Chapter 4
I just took a bus to go home, maayos akong nakauwi ng bahay pero hindi maayos sa pagpasok ko roon dahil sinalubong ako ng panibagong sermon ni Mommy.
"Saan ka na naman nagpunta, sino ang naghatid at kasama mo buong araw ngayon?!"
Tamad kong inalis ang shoulder bag sa aking balikat at kinunot ang noo sa kanya. She's wearing her daily uniform, she's working on a hotel as a supervisor since last year. Nasulyapan ko si Tito Gerald na kasalukuyang nasa sala at umiinom ng kanyang madalas inumin kapag galing presinto. Red horse, ngayon pa lang napapangiwi na ako sa isip dahil iba ang sipa ng pulang kabayo sa kanya, imbes na sa tiyan ay sa utak niya nag e-evaporate. Danita and Kristoff were playing soccer on the balcony, nahuli ko ang mga mata ni Kristoff sa amin.
"I just stayed around the school, I went to classes, wala kang dapat problemahin." malamig kong sinabi.
"Talaga!?" pasigaw niyang tanong. "Talaga, Dallace Jentrie? Nabalitaan kong bagsak ka sa quizzes n'yo! Ang tanda mo na sa fourth year, hindi mo pa namaster ang mga tanong sa quizzes? Advantage mo na nga dapat iyon, pero anong utak mayroon ka at bumabagsak pa rin? Puro ka lakwatsa! Gala, inom, lalaki!"
Kahit ayokong magsalita at kumilos, kinuha ko pa rin sa bulsa ng bag ko ang papel ng quiz ko kanina sa major na mataas ang score para iabot sa kanya. Tiningnan niya lang iyon at hinawi ang kamay ko.
Yumuko ako sa pagkapahiya.
Humakbang siya palapit at pinunto ang gilid ng leeg ko, bahagya akong napaatras doon. I thought she would notice my hot temperature but she didn't. She continued her lines.
"Ikaw na babae ka, hindi ko na talaga alam ang gagawin sayo! Ano bang plano mo sa buhay, ha? Ganyan? Magpalagay ng chikinini!? Hindi ka na nahiya sa mga makakakita niyan! Nasaan delikadesa mo?"
My decadence went six feet under ground together with all my fucking heart and bruised mind.
Huminga ako nang malalim, nagyuko lang ako ng ulo at naglakad palampas sa kanya pero hinila niya ako sa braso para ibalik. My knees trembled feebly, my body feels so hot and weak but I still need to stand.
Pagod ako, pagod ako, sana huwag ngayon, Mommy. Sana palampasin mo muna kahit ngayong gabi lang. Gusto kong magpahinga at walain ang sama ng pakiramdam ko agad para makapasok sa klase bukas at bumawi ulit, iyon ang pinlano ko sa isip habang naglalakad pauwi kanina pero ngayon? Sana magkasakit na lang ako buong linggo at bumagsak na ulit sa eskwelahan para wala nang problema pa. Will this situation keep me going up if people's words are always downing me? Sinong santo ang tatanungin ko at isasagot sa aking ayos lang ang lahat ng ito?
"Lahat na yata nawala sayo, Dallace. Hindi ko na makilala ang anak ko noon."
Kumunot agad ang noo ko at napatingin sa kanya nang diretso. I wanted to utter a laugh and let out my dark anger to scream for my pain inside. I gasped mildly while looking at her, I lifted the side of my lips and tilted my head.
"Ang sakit mo sa ulo, Mommy. Araw-araw mo akong binabalewala paano mo ako masusubaybayan at makikilala? Pinapansin mo lang naman ako sa ganitong usapan. I'm not even sure if you really knew me as your daughter since then!" I let out a sarcastic chuckle. "Puwede bang tigilan mo muna ako? Kahit ngayong gabi lang, I know I don't have any right to say this but can you please close your mouth tonight and let me rest because I'm tired and sick of all the bullshits."
Nagtagis ang bagang niya, sa oras na iyon ay nakatanggap ako ng isang sampal na lalong nakadagdag sa parte ng katawan kong masakit. Wala akong ibang nagawa kundi ang humugot nang malalim na hininga at magpakalma ng galit.
"Wala ka talagang galang! You are such a black sheep in this family! Kesa mapatay mo pa ako sa kunsumisyon, lumipat ka na lang sa dorm ulit! Wala ka talagang ibang gagawin dito kundi ang magpasakit ng ulo, e!" nanggagalaiti niyang sigaw.
BINABASA MO ANG
Veiled Diaries #1: Shriveled Poison
Aktuelle LiteraturDallace, a rebellious student, feels neglected since her father's death. Her mother's new family exacerbates insecurities, leading to harmful behavior. Meeting nurse Xanthus offers unexpected care. Can this connection fill her void? *** Dallace Alfo...
Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte