"Hahaha!! Ikaw? Wag ako couz haha"
"h-haha"
"Joke lang yun diba?" tanong ko
"Malamang hahahah"
"Your reaction was priceless!" dagdag pa niya sabay tawa ng napakalakas. Tsk
"Tsee!" sabi ko saka ko nilatag ang carpet
Naupo na ako at umupo naman siya
" Bakit mo nga pala alam yun Couz?" pagtatanong ko
"A-ahh kasi ako yung nagsulat nun dati kasi may crush kang lalaki noon"
"Ahhh" yan nalang nasabi ko
Sabi na nga ba Couz ko talaga ito eh. Francine totoo nga kasing cousin mo yan si Grace! Wag ka nang magduda.
Kumain na kami at maya maya umalis na rin siya sinabi pa nga niyang.
"Couz. Bye na ha! Tulog ng naaga at wag lalabas. Madaming loko sa labas baka kung anong mangyari sayo ha. Baka bumalik na lang din ako diyan ha. Bye Couz" sabi niya saka bumeso pa sa pisngi ako pero yung beso niya parang laplap na eh! As in! Pero baka akala ko lang hahaha
Hinugasan ko na ang mga pinagkainan namin bago pa siya makaalis kaya may katulong akong maglinis.
Pagkaalis niya ay back to alone na naman ang peg ko. Sabi nga ni Couz ay matulog na ako so ginawa ko nga. Natulog na nga ako.
°•°•°•°•°•°
Nagising ako nang maaga. As in maaga dahil narinig kong bumukas ang gate sobrang lakas pa naman ng tunog ng yon at natanaw kong pumasok si Manang Cheesy kaya napahiga na uli ako sa kama. Pero hindi na ako makatulog. Kasi naaalala ko yung pagpunta rito ni Grace. Ang saya palang may kasama sa bahay. Oo kasama ko si Manang Cheesy rito pero iba yung feeling noong ang kasama ko ay si Grace. Mas masaya kasing kabonding ko siya. Ewan. Ang saya lang hehe.
Tinignan ko ng waltz clock na nakalagay sa dingding at 2:19 am palang.
O diba maaga pa? Di na ako makatulog huhu. Bababa na sana ako ng may marinig na kaluskos. Hindi ko alam kung saan iyin galing pero napahiga uli ako. Nagtakip ako ng kumot pero sumilip pa rin ako. At nakita ko si Manang Cheesy na pumasok.
Hayyy si Manang lang pala eh. Akala ko naman kung sinong magnanakaw na eh.
Tatayo na sana ako ng marinig ko siyang magsalita na nakapag patindig ng balahibo ko"Sorry Francine. Kapos na talaga ako sa pera eh. Kaya kailangan kong magnakaw sa inyo" aniya saka binuksan ang dala niyang napaka-laking bag. Pinasok niya lahat ng mamahaling gamit na makita niya. Buti na lang pala wala kaming gadgets kundi maraming natangay it-- wait! Tinatangay na ni Manang etong mga gamit namin! What will i do?!
Dala ng takot ay nagtalukbong pa rin ako. Pero nakasilip pa rin. Hindi naman niya napansin ang medyo paggalaw ko dahil aligaga siya sa pagtangay ng mga gamit namin.
I trust you manang pero bakit ganito ang ginagawa mo? You're betraying us!
Tapos na siyang kunin ang mga gamit ko. Karamihan sa mga tinangay niya ay alahas na di ko na ginagamit.
Manang pwede mo namang hingiin iyan sa akin eh. Handa naman akong ibigay iyan tutal di ko na iyan ginagamit pero bakit gumagawa ka ng mali?
Ganiyan ba kayo kasakim sa pera? Na kahit mali ay ginagawa ninyo para kumita? Na kahit taong malapit sa iyo tatraydorin niyo para magnakaw ng pera? Money makes a person became a sinner.
Umalis na si Manang at ako naman dito? Eto umiiyak dahil wala akong nagawa! Nakakainis kasi eh! Ang sakit palang traydurin nang isang taong napalapit sa iyo.
Naiwan naman akong tulala dito at siyempre nakatulog na.
Pagkagising ko ay pagang paga ang mga mata ko. Hanggang ngayon ay ang sakit. Sumilip muna ako sa labas para makita kung asan si Manang. Mukhang umalis na siya ah. Nakuha na ba niya lahat? You're very lucky manang not because you stole our money and jewelries but because you hurt the Unica ija of the Buenaventura family.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Allergic Sa Lalaki
Teen FictionMaraming tao ang may allergy sa maraming bagay..pero kakaiba si Francine dahil hindi sa bagay at pagkain sya allergic kundi sa mga lalaki!!!! hindi niya alam na nagkakagusto sa kanya si Ace na nagpanggap bilang isang babae... Tunay bang allergic si...