P.s "Wala talaga itong pamagat haha pasensya na. Nawa'y magustuhan niyo ang pinakaunang tula na aking ginawa at ilalathala "
-------
Ito ang unang pahina ng kanyang tula.
Sa isip na puno ng imahinasyon ay may koleksyon ng mga salita na nais makawala na mayroong tugma at ito ay ang malayang tula.Sa isip na puno ng imahinasyon ay may koleksyon ng mga salita na nagtatanong, nagtataka, at nagpapaintindi na nagsasabi.
Ano, bakit, kailan, paano saan
Mga katanungan na umiikot sa aking isipan na di mawari ang kasagutan.Ano bakit kailan paano saan
Ano nga ba ang kahulugan ng aking buhay
Bakit ang kasalanan ay lagamak sa aking katawan
Sandamakmak ang nagagawang kasalanan
at ang puso ay napupuno na ng karumihan.
Kailan maiisipan na kailangan ng ihinto ang lahat?
Kapag ba ang listahan ng iyong kasalanan ay malapit na sa hangganan.
Kapag ba ang kaparusahan ay nar'yan na sa iyong harapan.
Kapag ba huli na ang segundo, minuto at oras,
At tuluyan na ngang mawawala ang ilawan sa yong' madilim na landas.
Paano makakamtan ang pagbabago.
Kung sa bawat paglago naryan ang tukso.
Saan hahanapin ang ako. Ito nga ba talaga ako.
Ang laging gumagawa ng likoMinsan sumagi sa aking isip.
Ayoko ng mabuhay
Minsan ayoko ng mabuhay sa buhay ... Na wala namang buhay
Lupaypay na ako
Nakahandusay na espirito
Gusto ko ng huminto...At natapos ang takip silim
At May instrumentong dumating
Hindi bagay, hindi hayop, hindi pangyayari
Kundi tao. Taong nagpawari sa akin ng kahalagahan ng bautismo
Taong ginamit upang mapalapit ako kay kristo
Taong ginamit upang magkaroon ako ng banal na espirito.
Oo, Dumating din sa punto na akoy naging masaya
Yung totoong maligaya dahil sa kaniyang pagpapala.Kung saan ang datiy lupaypay na ako.
Ay ngayoy nagagalak na ako.
Dating nakahandusay na espirito.
Ay ngayoy nagpupuspus na espirito
At ang dating gusto ng huminto.
Ay di na nais sumuko.Naapuhap ang iyong kalooban
Nabatid ang iyong karunungan
Sa banal na kasulatan
Lakbayin ko ay iyong tinuruan
Iningatan at sinamahan
At kailan may di pinabayaan...Nagpasan ng sariling krus
At ikay panginoon aming sinunod
Pero bakit po ganon
Dumarating din ang oras na kamiy natitisod. Kaya't sa bawat pagluhod,habang ang puso ay malinis pa. Habang ang tukso ay malayo pa. Panginoon hinihiling na sana ikaw ay magbalik na. Magbalik na habang ang aming espirito ay malakas pa.
Habang ang iyong salita ay nananatili pa.
Habang ang bulong ng masama ay naiiwasan pa.
Habang ang kasamaan ng sarili ay unti unti ng nawawala.At aking napagtanto paano ang pamilya ko.
Paano ang kaibigan ko.
Paano ang mga minamahal ko at isang bata na minsan din nagtanong at naghanap ng kaligtasan katulad ko.
Paano yung mga maiiwanan sapagkat sa iyong pagbabalik di pa nila batid ang kaligtasan.At aking napagtanto na kailangan mong bumangon sa isang kanto.
Hindi mo kailangan manatili sa minsang pagkatisod mo.
Hindi iyan ang kahulugan ng buhay mo.
Magpatuloy ka at gawin ang kalooban niya.
Sapagkat ang pag ibig niya at pag ibig mo ay pinag isa.
Ang pag ibig niya at pag ibig mo ay tunay at walang makakapaghiwalay.
Ang pag ibig niya at pag ibig mo ay hindi aksidenteng pinagtagpo
Ang pagbabago mo. At ng puso mo ay kasama sa plano ng Diyos sa kwento mo.-To God be the Glory.
![](https://img.wattpad.com/cover/169495701-288-k956055.jpg)
YOU ARE READING
Spoken word poetry
PoezjaPipiliting magtugma ang bawat salita Sa pahina ng kwento Ng pusong nais makuntento Tumuklas, maglakbay at matuto Sa mundong puno ng panloloko.