Chapter 6
Nawaglit ang pag-uusap namin nang makatanggap siya ng tawag mula sa girlfriend niya, ang ending? Ayun, nagpapasundo sa kanya dahil hindi raw natuloy sa dapat na pupuntahan nilang magkakaibigan. Nagsorry pa siya sa akin dahil sa biglaan naming pagbalik, sa mas malapit na lugar ako nagpababa kung saan ang apartment ni Isha para hindi na rin siya dadaan matagalan pa. Kung sa Alpha kasi ulit ako ay ibang daan iyon patungo sa school ng girlfriend niya na kasalungat ng daan. School ko rin. Hindi ko inexpect na parehas pala kami ng school noong nobya niya, hindi ko na inalam ang pangalan.
Bakit pa? Magbebreak din naman sila. Well, I'm not sure though but the thought of their long three years relationship? I must say, they'll eventually get tired of each other and break up for that reason. O bitter lang talaga ako? Sus, Dallace. Huwag ka masyadong nanunumpa ng mga relasyong ganyan kasi the more na nanunumpa tayo sa iba, the more din na nagiging successful so kailangan kong ibahin ang hula ko. Okay, naniniwala ako na magtatagal sila. Naku, three years and counting? May forever talaga. Iyan naiba na. Aasa na ako na magtatagal sila kasi kung anong inaasahan natin, iyon din ang rason ng pagkadismaya sa huli.
Ngumiti ako sa kanya nang makababa ako, inalis ko ang helmet sa ulo at binigay sa kanya. He smiled lightly as he gave me the plastic bag of foods he bought earlier, kunot ang noo kong tinanggap iyon sa pag-aakalang nakikisuyo siyang hawakan iyon.
"What's your name, again?" he asked.
Ngumiwi ako at natawa. "Wow, sinama mo ako na hindi man lang alam ang pangalan ko? Ako iyong Dallace Alfonso na nagpakilala sayo sa text at ini-snob mo."
Ewan ko pero naaliw ako kay Xanthus. I feel so empty in every given day, the emotion and bright thoughts wasn't for me but Xanthus just gave me that emotional moment because of what he told me. It feels so good to have someone with that kind of demeanor, to think that I don't even deserve to hear those words. Alam kong pagod na si Mommy sa akin, pagod na siyang pangaralan at alagaan ako. Pagod na siyang makaramdam ng pagmamahal sa akin kaya hindi ko maintindihan kung paano nasabi ni Xanthus na hindi ako nakakapagod kung pati sarili kong ina ay ayaw sa akin.
Rest? She rested the pain? Ganoon ba ang pagpapahinga?
"Oh, sorry 'bout that. Not really into texting someone."
"Kasi loyal ka?" halakhak ko. "Sus, totoo ba 'yan?"
He chuckled roughly. "I'm not 'cause I'm faithful."
Ouch. Kung sino ka man girl na nobya neto, ang suwerte mo! Guwapo na faithful pa raw! Panis iyong ibang pangit na manloloko pa. Eto ang dapat tularan!
"Naku! Naku! Matutukso ka rin sa ibang babae, huwag ako! Hindi kita jina-judge, ah. Medyo lang." pabiro kong sinabi.
His head tilted a bit while grinning handsomely.
"You're—"
Kumindat ako at tinuro siya. "Bitter? Of course, pinaglihi kasi ako sa ampalaya. Kaso imbes na kainin, inugali ko kaya maliit na bagay 'yan!"
"Wala ka kasing boyfriend kaya mo nasasabi," he said in his slang tone. "I'll wait till you have your own man, I think you'll be able to follow rules."
"Iw!" tanggi ko. "I can't be ruled by anyone, Xanthus. Lalo na kung boyfriend ko lang, hindi ako nabuhay para sundin ang batas ng ibang tao."
Napailing siya, magsasalita pa sana ngunit naunahan na ng tunog ng cellphone niya. Napasinghap ako, he excused and answered it while still sitting on his motorbike.
"Frey... I'll be there in a few." kumunot ang noo niya at sumulyap sa akin kaya napaihip ako ng hangin at tumalikod para abalahin ang sarili.
"Is it my fault that you wore something short?" he asked in a gentle voice. "Alright, just stay inside the resto. No, but it'll just take minutes. I'll get my car. Okay, love you, too."
BINABASA MO ANG
Veiled Diaries #1: Shriveled Poison
General FictionDallace, a rebellious student, feels neglected since her father's death. Her mother's new family exacerbates insecurities, leading to harmful behavior. Meeting nurse Xanthus offers unexpected care. Can this connection fill her void? *** Dallace Alfo...
Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte