Aniya's POV
"Asan ka na ba? Di ka man lang magtext o tumawag."
Kanina pa ako ikot ng ikot sa campus, hinahanap ko kasi ang magaling kong boyfriend na hindiman lang magtext . Sabi nya makita nalang daw kasi kami sa basketball court pero wala naman sya doon.-_____-
"Bess! Andito ka lang pala! Kanina pakita hinahanap, sabi kasi nila nasa basketball court ka, so pinuntahan kita dun. Kaso pag dating ko dun wala ka naman. napagod tuloy beauty ko!"
Sabi ni Kaylie habang hingal na hingal na nagsasalita. Kahit kelan talaga tong babaeng 'to! HAHAHA
Hindi ko pa sya naipapakilala, siya nga pala si Kaylie Torres ang bestfriend ko, simula pa nung fetus palang kaming dalawa. Haha pero syempre joke lang yun. Mag mula nung bata palang kami, lagi ko na kasi syang kasama at tska medyo malapit din sa isa't isa ang mga mudrabells namin. Siya ang laging nagtatanggol saakin lalo na sa mga nambubully saakin sa school noon. Kahit na medyo kalog at madaldal yan, mahal na mahal ko yan dahil walang itinatagong sikreto yan sakin ni katiting, hindi nya ako iniiwan sa ere at lagi syang nandyan para saakin. Kaya parang magkapatid na ang turingan namin. Wala man sa dugo asa puso naman:))
Balik tayo sa pinaguusapan natin hehe sumagot na ako sa kaya..
" eh kasi.. hinahanap ko si Kenneth, sabi nya kasi magkita daw kami sa basketball court eh wala naman siya dun. Kaya naisipan kong hanapin siya dito sa campus."
"Eh baka naman nambababae na yon?!" Sagot ni Kaylie sakin habang naka taas ang kilay
"Bess, Kaylie, alam kong hindi ako lolokohin ni Kenneth, dahil mula nung naging kami nagbago na siya sa pagiging play boy nya."
"Sigurado ka bang nagbago na sya? Baka naman mabait at maamong Kenneth pag kaharap ka nya pero pag talikod mo, parang aso na nakawala sa kulungan?-______-" ever since talaga tong si Kaylie ang NEGA NA NGA OVER PROTECTIVE PA!
"Ano ka ba?! Hindi siya ganun! Bahala kang mag isip ng kung anu-ano, basta ang alam ko HINDI SYA GANUN!" Nakooo! Na kakajibloooooood ka bess>.<
"Taray naman neto! Oo na oo na chill lang! Alam mo naman kasi na ayaw kitang masaktan mahal kita e (pwee!) hahaha ikaw ah! Puro positive ang pinupuna ah!>:) HAHAHA oh sya! Tara na nga at puntahan na natin ang MABAIT mong boyfriend."
Sabi nya sabay hatak saaking kamay. Loko talaga to! Talagang inemphasize nya talaga yung mabait, minstan talaga naisip ko kung best friend ko ba talaga sya o hindi! Hahaha oh quiet lang ah!:)
Sa pagkatagal tagal ng paghahanap namin, nahanap rin namin siya sa wakas! Alam nyo kung saan? Nandun lang naman sa garden ng school namin at nakaupo sa isa sa mga bench.
"Andyan lang naman pala! oh sya, makaalis ns nha at baka makasira pa ako ng moment nyong dalawa. Bye siiiis!:)" sabay beso saakin at kumaripas ng takbo paalis.
Habang ako ay naglalakad papalapit sa aking boyfriend, sya ay aking tinitigan, Ang swerte ko pala dahil siya ang naging boyfriend ko. Sa dami dami ng babaeng lumalapit at nagkakagusto sakanya , ako ang napili nya. Sana lang siya na ang makasama ko paghabang buhay.
"Sweetheart ko...."
Naputol ang pagmumunimuni ko ng tawagin nya ako. Ako ay tuluyan nang lumapit at umupo sa tabi nya.
"Kanina pa kita hinahanap ah.. Sabi mo kadi saakin sa basketball court tayo magkikita, eh wala ka naman doon:( tapos di ka man lang nagtetext o tumatawag man lang .:((((" sabi ko habang nakapout.
"Sooooorrrrry, hindi ko kasi alam na wala pala kaming practice ngayon." Sagot nya..
" eh hindi ka nagtext man lang o tumawag para naman hindi ako nagmukhang tanga na hanap ng hanap sayo.."
Inis na ins talga ako sakanya ngayon. Biruin nyo? Hindi man lang nagtext o tumawag sakin para lang sana iinform ako na wala pala silang practice!-______-
"Halaaa, sorry na.. I left my phone at home that's why I could not give you a phone call o text message... SORRY NA BAAABE.." Sabay yakap saakin ng mahigpit..
"Haaaaaaaaaay! Okaaaay!:) apology accepted. Kung hindi lang kita mahal e!" Kinikilig naman daw ako charaaaaught:">
"sabi na nga ba e! Hindi ako matitiis ng Sweetheart ko!" Sabi nya..
"sweetheart ko ka dyan! Tigil tigilan mo nga ako! Quit calling me "Sweetheart ko" its soooo baduuuyyy and so jeje!>.<" sabi ko habang nagcocomplaaain haha.
" Eh pano kung ayaw ko? :P ang ganda kaya! Sweetheart ko, sweetheart ko.. Sweeetheart ko!:">" sunod sunod nyang tawag saakin habang natatawa.
"I HATE YOU!!!>/////<"
Naiinis nanaman ako sakanya! Tumayo ako bigla at nag lakad. Hindi pa ako nakakalayo ng bigla niya akong hinila sa kamay kaya malapit yungmukha namin sa isa't isa.
"ILOVEYOUMORE.." Bulong nya saakin sabay halik sa labi ko. Bigla naman akong natulala sa sinabi at ginawa nya kaya hindi ko namalayan na nakatakbo na pala sya papalayo saakin habang tawa ng tawa dahil siguro sa expression ng mukha ko.
Bigla naman akong namula "Humanda ka saakin! Nakascore ka nanaman ah!"
"Catch me first!:P before ka bumawi saakin:P " sabi nya habang tumatakbo padin at patuloy parin ang pag halak ."
"HUMANDA KAAAA SAKIIIIN!" Sabay habol sakanya
SANA LAGI NALANG GANTO....
End of chapter one...