Chapter 2
Tiningnan ko ang bawat nadadaang bus, jeep at iba't ibang pampublikong transportasyon. Umupo lang ako sa waiting shed, may ilang tao akong kasama sa shed na papasok din at nag-aabang naman ng ibang sasakyan.
Marahan kong kinagat ang aking kuko at nagde-otso. The two boys in their school uniform near me were noticeably looking at my legs, maikli ang palda ko kaya kita talaga ang hita ko at halata dahil sa kaputian. Tiningnan ko ang sariling hita bago sila tinaliman ng tingin, gulat ang reaksyon nila sa pagbaling ko.
I smirked and raised my middle finger up. Nawaglit ang pagtingin ko at pag bad finger sa kanila nang marinig ko ang busina sa harapan. Hinipan ko ang aking full bangs at inayos ang hanggang leeg na buhok. I rose up and put my bag on my right shoulder as I glared at the pervert students again. I sassily get inside Aladdin's black Fortuner and banged the door.
"Mga manyak!" sigaw ko sa dalawang lalaki nang sumakto ang andar namin sa kanila.
Suminghap silang at tumingin sa akin, mukhang nahihiya dahil pinagtinginan sila ng iba pang naroon.
Nakisali pa si Aladdin sa pananakot. "Hoy, umayos kayo, ah!"
Mabilis niyang sinara ang bintana at pinasibad ang sasakyan. Suminghap ako at tumawa naman siya.
"Mga manyak 'yon! Nakakita lang ng legs, tinigasan na!"
"People nowadays are having the same bad habits." He chuckled.
I nodded sluggishly. "I know. Lahat masasama ang ugali."
"Hindi naman!" iling niya. "May mabait pero may bad habits. Ganoon din sa masasama, may good habits naman. Umiikot lang doon. At choice ng tao kung ano ang magiging ugali niya."
"Masasama pa rin. Nakikita mo naman ang mundo." Tumingin ako sa labas. "Ang daming krimen. Patayan dito at doon, mga nakawan! Puro ganoon lang naman ang nakikita natin, eh."
"Nahiya ka pa, hindi mo pa sinali mga adik." halakhak niya. "And why are you so grumpy? Umagang-umaga, Dallace!"
"Umaga lang. Umagang-umaga, 12 AM 'yon." pambabara ko sa pilosopong tinig.
"Weh? Corny mo." aniya, sinulyapan niya ako pababa sa aking palda. "Kaya ka nababastos, e. Napakaikli ng palda mo."
Doon ako napairap nang husto. Bigla kong gustong sapakin ang bibig ni Aladdin.
"Ang tanga mo rin pala, isa ka sa mga tangang sinisisi ang kasuotan ng tao. Wala 'yon sa suot, maikli o mahaba o kahit maghubad ka pa riyan. Kung walang gagong bastos, walang mababastos."
"Easy ka lang. Alam ko, Lace. Pero nasa mundong ito na nga tayo, kung ganoon na ang mga tao sa paligid tayo na lang din ang dapat umiwas para sa sarili. Wala naman tayong magagawa kung ganoon sila tumingin sa isang tao, kung bastos sila. Wala tayong magagawa, kaya kung ayaw natin sa ganoon. Iwasan na lang natin."
Umirap ulit ako. "Utak ng tao ang dapat sisihin, hindi ang mga damit na walang kinalaman. Hirap kasi sa inyo, makakita lang kayo ng maputi o nakamaikling damit, porn na para sa mata n'yo!"
Humalakhak siya pero tumahimik na rin. Mabilis ang biyahe namin at umabot nang halos isang oras lang dahil may shortcut na alam si Aladdin, kapag may kotse doon din ako dumadaan.
Kaya inis na inis ako kay Mommy dahil sa ginawa niya. Hindi man lang ako tinanong kung ayos lang ba sa na walang magamit. Mas inuna niya pa iyong stepson niya kaysa sa kapakanan ko. Minsan nakakainis na talaga ang buhay ko sa poder nila. Ako palagi ang napapansin. Kahit na may maganda akong ginawa, sasabihin pang "Do better, Dallace."
BINABASA MO ANG
Veiled Diaries #1: Shriveled Poison
Ficção GeralDallace, a rebellious student, feels neglected since her father's death. Her mother's new family exacerbates insecurities, leading to harmful behavior. Meeting nurse Xanthus offers unexpected care. Can this connection fill her void? *** Dallace Alfo...
Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte