Chapter Three

31 2 1
                                    

Alex POV

"Thania.."
I gasped. Nakagising ako sa sikip ng naramdaman ko sa dibdib ko. Ewan ko nga ba kung totoo yung napanaginipan ko. Si thania. ang aking mahal at aking minamahal. Napakasamang panaginip iyon dahil nasaksihan ko ang pagpatay sakanya. Ngunit di ko nakita kung sino ang walanghiyang pumatay sakanya.

Napatingin ako sa paligid ko. Nandito na ako ngayon sa kwarto namin ni tathiana. Ewan ko kung paano ako nakarating dito gayon ang natatandaan ko lang ay biglang nandilim ang paningin ko at natumba sa sahig.
Wala narin dito sa kama si tathiana, nasa baba na siguro gumagawa ng alamusal dahil kundi mabubugbog ko nanaman iyon.

"Tathiana!!" Sigaw ko. Baka naman kasi tumakas na iyon, papatayin ko talaga yun.

"Nandito lang ako sa kusina, tatawagin nalang kita pag handa na, malapit na" Di ko nalang pinansin at pumunta nalang sa cr para maligo na. Nag ayos na ako ng sarili ko para pumunta na ng trabaho. matapos kong maghanda, pumunta na ako sa dining area para kumain ng almusal.

"Oh nariyan kana pala. sakto, tapos na rin. kumain kana at nang di ka malate sa trabaho mo" umupo nalang ako sa upuan at di siya pinansin. Pero pansin ko rin na habang naglalakad siya ay umiikang-ikang, nang dahil siguro iyon sa pagbubugbog ko sakanya kahapon. Buti na rin sakanya yan. psh! Ang landi-landi kasi..

Matapos kong kumain, tumayo na agad ako sa lamesa at pumunta sa may sala upang kunin ang case ko. Kailangan ko nga palang di magpa-late ngayon dahil baka madami ng mga patiente ang naghihintay sa clinic ko. Oo doctor ako! Nung una ayaw ko namna talaga sa trabaho na to e pero dahil kay papa ay kailangan. Papatayin ako nun pag di ko siya sinunod, takot ko nalnag at kung mamatay ako gusto ko mamatay muna si tathiana.

" Wag na wag kang magtatangkang tumakas o umalis ng bahay na ito dahil pag nahanap kita, papatayin na kita" pagbabanta ko sakanya. Seryoso ako sa sinabi kong iyan pero ewan ko nga ba kung balit ngumingito pa itong babaeng to.binawale-wala ko na lang iyon at tumalikod na papuntang kotse.

Mga 30 minutes lang naman ang byahe ko papunta dun pag may heavy traffic pero mga 20 mins. naman pag light traffic lang.

"GoodMorning Doc Alex *wink*" Binati agad ako ng sexy kong secretary pag dating ko sa clinic. Malaki ang hinaharap niya, sexy yung katawan, malaman ang pwet at ang iksi ng ginagamit na palda, isa rin yan sa mga rason kung bakit gusto kong magtrabaho nalang kesa dun tumira sa bahay na iyon.

Hinawaka ko ang pwet niya at pinisil pa ito. "Come with me baby" Binulungan ko siya gamit ang mapang-akit na tono ko. Dumiretso akong lumakad sa loob ng clinic sa may table ko, pansin ko rin na sumasabay siya sa akin. This is gonna be a hot morning *Grin*

~~~

TATHIANA's POV

Paggising ko, masakit parin ang aking buong katawan halos di ko kayang tumayo mula sa kama pero kinakailangan kung ayaw ko pang madagdagan ang sakit ng katawan ko. Mga 4:30 am palang bumangon na ako dahil madami pa akong gagawin.

Nung gumalaw ako, halos di ko kayanin ang sakit pero napatigil ako ng may naramdaman ako sa tabi ko. Si alex pala. Naka-uwi na pero amoy alak parin siya. Di ko rin namalayan kung anong oras siya dumating kagabi pero naramdaman ko ang pag-alis niya. Usually kasi mga 5 am pa siya dumadating ng bahay pag umaalis ng gabi. Dun lang yan kina Rex tatambay pero ngayon na-umagahan ata.

Hinaplos-haplos ko ang mga strands ng malalambot at mababangong buhok nito. Oww How I love his hair. I used to run my fingers on his hair when he's sleeping because that's the only chance I have. Pero di ko na pinatagal iyon dahil baka magising ito mag-wala na nanaman.

Tumayo na ako ng kama at naglakad papuntang banyo. Naglalakad ako sa tabi ng mga ding-ding para may suporta ako sa paglakad dahil baka anytime ay matumba ako.Nakarating naman ako ng banyo ng matiwasay. Pagpasok ko sa banyo ay sinimulan ko ng hubaran ang katawan ko. Nang matanggal ko na lahat ng suplot na gamit ko ay napatingin ako bigla sa may salamin sa banyo at nakita ang katawan ko na puro mga bugbog. Nagvi-violet narin ang mga kulay neto. Pati sa mukha ko may mga pasa rin dahil sa mga suntok at sampal na galing kay alex. Pero kahit araw-araw niya pa akong saktan di pa rin ako titigil sa pagmamahal sakanya.

Tinapos ko na ang gagawin ko sa banyo dahil pagkatapos nito madami pa akong gagawin sa bahay.


Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako tsaka bumaba. Tulog parin si alex pero di ko na ginambalang gisingin. Nauna akong pumunta ng sala para linisan iyon. Nandito parin ang mga basag na vases at picture frames na tinapon kahapon ni alex dahil sa galit. Pagkatapos ko sa sala ay sinunod ko na ang iba't-ibang parte ng bahay.


Matagal-tagal din akong natapos mag linis ng bahay dahil sa mga maliliit na basag na natapon sa mga gilid. Pagkatapos ko sa paglilinis ay pumunta na ako ng kwarto para i-plantsa ang mga damit na gagamitin mamaya ni alex sa trabaho. Masakit parin ang katawan ko lalo na sa my likuran.

Pag bukas ko ng wardrobe niya may nakita akong damit na pambabae pero di naman saakin.


Eto siguro yung mga damit ng mga babae na pumumunta rito na kasama niya, naligo lang siguro. Oo tama shana naligo lang! Wala silang ibang ginawa.. Binawale-wala ko na lang iyon at kinuha na ang damit ni alex.  Natapos rin naman akong magplantsa agad.

Bumaba na ako upang magluto ng breakfast ni alex.  Bacon at friedrice ang madalas niyang kainin pag breakfast kaya iyon na ang niluto ko ngayon. Dinagdagan ko lang iyon ng Hotdog at itlog tsaka plain rice. Baka kasi magbago siya ng kakainin ngayon.

"Tathiana!!" Narinig kong sigaw ni alex mula sa ibaba marahil ay gising na iyon. Binilisan ko na ang pag luluto para di na siya malate sa trabaho niya.

"Nandito lang ako sa kusina, tatawagin nalang kita pag handa na, malapit na" Sagot ko naman dahil baka magalit iyon pag nalaman niya wala ako rito. Pagkatapos kong magluto ay tatawagin ko na sana siya pero nakita ko na bumaba na rin siya

"Oh nariyan kana pala. sakto, tapos na rin. kumain kana at nang di ka malate sa trabaho mo"  Pero di niya ako pinansin at kumain na lang. Nakita kong bacon lang din at fried rice ang kinain niya. Di paron nagbabago, simula palang noong 3rd year highschool kame ay yan na ang napapansin kong kinakain niya tuwing umaga. Simula ko palang nun siyang makita ay naging Crush ko na rin siya pero sa kakambal ko siya nagkagusto. Oo aaminin ko , nasaktan ako pero masaya na ako para sakanila.


Nawala ako sa pag-iisip ko ng nakita kong umalis na nag mesa si alex, tapos na rin siyang kumain. Kinuha niya na ang case niya at umalis ng bahay. Pero bago iyon ay lumapit muna siya sakin "Wag na wag kang magtatangkang tumakas o umalis ng bahay na ito dahil pag nahanap kita, papatayin na kita" Pagbabanta niya sakin. Napa-ngiti na lang ako. ewan ko kung bakit, nababaliw na siguro ako kay alex. Tuwing umaalis siya ay sinasabi niya iyan. Sanay na ako kaya di na ako masyadong natakot pa. "Bye alex. Mag-ingat ka" Pahabol ko nung tumalikod na siya papuntang kotse niya, di ko alam kung narinig niya ba iyon o hindi basta nasabi ko iyon. Masaya na ako!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Regretful MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon