D' TOUR
"La, how do I look?" Normal na niya iyong tinatanong tuwing araw ng Sabado at Linggo. Kapag sasapit ang weekends ganoon na lamang niya nais na magmukhang maganda dahil makikita na naman niya ang long-time crush niyang si Franco. Dahil sa wala naman itong masyadong ginagawa sa bahay ng mga ganoong araw ay naisipan na lang niya mag-part-time job para naman ay dagdag baon ito, although hindi naman na niya kinakailangan dahil sapat naman ang kinikita ng pamilya nila sa mga lupain na pagmamay-ari nila.
Tinignan siya ng lola niya at sumilay ang ngiti sa labi nito. "Apo, kahit ano pa ang suotin mo maganda ka pa rin."
Simpleng navy blue blouse at jeans ang suot niya na tinernohan ng white shoes. Nais man niya magsuot ng mga dress ay hindi niya magawa dahil hindi naman iyon ang angkop sa working place ng part-time job niya.
"La, binibiro mo naman ako." Simpleng sagot niya.
Bahagyang natawa ang lola niya sa sinabi niya. "Apo, totoo naman ang sinasabi ng lola mo dahil napakasuwerte namin at nagkaroon kami ng napakagandang apo. Sigurado ako kung nabubuhay lamang ang magulang mo, ay matutuwa sila sa'yo dahil lumaki kang mabait, magalang, matalino at napakagandang bata." May bahid ng kalungkutan sa boses ng kaniyang lolo na kakapasok lang sa bahay nila habang bitbit niti ang isang diyaryo.
"Apo, eto baon mo para may pamasahe ka papunta ng trabaho mo." Pagbabaling ng lola niya sa kaniya at iniabot itong 200php.
"La, sa inyo na po 'yan. Mas kailangan niyo 'yan ni lolo. Kapag pumapasok na lang ako sa school niyo ako bigyan ng baon. May pera pa naman ako." Pagbabalik niya sa pera na iniabot ng lola niya.
"Lo, la, aalis na po muna ako. Baka malate pa ako." Pagpapaalam niya at hinalikan sa mukha ang lolo at lola niya.
"Apo, mag-iingat ka." Saad ng dalawang matanda sa kaniya na ngayo'y magkaakbay na.
Kinawayan niya iyon at lumabas na ng bahay nila.
Nagsimula na siyang maglakad tungo sa sakayan ng tricycle para pumunta sa pinapasukan nitong La Viranda Cafe and Pastry Shop na pagmamay-ari ng crush niyang si Franco.
Bata pa lamang sila ay may crush na ito sa binata. Hindi niya lubos akalain na tatagal iyon ng halos sampung taon. Pagkakatanda niya ay ten years old siya noong nagkaroon siya ng crush at ngayon ay twenty years old na ito. Wala itong pinagsasabihang iba na may gusto siya roon maliban sa mga kaibigan niya. Wala ring maniniwala sa kaniya na twenty years old na ito dahil sa kinulang na siya sa height na 4'11, at payat at baby face pa ito. Malimit na napagkakamalan siyang 16 years o kaya minsan ay 14 years old. Laking tuwa na lamang niya kapag napagkakamalan siyang 18 years old.
Hindi niya aakalain na ang batch nila ay aabutan ng K-to-12 system kaya ganoon na lang ang panghihinayang niya dahil pagraduate na siguro ito ng kolehiyo at marahil ay nakakatulong na siya sa gastusin nila sa bahay.
"Aeril!" Sigaw ng isang baritong lalaki mula sa kaniyang likuran. Napalingon siya rito at nakasakay ito sa kaniyang sasakyan. "Sakay ka na. Papunta rin ako doon." Saad ni Franco sa kaniya.
"Oh, hi!" Simpleng saad niya. "Sakay na." Pag-aalok ni Franco sa kaniya. "Okay." Simpleng sagot niya.
Binuksan na niya ang passenger seat sa tabi ng driver's seat. "So, how was your weekdays?" Franco asked pagkasakay niya. "Not so great, ang daming kailangang gawin. Ikaw ba, kamusta? Hindi kita nakita sa campus last week?" Pagtatanong ni Aeril sa kaniya.
"Yeah, naging busy. Si coach ang hilig magpapractice and naghahabol din ako sa mga lessons."
Almost 15 minute ride passed with a grin on her face. They are talking about random and school stuff.
YOU ARE READING
D' Tour
FantasiThree people with the same career path but with different lives are bound to intersect in one destination. If a crisis arises, would they choose to find another route to find another ending of their story? A novel by Maria Rizza Mae Peru