CHAPTER ONE
Stacey's POV
"Class Dismiss." -Ms. Cruz
Nagsitayuan na ang mga kaklase ko at syempre magpapahuli ba naman ako? Naghihintay ang aking love of my life sa labas...
"Hi Stace." ani ni Wade Sabay ngiti ng napakatamis.
"Hi. Kamusta class?" Tanong ko sa kanya.
"Ayos Lang. Alam mo ba nantrip na naman Sina Ramulte! Biruin mo nilagyan ng bubble gum ung upuan ni Mr. Gavyu. Tatlong bubble gum pa ata. Tsk Tsk. Grabe." kwento niya.
"Hahahahahaha. Parang ewan talaga yun. Wala na talagang magawa sa buhay." Sagot ko.
Tumawa na Lang siya habang iiling iling.
Lumakad na kami papuntang tambayan na magkahawak kamay. Ang sweet Lang.
Nga pala, ako si Stacey Buenaventura. 3rd year college student. Average Lang ang pamilya namin at ganun na din sila Wade. Nagkakilala kami nung grade 7. Naging magbarkada muna kami nung una pero nung grade 12 na, umamin na din siya. Ginawa niya yun Mismo nung nag spispeech ako. Yep. Nag speech ako dahil ako ang pinaka matalino sa batch namin. Naks naman diba. Pero! Susunod siya sa akin. Matalino din kasi si wade.
Bago ako bumaba ng stage biglang may humarang sa akin at May Kung ano ano akong Narinig Tulad ng "He loves you 'coz you make him smile even if He's in a very bad mood." "He loves you because you are cool." "He loves you because you care." at madami pang He loves you because... Pero ang pin aka nagpakilig sa akin ay yung huling estudyante na nag sabing "He loves you and will love you even if you don't have those qualities, he will love you even if you are a bad girl, or the worst girl made."
Mukha nga Lang akong tanga habang may mga nagsasalita nung ganyan kasi nakanganga ako buong magdamag. At, bigla na Lang lumabas si Wade at sinabing, "I love you because I love you." At dahil pakipot ako kahit gusto ko siya nagtanong pa ako.
"Mahal mo ako dahil ano pa?" Humalukipkip ako at nag taas ng kilay. Tumawa siya ng mahina...
"bakit mo ko tinatawanan?"
Naiinis na tanong ko kasi naman diba nasa harap kami ng buong batch at nangyayari Ito. Buti na Lang mukhang kinikilig yung principal. Hahaha..
"E kasi isa din yan sa nagustuhan ko sayo, mataas ang pride kahit na gusto din naman ang nagyayari?" bumaba niya muna ang mic bago iyon Sinabi. Aba't ang kapal naman ng face niyo??
"TSS. Manligaw ka muna!" Sigaw ko sa kanya.
"Huh? Tinatanong ba Kita Kung gusto Kita maging girlfriend?" Tumatawang sambit niya.
Namula ata ako nun sa kahihiyan pero binawi naman siya agad.
"Pero sige liligawan Kita dahil matagal na kitang love."
At dun na nga nagsimula ang love story namin ni Wade.
"Hoy! Babaeng maganda!" Nagising ako sa pag aalala ng wonderful memories nung Narinig ko ang boses ni ramulte.
"Hoy ka din Robin Espacio Ramulte! Bakit ba?" Sigaw ko sa kanya. nakarating na pala kami sa tambayan.
"Ano ba! Sabi nang wag mo sinasabi yung Espacio eh! Ang baho nung pangalan kong yun. Hoooh! Pero, wag mo ibahin usapan! Ano na naman ba yang iniisip mo ha?" -Espacio. hahaha.
"Inaalala nanaman niya ang panliligaw ko sa kanya." Wade habang tumatawa.
"Kainis to. E sa kinikilig pa rin ako eh!" Sabi ko Sabay palo ng pa biro sa braso niya.
"Haaaaaaay. ang love birds naglampungan na naman sa harap ko. Kailan kaya ako magkakaroon ng babaeng ganun. Noh pre?" Pa dramang sabi ni ramulte.
"Ayusin mo kasi buhay mo! Puro kalokohan!" Sabi ni Wade.
"Oo nga naman. Tsk tsk." Gatong ko.
"Oo! At tsaka, maging gentleman ka naman pre." Napalingon kami sa nagsalita.
"O, andito na pala kayo. Kumpleto na tayo, Chavesz." Sabi ni Wade.
Dumating na Sina Reighven Chavesz at Troy chua, mga notorious playboy ng group namin. Kasama nila ang iba pa naming kaibigan na Babae na si Cherry at Loulou.
"Haaaay. Gatungan pa ng mga to!" Sabi ni ramulte Sabay tayo at batok kina reighven.
----------------------------------
NOTE: Let's keep it light guys. :)