Chapter 4

43 1 1
                                    

Nagtuturo ng panibagong formula at equation sa trigonometry yung pinakaboring naming guro. Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi at pinagsusulat ng teacher namin sa blackboard. Nakakaantok sya, at mas madalas nananakit ang ulo ko sa dami ng nakikita kong numero. Pero iba ang kaso kung bakit di ko sya maintindihan ngayon, at yun ay dahil walang tigil sa kakasalita at kakakaway sakin ng babaeng multo kanina. Nung una nakukuntento na syang titigan lang ako maghapon. Ngayon, walang tigil na syang nagpapapansin sakin. Yari ako nito, may quiz pa naman daw kami pagkatapos nung lecture.

Oh anu section 3, Tulog na kyo? Naintindihan nyo ba ang mga pinagsasabi ko dito sa harapan nyo?” Tanong ni Mrs.Bernardo.

Ooopooo.” Sagot ng buong klase kahit ang totoo hindi naman talaga.

Opo kayo ng opo, tapos pagdating ng quiz mamaya ang mga score nyo panay zero.” Sermon ni Mrs.Bernardo sa klase namin. “Ang hirap kasi sa inyo-

At nagpatuloy ang buong klase sa panenermon ni Mrs.Bernardo.

Ganyan talaga sya, Kalahati lecture,kalahati sermon.Kaya lalong nagiging boring sa room eh,kahit paano di ko madinig yung ginaganap na misa sa loob ng classroom ni maam dahil na rin sa sinasabayan sya nitong multo. Gayon pa man parehas masakit sa tenga ang mga boses nila.

Hoy pansinin mo naman ako.” Sabi nung multo habang panay ang kaway sa harapan ko. “Alam kong nakikita mo ko, kaya pansinin mo na ko.”

Deadma lang, hinahanap ko yung earphone ko sa bulsa ng bag ko para makinig ng music kesa makinig sa pinagsasabi ng nilang dalawa. Di ko makita yung earphone, naiwan ko ba?

Eto bang hinahanap mo?” Sabi nung multo habang tinuturo sa sahig yung earphone.

Nalalaglag siguro nung kumuha ako ng gamit kanina, dadamputin ko sana nang bigla nyang ilayo sa dati nitong pwesto yung earphone. Mas malayo na yung earphone kaya kailangan kong lumiyad paharap para damputin nang ilayo nya uli. Di ko na sana papansinin, maaabot ko na sana yung earphone nang bigla nyang hablutin at ilayo na naman ito sa kamay ko.

Anu bang problema mo?” Tanong ko sa multo.

Oha, Sabi na nakikita mo ko eh.” Masayang sabi nung Multo.

Oo na, Oo na. Kaya pwede ba manahimik ka na? at tigilan mo na ako.” Sagot ko sa kanya.

Mr.Cruz?! Tama ba ang pagkakadinig ko?” Pagkataray-taray na tanong naman sakin ni Mrs.Bernardo. Napalakas yata yung pagkakasabi ko.

Maam?”  Yun na lang ang nabanggit ko,Yari ako nito.

Di ko talaga araw 'to ngayon. Wala akong naibigay na matinong sagot kay Maam kaya pinalabas ako ng room ni Mrs. Bernardo saka sya nag-bigay ng quiz sa klase namin. Badtrip.

Ang sungit talaga ng teacher na yun.” Sabi nung multo sakin.

Kasalanan mo kaya zero ang magiging score ko sa quiz namin ngayon.” Sagot ko sa kanya.

Wow ha, para talgang may isasagot ka sa quiz nyo ngayon. Di mo kasi ako pinapansin kaya ko nagawa yun.” Sabi ng multo sakin. Ang lagay pala eh, kasalanan ko pa pala yun ngayon.

So, talaga nga palang nakikita mo ko.” Pag-uusisa sakin ng multo.

Obvious ba, kanina mo pa ako kinakausap di ba?” Sagot ko sa kanya.

Naninibago lang ako, ngayon lang kasi uli ako may nakausap ganito eh.” Masayang sabi nya sakin.

Oo nga pala. Salamat sa pagtulong mo samin kahapon. Kung di dahil sayo baka dedo na rin kami ni Joana ngayon.” Sabi ko sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang MisAdventures ni JoanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon