Chapter 1

66 2 0
                                    

Simula pagkabata sanay na akong nakakakita ng multo,pero hindi naman naging problema sakin yun,siguro kasi hindi namin pinapakialaman ang sari-sarili naming mundo.Walang pansinan,walang basagan ng trip,kumbaga,dedmahan lang.

Sa sobrang dalas ko nga silang makasalamuha normal nalang sakin na makitang nagpapakalat-kalat sila sa daan,kahit saan. Sa bubong,sa kisame,sa classroom,sa bahay,sa kalsada,kahit sa banyo.Oo, talagang hassle para sakin kapag may multo sa banyo,di ko magawa yung dapat kong gawin.Minsan naiinggit na nga ako sa mga normal na taong di sila nakikita.Di kasi sila naiinsecure tumae kahit na mayroon silang katabing multo sa cubicle.

Ako? Pinipilit kong maging Normal kahit ang totoo hindi naman talaga. Akala ko,Hanggat di ko sila ginagalaw di din nila ako gagalawin. Akala ko di nila ako papansinin kung di ko din sila papansinin,akala ko hanggang di ko sila Pinapakialaman,di din nila ako papakialaman.Akala ko talaga ganun ang intindihan namin,akala ko lang pala yun.

Hindi ko alam kung anung problema nitong babaeng multo na maghapon nang nakatitig sa Fes ko.Nakaharang ang pagmumukha nya sa mukha ko,di ko tuloy mabasa ng maayos yung pinapasulat sa pisara,dapat kanina pa ako tapos sa pagsusulat eh badtrip.Mag-iisang buwan na nung magparamdam sya sakin,lagi nya akong sinusundan!, kahit saan! Nakakainis na nga kasi di ko magawa ng matino yung dapat kong gawin,in short WALA NA AKONG PRIVACY!

Punyeta naman oh,di ko pa tuloy napapanuod yung dvdx na pinahiram sakin ng kaklase ko dahil sa gwardya ko. Kagaya ng araw araw kong ginagawa,hindi ko sya pinapansin,di ko din sya pinapakialaman,at lalong di ko sya tinitignan sa mata,ang hirap kaya! Kunawari tumatagos yung tingin ko sa kanya, kunwari wala sya sa harapan ko, kunwari di ko alam na nakatitig sya sakin maghapon. Badtrip tong babaeng 'to, nahihirapan na kaya akong umarte! tch! Di bale di naman nya ako ginagalaw kaya pagpapasensyahan ko na lang ang trip nya.

Hanggang isang araw, sa loob ng classroom namin, habang lunch break, may tumawag sa pangalan ko mula sa pituan. Si Joana, Kababata ko at Kapitbahay namin. Sabay kaming lumaki at pumasok sa parehong eskwelahan. Maganda si Joana,ang totoo andami ng nangligaw sa kanya, kaso lahat sila binasted nya. Ewan ko ba pero tuwing tinatanong ko kung bakit wala pa syang boyfriend ang lagi nyang sinasabi sakin ”Di kasi sila interesting eh” medyo naghihinala na nga ako sa kanya eh. Hindi kaya, di kaya Tibo tong bruhang to? Kung tutuusin matitino naman ang mga pagmumukha ng mga umaaligid sa kanya. May isa nga dun Honor student pa,binasted nya kaagad,boring daw kasi kausap, Aba! Choosy ka pa ha. Isa pang dahilan siguro kung bakit wala syang boyfriend, nahihilig kasi si Joana sa mga “Out of this world” na bagay kagaya ng UFO's,Aliens,Black Magic at kung anu-ano pang magpapasakit sa ulo mo at papatay sa mga nerve cells mo. Siguro kung tinubuan ng buntot at palikpik yung mga lalaking yun, baka maging “interesting” sila sa kanya.

Dan! Kumain ka na ba?” Sabi nya.

Bakit,Lilibre mo ko?”

Sige ba!” Aba teka, Ang bilis naman nya atang sumagot ngayon.

Talaga? Parang di ko ata gusto yan ah

Wag ka ngang maarte,dumaan ka sa room mamayang uwian” Sabi nya.

Anung maarte? Tsaka bakit mamayang uwian pa?

Bigla kong napansing nakapako ang tingin nya sa kanang bahagi ko,sabay baling ng mata sakin.

B-basta mamayang uwian, aantayin kita.” Sabi nya bago tumalikod pabalik sa building nila. Saka ko lang napansin na nakikinig pala sa usapan namin yung babaeng multo. Kung pagbabasehan yung reaksyon ni Joana, para syang nagulat, di kaya, nakakakita din ng multo si Joana? Papampam din naman kasi tong multong 'to eh, kahit ako nagugulat minsan sa biglaang pagsulpot nya sa harap ko.

Ang MisAdventures ni JoanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon