Chapter 4

7 0 0
                                    

Gab's POV

"HAHAHHAHAHAHHAHAHAH KUYAAAAAA ANO NG NANGYARI SA MUKHA MO. MUKHA KANG ADIK HAHAHAHHAHAH" Tawa sa akin ng kapatid kong si Bella at napa poker face lang ako dahil sa sinabi nya.

Alam nyo ba kung ano ang dahilan kung bakit ako mukhang adik. Dahil hindi ako maka tulog kagabi. Hindi ko alam 'bat kailangan ko pang isipin yun. Pero kasi parang ang creepy. Aishhh...ewan! Bahala na!

"Kuya, someone is finding you. And I don't know who are them..." pag eenglish saakin ni Marie. Sabog na nga ako, ini-english pa ako.

"Sige..." sabi ko na lang dito. Lumabas ako ng bahay para makita kung sinong asungot ang tumatawag saakin.

"Uy Gab!" Tawag saakin ni Jeremy. Tinanguan ko lang sya at tamad na tamad na nag lakad papunta sa kanila.

"Oh! Anong nangyari sa mga mata mo?" May kasamang pag tawang tanong ni Michael sa akin. Napahilamos na lang ako sa mukha ko at nakapamaywang na tumingin sa kanila.

"Ano na naman ba kailangan nyo sa akin?" Kalamado kong tanong sakanila

"Ahhhmmmm..." sabi nila. Sabay ko silang pinag tutulakan palabas ng gate namin.

"Mag si-layas na kayo! Hala sige layas!" Sabi ko— ay mali sigaw ko sa kanila.

"Nak? Anong ginagawa mo sa kanila? Papasukin mo yan dito" sabi ni Mama sa akin habang naka silip sa pintuan.

"Yown!!" Sigawan nilang lahat at pumasok na ng bahay. Napabuntonb hininga na lang ako at sinarado ang gate. Pumasok ako ng bahay at nakita ko silang mga nakaupo sa dining table at handang handa ng kumain. Tumingin ako sa taas at ang nakita ko lang ay si Bella pababa na ng hagdanan.

"Nasaan si Marie?" Tanong ko dito

"Hindi ko alam...baka nasa kwarto nya..." sagot nito sa tanong ko at nag kibit balikat. Pumunta na sya sa dining table. Habang ako tatawagin si Marie para kumain na ng breakfast.Nung nasa harap na ako ng kwarto nito kinatok ko muna ito at sabay pasok dito. Nakita ko syang nakahilata, nakatitig sa kisame at naka headphones. Sinarado ko ang pinto at parang naramdaman nya na may tao sa kwarto nya kaya bigla syang tumayo sa kama at nag form ng panglaban. Natawa na lang ako sa ginawa nya, sya naman umupo sa kama nya, binaba nya yung headphones nya at napa poker face ulit sya.

"'Bat di ka pa bumababa?" Tanong ko , sabay lapit sa kama nya at umupo.

"Di ko alam...nag mumuni muni lang ako dito..." sagot nito saakin at napa buntong hininga.

"Haysttt....ang dami mong iniisip. Tatanda ka nyan sige ka!" Panloloko ko dito

"Tss..." sabi na lang nito at tumayo na kaya tumayo na lang din ako. Tinulak nya ako patabi at inayos yung kama nyang nagulo.

"Sana ganito din ako kasipag..." bulong ko

"Huh?" Tanong nito sa akin.

"Wala! Tara baba na" sabi ko dito at nauna na akong nag lakad sa pintuan. Sumunod naman siya sa akin. Habang pababa ng hagdanan naririnig ko ang tawanan nilang lahat kaya napatakbo ako sa dining table kasi baka ineexpose na ako ni Mama at Bella. Pag dating ko sa dining table napatigil sila sa pag tawa at tumingin sa pwesto ko, naramdaman ko naman yung presensya ni Marie sa likod ko.

"What the hell?! Who are them?!" Iritang tanong ni Marie. Eto na mag sisimula na namang mag sagutan 'tong si Mama at Marie.

"Maria! Your words!" Halatang seryoso si mama sa sinabi nito. Alam na alam namin na ayaw ni Marie sa tao. Wala syang kaibigan kasi niloko lang sya at iniwan nito. Kaya simula nuon hindi na sya nakikipag kaibigan sa lahat.

"I don't care! I thought we have rules here?!" Sigaw nito kay Mama

"We have but—" kalmadong sabi ni Mama

"Then follow my rules! I followed yours, then follow mine!" Sigaw nito at umakyat sa taas. Napuno ng katahimikan ang dining room ng bigalang sirain ni Ian ang katahimikan.

"Ahh...tita aalis na kami..." halata ang takot sa kanilang mga mata ng titigan ko sila

"Hindi!" Ma awtoridad na sabi ni mama sa kanila. Kinabahan ako dahil parang may mangyayaring hindi maganda. Umakyat si mama kasama ang susi sa kwarto ni Marie.

"Ma hayaan—"

"Hindi! Hindi pwedeng palagi na lang syang ganyan. Kailangan nyang kalimutan ang nakaraan at gumawa na panibagong kaibigan."

"Ma anong connect nila dito?" Sabi ko sabay turo sa mga tropa ko.

"Kailangan nyang mang hingi tawad sa kanila at kilalanin sila." Mahinahong sabi ni Mama

"Ay tita wag na po—"

"Shut up!" Sabay naming sabi ni Mama at sabay din kaming nanghingi ng tawad sa kanila. Umakyat si mama sa taas at sinamahan ko sya. Si Bella naiwan sa baba kasam mga tropa ko. Pag dating namin duon binuksan ni mama ang pintuan. Susunod na sana ako sa loob ng bigla akong pinigilan ni Mama.

"Mag hintay ka na lang dito sa labas" sabi nito at sinarado na ang pintuan. Mga ilang minuto ang dumating lumabas na si Mama kasama si Marie.

"Baba na..." my Mom said with a genuine smile. 


ㅇㅅㅇㅅㅇㅅㅇㅅㅇㅅㅇㅅㅇㅅㅇㅅㅇㅅㅇㅅㅇㅇㅅㅇㅅㅇㅅㅇㅅㅇ


HIIIIII GUISEEEEE!!!! SORRY FOR THE VERY VERY LONG NO UPDATE!!!! MEDYO NAWALAN PO KASI AKO NG GANA SA WATTPAD PERO SINCE NAALALA KO NA MAY MGA READERS AKONG NAG HIHINTAY SA UD KO MAG UUPDATE AKO. I WILL KEEP THIS UP! THEN PRAY FOR ME SA SCIENCE DAHIL KONTI NA LANG MAMATAY NA AKO SA SCI HAHHAHAHAHHAHA. MAHAL KO KAYONG LAHAT😘😘😘😘

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon