1.

1.2K 15 5
                                    

Sobra akong na hurt ng harap -harapang sabihin sa akin ni Zion na humanap na lang ako ng ibang lalaking mamahalin. Hindi ko alam kong paano at bakit n'ya nasabi yun sa akin samantalang hindi ko naman sinabi sa kanya na I like him at lalong wala akong sinabihan na I love him.

Hindi ko rin naman pinapakita sa kanya na gusto ko talaga s'ya at hindi ko rin naman pinaparamdam sa kanya na mahal ko s'ya. Ang gulo ko noh pero yan ang reality!

Anyway ayaw ko din naman pumasok sa complicated relationship lalo na at alam kong may girlfriend na s'ya. Kaibigan ko pa naman si Candy, ang kanyang first and last love na paulit-ulit n'yang sinasabi sa mga kaibigan n'ya.

"What are you talking about, Zion? "Tinaasan ko talaga s'ya ng kilay. Marunong akong umarte kaya alam ko kung paano magtago ng tunay na nararamdaman.Feeling artista kaya ako lagi lalo na kapag nasa harapan n'ya.

"Huwag ka ng mag deny na you like me. Am I right? " Hirit pang tanong sa akin ni Zion.

"What the hell are you talking about? Ako may gusto sa'yo? Eh di wow huh! Mahiya ka naman sa balat mo". Tiningnan ko s'ya ng masama . Nagkatitigan kami at s'ya ang unang sumuko. Well magaling talaga ako makipagtitigan lalo na at gusto ko yung guy.

Well to tell you the truth, I like and love Zion even though may girlfriend na s'ya. Ilang beses kong pinigilan ang sarili ko na huwag ko syang gustuhin pero mahirap talagang kalabanin ang sariling damdamin.

"Don't wait for me because I'm already taken and magiging daddy na ako. Dapat alam mo kung saan ka lulugar, " Zion added.

Lalong ikinasama ng loob ko ang mga sinabi niya pero nagawa ko pa rin na ngumiti at sabay sabi sa kanya ng "Congratulations. Soon to be dad ka na pala! "Anyway may sasabihin ako sa'yo. Ang lakas ng bilib mo sa sarili mo.Pero pasensya na ah, hindi kita type, Zion Ram Padilla. Nananaginip ka yata or may jetlag ka pa. Excuse me! "Tinalikuran ko na agad s'ya. Sumunod s'ya sa akin.

"Hey don't get mad. I'm just catching you if may gusto ka nga sa akin. I'm sorry if na offend ka sa sinabi ko."Inakbayan n'ya ako. Syempre kunwari ayaw ko ng akbay n'ya.

"Don't touch me! Go back to your chair. Hindi ko gusto yang mga pa catch catch na sinasabi mo. Ano ka fisherman?"

"Please accept my apology. Sorry na, Miss Scent Sandoval. Drama ko lang yun."

"Drama your face.Ang badoy mo! Shut up! "High tone ang boses ko. "Mag sorry ka sa mukha mo".

Tuluyan ko na s'yang tinalikuran at tinahak ko na ang hallway papuntang parking lot. Kahit malayo na ako narinig ko pa rin ang pagsigaw niya nang "ingat ka, Scent! "

Matagal ko bago inistart ang kotse. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay umiyak na lamang ako. Wala namang makakapansin sa akin dito sa loob dahil tinted naman ang salamin. Nakarinig ako ng sunod-sunod na katok sa pinto ng kotse. Nagmamadali kong pinunas ang mga luha ko at sinipat ang kumakatok sa pinto. Si Zion pala!

Hindi ko s'ya pinagbuksan. I don't want to talk to him. Inistart ko na ang sasakyan and I leave him alone.

Malamang kasi makikisakay na naman ito tapos yayayain na naman akong kumain sa labas kasama si Candy. Magmumukhang driver na naman ako! Well hindi na mauulit yun! Hindi na niya ako mauuto!

Haist isa pa palang nagpapasakit sa ulo ko sa mga sinabi ni Zion.
Buntis na nga pala si Candy!

Kailangan ko na talagang magpakalayo-layo. Lalayo ako para makalimot. Makalimutan ang isang tao na minamahal ko ng palihim kahit na may mahal na s'yang iba.

Tama si Zion! 'Wag na akong umasa, wag ko na s'yang hintayin! Kamalas naman kahit na joke n'ya lang yun pero super sakit talaga.Mas masakit pa sa kagat ng bubuyog. Nakagat na kasi ako kaya alam ko yung pakiramdam. Pero mas okay Pa yung kagat ng bees. 2 weeks lang gagaling na.

Eh yung puso ko kaya mag heal din kaya agad? Hay life! Sad life!

Hay pag-ibig! Broken hearted kahit walang jowa! Well uso na talaga sa panahon na to ang mga single na broken hearted!

Binilisan ko na lang ang pagmamaneho para makarating sa mansyon ng maaga.

Hurt Me,Love Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon