TOUR II

125 38 0
                                    

D' TOUR

"Hey, may kakilala ka bang grim reaper na pinadala din sa lupa?" He asked his nameless fellow grim reaper. He was now few blocks away from the person he was after at, kasalukuyan silang nakatayo sa isang poste at nagmamatiyag sa bahay.

When the grim reaper didn't answer him, "kinakausap kita!" Inis niyang saad at napansin niyang nakatingin ito sa isang magnobyo na naglalakad sa kalye at magkahawak-kamay. The guy whispered something to the woman that made her giggle.

"Gusto ko maging tao, gusto ko ma-experience ang magmahal at mahalin." Pabulong na saad ng kasama niya but enough for him to hear it.

He sighed upon hearing that. "Hindi kaya masaya magmahal dahil kapag namatay ka na, wala na." May bahid ng sarkatisko sa boses niya.

Lumapit ito sa kaniya at hinawakan sa balikat. "Ganiyan ba epekto sayo ng pagiging grim reaper? Marami ka pang hindi alam."

"Tanggalin mo nga 'yang kamay mo!"

Without uttering anything, tinanggal na nito ang pagkakahawak sa kaniyang balikat.

Makalipas ang ilang oras ngunit wala pa rin silang napansin na lumabas mula sa bahay o kahit kakaibang nagaganap dito.

"Ano na ang plano mo ngayon?"

Halos naibuga nito ang iniinom na softdrinks dahil sa pagkagulat. "Ano ba! Bakit ba nanggulat ka? Magsabi ka naman kung andiyan ka." Pinunasan nito ang bibig.

"Hindi ko alam, baka may kakilala ka na puwede matirhan ko pansamantala? Hindi naman puwede buong magdamag ako dito tumambay."

Hinawakan ng kausap nito ang baba at hinamas-himas iyon. "Oo, may grim reaper din na nasa lupa ngayon. Kausapin ko siya."



Labing-limang minuto na ang lumipas mula ng tumunog ang alarm clock niya at hanggang ngayon ay nakahiga pa rin ito sa kaniyang kuwarto.

"Apo." Katok ng lola niya sa pintuan. "Apo, gising ka na ba? Baka malate ka." Katok ulit ng lola niya.

"Gising na po ako." Sagot nito at nagtago sa ilalim ng unan.

Anong gagawin ko? Paano ko siya haharapin? Teka, hindi naman niya alam na may gusto ako sa kaniya diba? Humindi naman ako kagabi diba?

Paulit-ulit na naglalaro sa kaniyang utak.

Umupo ito sa kama niya at nagsalita.

"Kung hindi ako papasok ngayon, iisipin niyang iniiwasan ko siya. Tama! Tama! Dapat pumasok ako ngayon."

Nakarinig muli siya ng katok sa kaniyang pintuan. "Apo, hindi ka ba papasok ngayon?"

"Papasok po, la. Babangon na po." Mabilis niyang niligpit ang pinagtulugan at lumabas para mag-almusal, pagkatapos ay nagmadali na itong maligo at magbihis.

Naisipan na lamang niya magsuot ng simpleng bestida na tinernohan ng flat shoes.

"La, aalis na po ako." Paalam niya.

"Sige apo, mag-iingat ka." Magiliw na saad ng lola niya na kasalukuyang gumagawa ng kakanin.

Nagmadali ito sa paglalakad dahil sa takot na baka maabutan pa siya ni Franco. Laking pasalamat niya ng makasakay siya agad ng tricycle ng hindi nakita si Franco dahil hindi niya alam kung paano ito pakikitunguan.

8:00 a.m. Sa oras na iyan niya madalas nakikita si Franco na papunta na sa shop nito at laking tuwa niya ng marealize 8:10 a.m. na sa kanihang relo dahil panigurado ito na nakapasok na ito sa shop nila.

D' TourWhere stories live. Discover now