Gab's POV
Hi! Ako nga pala si Gab. Gabrielle Rupert. Ako yung lalaking always ipinagpalit pero never ipinalit. Kahit na lagi akong iniiwan. Magiging matatag pa rin ako dahil sa pamilya ko na sinusuportahan pa rin ako. Lalong lalo na sa mga kapatid kong mga babae.
Sila yung tipong makulit, at lagi akong kinukulit. Kahit na medyo may pagka bangag ako, mahal na mahal pa rin nila ako. Yung parents ko na sobreng higpit saakin. Kahit hindi ko sila nasusunod mahal na mahal pa rin nila ako.
Ang drama...Bading!!
Sira ulo! Mahal ko pamilya ko eh...
Back to reality...
Isa akong istudyante tapos na ako ng elementary kase malamang...basta yun. I am 3rd year highschool. I-
"HOY GAB TARA NA. BASKETBALL!!" Sigaw ng kaklase ko which is si Ian. Mahilig syang mag basketball, halos pakasalanan na nya bola nya NA pang basketball dahil sa kaadikan nito.
Bigla namng lumapit saakin si Jeremy which is kaibigan ko din. Pawis na pawis nga sya eh...
"Pre, paabot nga ng bag ko." Sabi nya saakin
"Ba! Malupet ka ah! Kuwain mo mag isa mo..." sabi ko sakanya
"Wengya...damot mo pre!" Sabi nya saakin
"Tss..." yung lang sinabi ko
ㅇㅅㅇㅅㅇㅅㅇㅅㅇㅅㅇㅅㅇㅅㅇㅅㅇ
Uwian na. Umuwi na ako sa bahay. Pag kauwi ko sinalubong kaagad ako ng mga kapatid ko at hinalikan sa cheeks
"Kuyaaaaaa!!!!!!" Sigaw nila saakin
"Kuya, pagkain namin?!" Tanong saakin ng pangalawa kong kapatid.
Sya si Bella Rupert. Ang pinaka matakaw kong kapatid. Di namn sya gaano kataba pero inaasar lang namin sya na pinakamataba.
"Nakuuuuu.....ate talaga patay gutom. Kaya ang taba taba mo eh..." sabi ng bunsong kapatid namin
Sya namn ay si Marie Rupert. Sya ang pinakapayat sa pamilya namin. Pero matakaw din sya kumain, di nga lang nataba.
"Pagkain namin o pagkain ko?!" Tanong ko kay Bella
"HAHAHHAHAHAHHAHA" tawa ni Marie.
Nasa lahi naming pamilya ang magaganda, pogi at palabiro. May pinsan kami kaso nasa Ibang bansa pero kami nandito sa Philipinas. Yung iba matatangkad saamin kaso ang pinaka maliit ata is ang kapatid kong si Bella. Para syang gasul kapag mag susuot sya ng blue HAHHAHAHHAHAHHA
Pumasok na ako ng kwarto ko. Nag cecellphone ako syempreeee.....
Ian: Pre! Laro tayo bukas ah!
Ako: Luh...sabado bukas ah?!
Jeremy: Oo nga pre, sabado bukas ah..
Ian: Oo nga!
Dwight: Oh..eh..ano namn?!
Michael: Wala ka lang magawa 'no?! Bawal ako
Rapha: Bawal din ako. Family bonding eh..
Ian: Ano ba yan! Minsanan na nga lang eh..
Jeremy: Anong minsanan?! Halos pakasalan mo na yung bola sa kaadikan mo eh
Ian: Sira ulo!
Rapha, Dwight, Michael: HAHAHHAHAHHAHAHHAHAHHAHAHA
"Kuyaaaa!!! Kakain naaaa" sigaw nila
Ako: Saglit lang pre ha!
Seened by: Rapha, Jeremy, Dwight, Ian, Michael, and YouLumabas na ako ng kwarto ko umupo na sa upuan ko. Tahimik lang kami kumain. Pero di mo maiiwasan na magkwentuhan. Syempre tawan, kulitan, asaran.
Matapos naming kumain nag gawa kami ng chores namin. Ang chores ko ay mag tapon ng basura, mag lagay ng tubig sa tubigan. Yun ang kadalasang gawain ko. Umupo na muna ako sa upuan at nag pahinga. Manunuod din kami ng movie.
Syempre maganda yung may trill. Nanuod kami ng A Cure for a Wellness. Grabeeee nakakasukaaaaaaa!!!! Sumuka na ako dahil sa pinapanuod namin. Tawa namn sila ng tawa saakin. Kasi pano ba namn hindi ako masusuka. Nagpasok sila ng tube sa bibig ng lalaki hanggang abdomen tapos nilagyan ng tubig yung tube na may EEL na mga isang dangkal. Kadiri dba?!
(A/N: Try nyong panuodin. Kinuwento lang saakin yan ng kapatid ko eh)
ㅇㅅㅇㅅㅇㅅㅇㅅㅇㅅㅇㅅㅇㅅㅇ
After an hour...
Natapos na namin ang masukasukang movie. Pumasok na kami ng kanya kanyang kwarto at natulog na...
ㅇㅅㅇㅅㅇㅅㅅㅇㅅㅇㅅㅅㅇㅅㅇㅅㅇㅅㅅㅇ
Hi guys! Pinagawa lang saakin ito ng kuya ko.
Feel free to vote and comment on my story. Hope you like it. Enjoyyyyy!!!!!!

BINABASA MO ANG
Love Hurts
Teen FictionRead on your own risk. A boy that will never give up because of love. Love is as sacrifice, always put that in your mind.