2.

617 8 0
                                    

"Scent, may bisita tayo.Magbihis ka ng maganda ah. Mag ayos ka ng sarili mo. "Wika ni mommy.

"Mom, I'm beautiful you know? "Pagyayabang ko kay mommy.

"Alam ko naman yun pero mag ayos ka pa rin. Fifteen years old ka na, dalaga ka na at pwede ng mag boyfriend. "

"Mom, sino ba kasi yang visitors n'yo ni dad? "Pagmamaktol ko. Gumagawa kasi ako ng project pero ginambala ako ni mommy just to let me know na may bisita sila ni dad. Naiinis pa naman ako kapag hindi ko natatapos agad ang mga project at home work ko.

"'Yung kababata namin ng dad mo, anak. Matagal naming hindi nakita dahil ang tagal sa ibang bansa. May binatang anak na din sila. Ahead lang yata sa'yo ng mga 4 years. "

"Mom, mukhang may ibig kang sabihin ah. Don't tell me na irereto mo ako sa anak ng kababata mo? "Lalo pa akong nainis.Ayaw ko pa naman na pangungunahan ako pagdating sa love life.Saka for me study first before love life na yan. Most of my classmates are addicted when it comes to love life issues and intrigues while I'm busy writing in the corner of our classroom. Pero hindi ako naiinggit sa kanila dahil I'm waiting for my one great love. Hindi ako nagmamadali unlike other's na at the young age nakailang boyfriend or girlfriend na. Basta ako maghihintay pa rin ako kasi 'waiting is a virtue. '

"Of course not,anak. Sinabi ko lang naman para maging friends mo din s'ya. Gusto ko kasi kapag anak ng mga kaibigan namin ng daddy mo ay dapat maging friends mo din. Just like Candy and you. Diba friends kayo? "

"All right, mom. Sige magbihis na po ako. I love to hear it from you. "Sabay halik ko sa noo ni mommy.

I'm the youngest children in the family. I have two siblings. My eldest and elder brother is a doctor and professor respectively. They are both lucky in career and love life.

Sophomore student ako ng Ateneo de Manila University sa kursong AB Fine Arts. Batang-bata pa kasi ako nung nagsimulang mag aral kaya maaga din ako nag kolehiyo. Mayaman ang pamilyang aking kinagisnan kaya naman lahat ng gusto kong luho ay nabibili nila mommy.

***
Paglabas ko ng kwarto naririnig ko ang ingay sa baba kaya dumungaw ako. Nakita ko ang bisita nila mommy. Isang babae at lalaki na nasa 50's na rin siguro ang edad. Bababa na sana ako ng may biglang pumasok na lalaki.
Binatang lalaki! Matangkad, pogi, maayos pumorma, moreno at maganda ang ngiti.
Hindi ko maihakbang ang mga paa ko pababa sa hagdan. Natulala kasi ako sa kapogiang taglay ng binata! Kumabog ang dibdib ko. First time in my life na makaramdam ng kakaibang feelings! Ung pakiramdam na gusto mong makilala at makausap yung guy. First time kumabog ang dibdib ko promise.
S'ya na kaya ang lalaking makakabihag ng puso ko? S'ya na kaya ang one great love ko? Lord, pwede po ba na s'ya na? Promise po Lord mamahalin ko po s'ya.

Crush na crush ko na s'ya. Pwede din na love at first sight! Pwede rin kahit ano basta gusto ko talaga s'yang makilala.

Kung alam ko lang dapat sinabi ko na kay mommy na willing kong ma meet ang anak ng kababata n'ya.

'Mom, baka pwede i arrange marriage mo ako sa kanya'. Desperate moves naman kasi kung ganun! Syempre gusto ko pa rin yung mahal ako at mahal ko. Mas sweet yun, diba? Ayaw ko din naman ng sapilitan at pikutan. May konsensya din naman ako.

'Sana wala pa s'yang girlfriend! 'Daming pumasok sa isip ko. Hay naku sa wakas naihakbang ko din ang mga paa ko pababa ng hagdan. "Sana mapansin n'ya ako. "Sabi ko pa sa sarili ko at bigla akong natapilok sa gitna ng hagdan. Napatili tuloy ako. "Ouch! "Napalingon tuloy sila lahat sa akin. Agad akong pinuntahan ni dad para alalayang makatayo. Sobrang nahihiya talaga ako sa eksenang ganito. Natapilok in front of your crush is an embarrassing moment for me.I want to run as fast as cheetah to hide my face but I want to meet him kaya nilakasan ko ang loob ko na tumayo at naka chin up na sumabay kay dad papunta sa kanila.

"Anak, this is Tita Faye and Tito Rob. Sila yung sinasabi ko sayo na kababata ko. "Bungad kaagad ni mommy.

"Hello po nice to meet you po, tita and Tito, "magalang kong sagot sabay mano ko sa kanila.

"Ang laki mo na, Scent. Dalagang - dalaga ah! "Sagot ni Tita Faye.

"Anyway, hija.This is my youngest son Zion."

"Hi, "masayang bati ko sa kanya habang si Crush ay busy kapapanood ng movie sa cp n'ya. Pinansin n'ya ako at matipid  na binati ng "hello nice meeting you"tapos balik ulit sa pinapanood n'ya.

Mas pogi ito sa malapitan! I swear gusto ko s'yang maging boyfriend. I wish na sana ma-in love s'ya sa akin.

"Zion, gusto mo bang mamasyal muna dito sa loob ng village? May mini plaza dito. "Hindi ako nahiyang yayain s'ya. Wala namang masama kung tatanggi s'ya.

"Sige ipasyal mo ako. "Agad itong tumayo. Pumayag din naman ang mga parents namin at nagmamadali kaming lumabas.

"Ilang taon ka na, Zion? Saan ka nag aaral? Anong course mo? "Sunod -sunod na tanong ko na agad n'ya namang sinagot.

"I'm 19 and sa UP ako nag aral. Management course ko.Graduate na ako."

"Nice.Ah may girlfriend ka na ba?"Prangka kong tanong.

"Actually meron na and taga dito s'ya sa village nyo. "

It hurts you know! Basted agad ako! Sino kayang jowa n'ya? Kilala ko ba? Nalungkot ako sa sagot nya. Pramis piniga ang puso ko.

"Kaya sumama ako sayo kasi way ko na din para magkita kami ni Candy. "Dagdag n'ya pa.

"Candy Soriano?! "Bulalas ko.

"Yup. Do you know her? "

"Of course kasi kaibigan ko s'ya. "

Hurt Me,Love Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon