na tumatawa--? Haysss basta iba.. feeling ko talaga kasalanan ko toh eh..Aishhh!!!..Sorry franz..sorry
Hayss..
Dennis calling..
"Hello pre"
"Oh pre?"
"alam mo na ba ang balita?" saad niya
"Ano?!!"
"Chill lang pre..tungkol toh kay Alex" patungkol niya kay Alexa Zephron..isa sa nagkakagusto sa akin..Oo madami sila hehe
"Ano nga yun?"
"Dinala daw sa hospital kanina..bumibili kasi ng regalo sayo..Ayun tuloy nahulog sa escalator na sinasakyan haha ang lampa kasi haha Amp!!"
"Tsh..saang hospital ba yan? Ang lampa talaga ng babaeng iyun!!" naiinis na sabi ko
"Wow!!!nagkapakielam ka na sa kanya ha..sasabihin ko nga magpahospital ulit siya--hehe"
"tss..syempre may pakielam ako dun! Ang parents niya ay kabusiness partner nila daddy.."
"hehe wag naman galit...dun yun sa St.Margarette Hospital..malapit diyan kina Franz..alam ko namang naandyan ka eh..pumunta ka na agad at sayang ang bayad--"
"Okay...thanks sa info" sabi ko. Diko na inintindi yung huling sinabi niya.. Pero ang weird parang may iba
"Your welcome pre..bye na"
"Geh.." saad ko saka binaba ang linya
Pagkatapos ng aming usapan ay umalis na rin ako..sinulyapan ko muna saglit si Franz saka ako pumasok sa sasakyan.. Hayss sorry talaga babe..Sorry
Franz's POV
Habang nagsusuklay ako sa kwarto ay may nakita akong isang Ford na sasakyan... umalis na rin ito agad..mga 10 minutes lang ito sa tapat ng bahay namin.
Sino kaya iyon? Kakilala kaya siya ni Mommy?Dahil sabado na rin ngayon, walang teacher ang pupunta sa bahay ngayon kaya wala akong ginawa sa bahay kundi magbasa...bawal kasi ang gadgets sakin dahil baka daw lalong lumala ang sakit ko kung makikipagcommunicate at makikipaginteract pa ako sa iba
Saka wala naman akong friends kaya di ko rin magagamit...Sino naman tong nasa labas? Ang ganda ko naman talaga oh di na nga ko lumalabas pero may suitor paren? Hahahaha pero baka kapitbahay lang namin yun..malay ko ba introvert nga diba?
Wala talaga akong maalala..pagkagising na pagkasing ko si kuya,parents ko at ang isang pamilyar na lalaki lang ang naalala ko nun...Weird
☜Flashback☞
Wala akong makita...lahat kulay itim marahil ay dahil ito sa nakapikit kong mata...pagkamulat ko ay nakita ko ang pamilyar na lalaki sa harap ko..Hindi ko masyadong maaninag ang lalaki pero alam kong siya ito...
"A-Ac----"
Umalis na ang lalaki ng hindi ako napapansin..
"mommy? Daddy? Kuya Cis? " pagtatanong ko
"Francine anak"
"Francine.."
"Franz" sabay sabay nilang saad
Nasan ako? Bat puro white? Deads na kaya ako? Pero bat may doctor? May doctor ba sa heaven?
At don ko namalayang nasa hospital pala ako..
Sandamakmak na apparatus ang nakakabit sa akin..ano bang nangyari ha?
Noong hahawakan na dapat ako ni kuya ay kusang tinangal ng katawan ko ang mga apparatus..
Naramdaman ko rin ang pagkahilo ng aking ulo at panginginig ng aking katawan..
Bigla ko na lamang binato ang mga bagay na makikita ko sa hindi malamang dahilan at bigla akong nawalan ng malay..
☜End of flashback☞Sino ba yung lalaking yun? Bat ang laki ng epekto niya sa akin.. Parang may past kami...
Pagkababa ko sa bahay ay dumiretso ako sa kusina..siguro tulog na naman si Manang Cheesy...oo Cheesy ang pangalan niya..
Nakita ko na nakadikit sa refrigerator ang isang sticky note saka dahil may common sense ako..binasa ko yun
Dear Francine,
Umalis ako ngayon sa house para sa businesstrip namin sa Tagaytay..2-3 days siguro yun so si manang Cheesy nalang muna ang magbabantay sayo pero wala siya bukas dahil dayoff niya..
Madaming stock na foods diyan .. magbasa ka na lang diyan ng geographic books.. At please..WAG NA WAG KANG LALABAS!!!
From mommy.
Tsk.para namang lalabas ako noh?
Ilang taon na niyang sinasabi yan alangan namang ngayon pa ko di sumunod..Haysss
Binuksan ko na ang ref at kumuha ng isang gatas sa bote at saka cereals..
Ganito nalang ba ang magiging takbo ng buhay ko? Malamang hindi dahil baka napagod na kakatakbo ito at baka maglakad naman sabagay..Hayss sana lang dumating ang panahon na magkakaroon ako ng kaibigan na tutulong sakin...
Buong maghapon na naman akong nagbasa ng books.. pati history na nga ng pagkabuhay ni Manang Cheesy alam ko na rin eh..
Pagkababa ko sa sala ay ala sais na ng hapon.. Tapos kumain lang ako and then nagbed rituals then tulog na naman...
Ganyan ang buhay ng isang Francine Buenaventura.
Vote please..
Fb: Jamilah Dilag Layesa
Insta: Jdl.lys
Twitter: @LayesaJamilah
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Allergic Sa Lalaki
Teen FictionMaraming tao ang may allergy sa maraming bagay..pero kakaiba si Francine dahil hindi sa bagay at pagkain sya allergic kundi sa mga lalaki!!!! hindi niya alam na nagkakagusto sa kanya si Ace na nagpanggap bilang isang babae... Tunay bang allergic si...