KENNETH'S POV
Linggo na at walang pasok, walang araw na hindi ko iniisip si Aniya. Nagaalala na ako dahil hindi ko parin sya nakikita sa school. Hindi ko na alam kung anong nangyari sakanya.. I MISS HER SO MUCH.. :'(((( kung hindi sigurao ako nakipagbreak sakanya, sana kami parin ngayon.. walang inaalala, walang pinoproblema.. lagi lang kaming masaya.. totoo nga ang sinasabi nila na "nasa huli ang pagsisisi.." ARRRRRGHH!! Ang gago ko talaga! Tama si Kuya! Hindi lahat ng desisyon ay tama! SHIIIIT!!! >.< HUUU!!! obvious naman talaga diba? :'( nagsisisi ako! :( Lagi nalang akong nagcluclub tuwing linggo para makalimot.. gaya ngayon, nagaya ang mga kabarkada ko, kaya ito ako ngayon.. pupunta .. para makalimot..
tinext nila ako na nandun na raw sila sa club kaya nagmadali akong naligo at nagbihis. Pababa na sana ako para magpaalam kay Kuya kaso narinig kong may kausap siya..
"Babe, ingat ha? alam kong hindi kayo diyan magtatagal, I'll be waiting for you here okay? " sabi ni kuya. Alam kong si Ate Riona yun. Hindi ako makikita ni kuya dahil nakatalikos sya sa gawi ko.
"Sana maalala nya ang lahat babe, Okay , bye babe take care.. stay strong for her okay? I Love You!" sabi ni kuya at binaba ang phone call. sino kaya yung tinutukoy ni Kuya na sana maalala nya ang lahatr? At bakit hihintayin daw nya si Ate Riona? Alam kong Stewardess si Ate Riona pero sanay naman si Kuya dun ah? Tska every other day naman nandito si Ate Riona ?
"K.....Kanina ka pa dyan bro? " nauutal utal na sabi ni kuya
"Ah? hindi kabababa ko lang. Mukha yatang may kausap ka kanina kuya? sino yun?"tanong ko
"Ay, si Ate Riona mo yun" sabi nito at biglang iniba ang usapan
"San pala ang punta mo? Bat ka nakaporma?" tanong ni kuya
"Magpapaalam sana ako kuya, kung pwedeng mag club saglit. saglit lang naman e?" sabi ko
"Sige saglit lang yan ah? may sasabihin ako sayo pag balik mo ." sabi nya at dumere derestyo sa kwarto nya.
Ano nanaman kayang sasabihin nun? haaaay! Bahala na nga! Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa sasakyan papuntang club.
Magaalas dose na ako nakauwi ng bahay, medyo nakainom rin ako kaya dumeretsyo na ako asa sa kwrato ko. Hindi na akong nagabala pang pumunta pa kay kuya para malaman yung sasabihin nya... sasabihin naman nya siguro yun bukas..
Kinabukasan. 7 am na ako nagising kaya okay lang, hindi pa naman ako malalate. Bumangon na ako para puntahan si Kuya, ,may sasabihin daw sya saakin kagabi kayalang hindi ko na sya pinuntahan, medyo nakainom kasi.
kakatok na sana ako ng biglang nagsalita si Manag Aleng,
"Ay sire, wala po diyan ang kuya ny, maaga syang umalis kanina may pupuntahan daw kasi siya." sabi ni Manang Aleng
"Ay sige po Manang Aleng, salamat po." sabi ko
Saan kaya pumunta si kuya? HAAAAY! Makaligo na nga lang at ng hindi malate, mababawasan kagwapuhan ko nyan! pag malalate ako! HAHAHA :P
Pagkarating ko sa school dumeretsyo ako agad sa basketball court para mag practice lang saglit, maaga pa naman, 8:30 kasi ang time namin. Nandun na rin si Darren, nagprapractice
"Uy dude! aga ata nating pumasok ah?" sabi nito habang nakatoon ang tingin sa ring para mag shoot.
"Napaaga ng gising eh. " sabi ko. napalingon naman siya sa gawi ko pero sa ibang direksyon sa nakatingin,
<mukhang maoaoaaga din ang pagpunta mo ng clinic bro." sabay nguso nya sa direksyon kung saan siya nakatingin.
lumingon naman ako sa tinuturo nta at nakita ko si Kaylie na nakatayo sa may pintuan at parang galit na galit ang aura nya. Napansin nya siguro na nakatingin ako sakanya, kaya lumapit siya saakin....
* BOOOOOOOOOOOOGSH!*
nabigla ako sa ginawa nya. Ang sakit nun ah! kababaeng taon alam manuntok!
"Sa pang gagago mo kay Aniya."
*BOOOGSH!*
"Sa hindi mo pagtupad ng pangako mo"
*SLAAAAAP!*
"At ang huli, sa hindi mo pagpigil kay Aniya na umalis ng bansa." sabi nya habang hindi ako makapagsalita dahil sa sunod sunod nyang pagatake.. ng sampal at suntok....
" MANHID KA NGA TALAGA AT MANGGAGAMIT!! KAYA KA NATURINGAN NG PLAYBOY!! MINAHAL KA NYA KENNETH ! PERO GINAGO MO LANG SIYA! SANA DUMATING YUNG PANAHON NA HINDI KA NA NYA MAKILALA!!" sabi niya habang sumisigaw at umiiyak.. at umalis papalayo saamin
"Uy dude, may mga sugat ka oh. babae lang pala katapat mo." natatawang sabi ni Darren pero di ko pinansin yun.
"Anong sinasabi ni Kaylie na hindi ko pagpigil kay Aniya umalis?" tanong ko kay Darren
"Huh? hindi mo alam? lumipad na sila Aniya at ang ate nya patungong Austrailia pero hindi nila sinabi kung anong dahilan ng biglaang pagaalis nila " sabi nito.
Biglang nanlambot katawan ko na para bang naiiyak. Matapos ko syang ibreak... tapos ngayon manghihinayang pa ako kung bat hindi ko nalaman yun kaagad ? Ang gago ko talaga!
"SHIT! SHIT! SHIT!" Sabi ko sabay talbog ko ng malakas sa bola.
"Uy dude, chill, wala na tayong magagawa, kahapon pa sila umalis." sabay pat nya ng balikat ko
" dude? bakit ganun? ito na ba ang karma ko? mahal ko pa rin sya dude eh! sana sinabi ko nalang yung totoo ..." naihilamos ko nalang ang mga kamay ko sa mukha ko.
" Ang ipinagtataka ko lang, bat hindi mo alam? eh sa kuya mo nga namin nalaman yun eh. " sabi nito
"kay.. k...k...kuya?" nauutal kong sabi.
Bigla akong nakaramdam ng galit kay kuya.. kung sinabi nya kaagad eh di sana napigilan ko pa ang pagalis nya...
tumakbo ako bigla , hindi ko na pinansin si Darren..
" Uy pre, malapit na ang time natin.." dirediretsyo lang akong pumunta sa parking lot at agad na sumakay sa sasakyan ko at mabilis itong ipinaandar...........