Chapter 2

55 2 0
                                    

Naglalaro ng Flappy Bird si Joana habang nasa loob kami ng sasakyan, napapangiwi ang mukha nya twing namamatay ang character nya. Minsan bigla nalang syang sisigaw, tapos titingin sakin na parang kakain ng tao.

Bwisit! Ikaw kasi eh!” Banat nya sakin, parang galit na kalabaw ang peg, kulang nalang umusok ang ilong.

Huh? Inaano kita?” Sabi ko.

Umusog ka nga!” Sabay dutdut na naman sya, ayus ah, parang walang nangyari samin kanina lang.

Nagmamaneho naman ang Daddy nya habang Chill na chill na nakikinig sa mga kanta ni Bob Marley,minsan sumasabay sya sa kanta,pero mas madalas sa chorus lang. Magkababata din sila ng Tatay ko,parehas silang patay na patay kay Bob Marley, kulang na lang nga mag-dreadlocks sila pareho. Team Manager si Papa sa isang Call Center Agency, madalas pang gabi sya kaya malamang nakaalis na sya ngayon.

Ah Dan,nasabihan mo na ba ang tatay mo tungkol sa nangyari sa inyo?” Tanong ni Tito.

Di pa po,lowbat kasi ang cellphone ko kanina pa.” Sabi ko.

Ahhhh.... kaya pala di ka sumasagot sa tawag ko kanina...” Sabat ni Joana habang titig na titig sa linalaro nya. “Dapat chinacharge mo ang cellphone mo bago ka umalis ng bahay, para saan pa at nag-cellphone ka kung di mo din naman magagamit sa oras na kailangan mo.

Talaga naman, sayo pa talaga nanggaling yan ah, kaya nga ako nalowbat kasi panay ang tawag mo sakin kanina. Tapos kasalanan ko pa pala ngayon? My god! My god talaga.

Ah ganun ba,sige tawagan mo na lang sya pagkauwi natin. Nga pala,sabi ni Mai sa bahay ka na lang daw maghapunan.Ok lang ba sayo yun Dan?” Tanong sakin ni Tito.

Natural...May makakahindi ba sa luto ni Mommy?” Sabat uli ni Joana.

Kungsabagay...Ginugutom na tuloy ako. Bilisan na natin” Sang-ayon ni Tito kay Joana.

Hindi na ako nakasagot, pero kung tutuusin tama naman si Joana, mahirap tanggihan ang luto ni Tita. Hindi ko rin alam pero may kung anu sa mga ulam na luto ni Tita Mai. Di ko alam kung anu yun pero lagi kong nasisimot ang pagkain pag si Tita ang nagluluto.

Nagtext si Ate Cas, nagtatanong kung nasan na daw tayo. Nangungulit daw kasi ng Ice Cream si Mak-mak” Sabi ni Joana.

May madadaanan ba tayong malapit na Convenient Store dito?” Tanong ni Tito sa kanya.

Dun ata sa susunod na kanto Daddy meron eh.” Sagot ni Joana.

At Huminto nga kami sa convenient store para bumili ng Ice Cream. Nagprisinta si Joana na sya nalang daw ang bababa dahil may bibilin din daw sya. Mukhang High na high na si Tito kay Bob Marley, nakapikit pa sya habang sinasabayan ang kanta ng tropa nya. Madali lang naman sabayan si pareng Bob, kahit nga ako naeengganyo nang sumali sa Jamming nilang dalawa. Yeah Man!

Dont worry,about a thing,cause every little thing,is gonna be alright” Sabay ni Tito sa Chorus ng kanta.

Tapos tatahimik sya hanggang mag-chorus uli, paulit-ulit yun sa buong kanta. Di ko na napigilan, napapikit din ako, may nakikita akong isla, parang Boracay. May mga babaeng nakabikini, mga lalaking naka dreadlocks, floral shirts, guitara at tambol, tapos lahat nakangiti habang napapalibutan ng usok. May stage na napapaligiran ng madaming tao,nakanta si Pareng Bob kasama si Tito. Inaaya nila lahat ng taong sabayan sila sa pagkanta, di ko na rin napigilan ang sarili ko, paulit-ulit lang naman yung lyrics.

Sing with us man! A lala lala long A lala lala long long le long long long c'mon” Sabi ni pareng Bob.

A lala lala long A lala lala long long le long long long” Sabay ni Tito kay pareng Bob.

Ang MisAdventures ni JoanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon