Chapter One

59 2 0
                                    

"Walangya kang babae ka. alam mo ng may Asawa tapos, ano?  lalandi-landi ka jan sa kanto? ! Ha? "

*PAK*

Ang sakit sakit na ng katawan ko. Kanina pa ako binubugbog ni Alex. pero parang wala lang sakanya. Iyak ng iyak na lang ako dito habang nakatungo pababa at nakasandal sa may pader kung saan ako isinipa ni alex.

Di rin ako makaimik dahil mas lalo lang itong magagalit. kaya pinili ko nalang na wag umimik.

"Di kana ba nakuntento na ako nga nilandi mo na tapos lalandi kapa jan. Bwisit" Pagkatapos niyang bigkasin yon e, bigla nalang akong nakaramdam ng matinding sakit sa may bewang ko, dun ko lang nalaman na ibinato niya saken ang isang pinakamakapal na encyclopedia na nakadisplay dun sa mesang katabi ng kinatatayuan niya.

Hindi ko na kaya ang sakit ng katawan ko. Kaya tutunhay na sana ako para pigilan siya pero naunahan na niya akong paharapin sakanya. sa paraan paghila ng buhok ko patalikod ng malakas kaya muntik na akong makahiga.

"HOY IKAW SHANA HA! SUBUKAN MO LANG LUMANDI ULIT KUNDI HINDI LANG ITO ANG MAKUKUHA MO!  NAINTINDIHAN MO?" dinuduro-duro niya pa ako habang nagsasalita na kulang na lang ay pumasok ang hintuturo niya sa mata ko. Di ko na mapigilan ang humagugol nalang habang sinasabi niya yun.

"A-alex t-tama na nas-sakta--" *Pak*

Di pa man ako natapos sa pagsasalit ay nakatangap na ako ng isang malutong na sapak galing kay Alex.

"ANO HA? MAY REKLAMO KA? PESTE! UMALIS KANA NGA AT MAGLUTO NG HAPUNAN." sinipa niya ako sa may bandang tuhod atsaka umakyat na sa kwarto.

Habang sinusubukan kong tumayo ay di ko mapigilang umiyak ulit ng dahil sa sakit ng buong katawan ko. Sa palagay ko nga e namamanhid na ang mukha ko dahil sa mga sampak na natatangap ko galing kay Alex.

Pero kahit na sobrang sakit na pinilit ko paring tumayo at lumakad papuntang kusina upang magluto. Hindi ko rin naman kasi siya kayang pabayaan dahil Mahal ko yun kahit ganon trato niya sakin.

Nagluto ako ng Afritada dahil alam ko na isa yun sa paborito nyang pagkaen kahit di niya man sabihin yun e halata naman. Napangiti na lang ako bigla sa tuwing naaalala ko ang mukha niya nung unang ko siyang paglutuan ng afritada. Para siyang isang bata na nabigyan ng lollipop sa saya. Pero pagnagtatagpo ang mga mata namin ay iniirapan niya lang ako.

Nung matapos na akong magluto ng ulam at kanin gumawa na muna ako ng Iced tea atsaka siya tinawag para kumain.

"A-alex, ka-kain na"

Hindi ko na siya hinintay bumaba at nauna na ako. Pero dahil nga sa sakit ng katawan ko e paikang-ikang akong bumaba kaya naunahan niya parin akong bumaba papuntang dining area. Noong nagkasabay kami sa hagdan narining ko pa siya nag bumulong "Tch. Bagal bagal"

Pero binalewala ko na lang yun at pumunta na ng Dining area. Kumain lang kame ng tahimik at buti naman di siya nagreklamo sa pagkain. Alam kong nasarapan siya dahil kung hindi kanina pa yan mag babayolente. Kame lang ni alex ang nakatira sa mansyon na ito kaya walang ibang nakakaalam sa pinagagawa sakin ni Alex.

Masakit man e tinitiis ko na lang dahil alam ko namang kasalan ko rin kung bat siya nagkaganyan. Pero di totoo yung pinagsasabi niya na lumalandi ako kanina sa kanto, ang totoo nga nun ay bumuli lang ako ng isaw tsaka fishball sa kanto mga paborito ko yung pagkain. at sakto naman na lalaki ang nagbebenta. nakita niya lang siguro akong nakipag usap kay kuya na ay akala niya ay nilalandi ko na ito.

Oo mayaman kami pero ganun ang mga paborito kong pagkain mga StreetFoods. Di naman porket mayamam e di na pwedeng kumain ng ganon dba?

"Tapos na ako. pumunta kana agad sa kwarto pag katapos mo jan wag ka nang lumandi pa" saad ni Alex. Nasaktan ako dun sa huli niyang sinabe. ganun na ba talaga siya kawalang tiwala sakin?

Di ko na gumawang magsalita pa, binigyan ko nalang siya ng isang tango bilang sagot.

Pagkatapos ko hugasan lahat ng pinagkainan namin umakyat na ako sa kwarto upang matulog. Sana nga tulog na si alex para di na maging awkward pag pumunta na ako sa kama dahil sa nangyari kanina.

Pagbukas ko naman ng pintonay lakng pasasalamat ko nung nadatnan ko siyang natutulog na sa kama. Pumasok nalang ako sa kwarto ng walang imik atsaka na higa. Bago pa man ako matulog ay may sinabi muna ako sakanya kahit alam kong tulog na siya, buti narin yun.

"GoodNight hubby, sweetdreams! I love you *muah* "

Halos, gabi gabi ko yan sinasabi kapg tulog siya. oo, hubby tawag ko sakanya pag gising lang yung Alex. Hihi!  at hinahalikan ko rin siya bago ako matulog pero sa Noo lang naman. Di ko namalayan na unti-unti na pala akong nakatulog habang nakangiti.

Regretful MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon