TRIGGER WARNING: Animal cruelty, murder
"MINGMING? Mingming? Where are you, Mingming? Come out wherever you are. I have something for you. Mingming..."
Halos maubos na ang pasensiya ng sampung taong gulang na si Cindy sa paghahanap ng pusang si Mingming na alaga ng isa sa mga kasambahay nila. Kulay orange at white ang pusang iyon. Halos kalahating oras na rin siyang naghahanap sa pusa sa buong bahay nila pero hindi niya talaga ito matagpuan. Medyo nahihirapan din siya dahil sa laki ba naman ng bahay nila na parang mansion na.
Si Cindy o Cinderella Locsin ay ang nag-iisang anak ni Don Amado Locsin na may-ari ng mga chains of gas station sa Pilipinas. Ulila na siya sa ina dahil namatay ang nanay niya dahil sa komplikasyon nang siya ay ipinanganak. Kaya naman lumaki si Cindy na hindi man lang naramdaman ang pagmamahal ng isang ina. Tanging ang mga kasambahay ang madalas niyang kasama dahil sa masyadong abala ang daddy niya sa negosyo nila. Gusto kasi nito na ito talaga ang nagpapatakbo niyon kesa sa ibang tao. Hands on ito masyado sa kanilang negosyo na siyang dahilan kung bakit niya tinatamasa ang maalwang buhay.
Dahil sa nag-iisa lang na anak si Cindy ay spoiled siya sa daddy niya. Lahat ng gusto niya ay ibinibigay nito. Sa murang edad niya ay napuntahan na nga niya yata lahat ng bansa sa mundo dahil sa mahilig talaga siyang mag-travel. Iyon nga lang, minsan lang siyang masamahan ng daddy niya dahil sa negosyo nila. Madalas ay kasambahay pa rin ang kasama niya.
Sa ngayon ay nag-aaral si Cindy sa isang private school na tanging mayayaman lamang ang nakaka-afford. Lahat naman ng best ay ibibigay ng daddy niya sa kaniya.
Hindi rin lingid kay Cindy na maganda siya. Namana niya ang kaniyang ganda sa namayapa niyang ina na isang half-Spanish. Mestisa si Cindy at natural na namumula ang kaniyang pisngi lalo na kapag naiinitan. Ang buhok niyang kulay kape ay diretso at ang haba niyon ay umaabot sa kaniyang balikat. Mapula ang labi niya at matangos ang ilong. Bahagyang malaki ang mata niya na binagayan ng malalantik na pilik-mata. Marami ang nagsasabi na kapag nagdalaga na siya ay papasa talaga siyang model o hindi kaya ay isang artista. Pero hindi na naman niya kailangang maging artista o model. Kahit hindi siya magtrabaho buong buhay niya ay mabubuhay pa rin naman siya.
Patuloy pa rin si Cindy sa paghahanap sa pusang si Mingming. Kapag ganito kasing walang pasok ay nasa bahay lang siya. Wala siyang kalaro kaya kung anu-ano na lang ang naiisip niyang gawin. Hanggang sa mapunta na siya sa maid's quarter. Tiningnan niya isa-isa ang ilalim ng mga higaan doon pero hindi niya nakita ang hinahanap na pusa.
Huminto si Cindy sa tapat ng isang aparador. "Okay. Kapag wala pa dito ang lecheng cat na iyon, pupunta na lang ako ng mall!" Nakatirik ang mata na sambit niya.
Marahang binuksan ni Cindy ang aparador at napangiti siya nang makita niya sa loob ang pusang hinahanap. Nanginginig itong nakasiksik sa isang sulok habang nakatingin sa kaniya. Halatang takot na takot ang pusa nang makita siya. Bulag ang isang mata ng pusa dahil sa nakatuwaan niyang tusukin iyon ng toothpick nang ma-bored siya.
"There you are! Kanina pa kita hinahanap, Mingming!" Hindi mapalis ang ngiti niya.
Yumukod si Cindy at dinampot ang pusa sa batok nito. Itinapat niya ang pusa sa mukha niya. Napalis ang ngiti niya. "Are you hiding from me? Sinadya mo ba akong taguan na pusa ka?!" Ngumiyaw lang ito na parang nasasaktan. "Dahil diyan, kailangan mong parusahan, Mingming. You're a bad, bad cat!"
Pinalo pa niya ito gamit ang isa niyang kamay sa katawan.
Bitbit ang pusa ay lumabas na siya ng maid's quarter. Sa main door siya dumaan para makalabas ng bahay. Pupunta kasi siya sa likod ng kanilang bahay kung saan merong garden at balon na minsan ay pinagkukunan ng tubig kapag nagdidilig ng halaman ang mga kasambahay nila sa garden. Malilim doon dahil may mga puno ng mangga. May daan naman sa kusina nila papunta sa likod ng bahay pero hindi siya pwedeng dumaan doon. Abala na kasi ang mga kasambahay nila sa pagluluto ng tanghalian at siguradong makikita siya ng mga ito na dala si Mingming. Alam na kasi ng mga ito ang gagawin niya sa pusa kapag hawak niya ito. Hindi nga niya alam kung bakit masyadong aligaga sa pagluluto ang mga ito. Sa pagkakatanda naman niya ay walang okasyon ngayong araw.
BINABASA MO ANG
In Her Shoes
HorrorKatulad ng kwento ni Cinderella ay ganoon din ang buhay ni CINDY. May evil stepmother at evil stepsister din siya. Meron din siyang prinsepe. Ngunit paano kung lahat ng tauhan sa kwento niya ay gusto siyang mamatay? Hanggang sa magtagumpay ang mga i...