CHAPTER NINE- Keep You Hanging

4.6K 192 14
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




“HINDI!!! Kevin!!!” Palahaw ni Regina nang makita niya ang wala nang buhay na katawan ni Kevin habang nakahiga ito sa stretcher at ipinapasok na sa abulansiya. Akmang lalapitan niya ito pero pinigilan siya ni Brittany.

“Mommy, tama na. Wala na si Tito Kevin…” umiiyak na awat sa kaniya ng anak.

“Hindi! Hindi totoo 'yan! Buhay pa si Kevin. Hindi pa siya patay!” Halos mabaliw na siya sa pag-iyak at pagsigaw. Hindi niya kayang tanggapin na sa isang iglap ay wala na ang lalaking kaniyang minamahal.

Oo, noong una ay ginamit lang niya si Kevin at ang pagigng doktor ni Amado para maisakatuparan niya ang balak na pagpatay kay Amado. Nang mapansin niya ang mga kakaibang titig nito sa kaniya ay ginamit niya iyon para mapasunod ito. Hindi naman niya akalain na sa pagtagal ng panahon ay mamahalin na talaga niya ito.

Kung alam lang sana niya na mamamatay na ito kanina ay hindi na lang sana siya umalis ng bahay para nakasama man lang niya ito sa huling pagkakataon. O baka nailigtas sana niya ito sa kamatayan. Nasa isang spa na sila ni Brittany kanina nang may kasambahay sila na tumawag at sinabing nagpakamatay daw si Kevin.

Suicide. Iyon ang naging dahilan ng pagpapakamatay ni Kevin dahil may suicide note itong iniwan. Nakalagay doon na hindi na kaya ng konsensiya nito ang isang krimen na nagawa nito na hindi nito binanggit sa sulat. Uminom ito ng lason na inihalo nito sa gatas at iyon ang naging mitsa ng buhay nito. Pero hindi siya naniniwala sa naging imbestigasyon ng mga pulis. Hindi siya naniniwala na magagawang kitilin ng kaniyang asawa ang sarili nitong buhay. Unang-una, hindi umiinom ng gatas si Kevin. At masaya ito sa buhay sa piling niya. Kaya hindi siya naniniwala na nakokonsensiya ito sa bagay na nagawa nito noon-- ang pagpatay nila kay Amado at Cindy.

“Kevin! Bakit mo ako iniwan?!” sigaw niya.

Niyakap naman siya ni Brittany at iginiya siya nito papasok ng bahay. Susunod sila mamaya sa ospital na pagdadalhan sa katawan ng kaniyang asawa.

Pagpasok nila ay nakita niya si Samara na nasa gitna ng hagdan at nakasilip sa kanila. Tumiim ang bagang niya pagkakita sa bata. “Ikaaaw!” galit na sigaw niya sabay turo kay Samara. “Ikaw ang pumatay kay Kevin! Pinatay mo siya!!!”

Susugurin niya sana ang apo pero mabilis siyang pinigilan ni Brittany. “Mommy, stop! Huwag mong sasaktan ang anak ko!” pigil nito sa kaniya.

“Siya ang pumatay kay Kevin! At hindi mo siya anak! Siya si Cindy. Nagbalik siya! Nagbalik siyaaa!!!” Hindi maalis-alis ang tingin niya kay Samara.

“Mommy, what’s happening to lola?” Inosenteng tanong ni Samara.

“Nothing, baby. Go to your room na muna. Huwag ka munang lalabas hangga’t hindi ko sinasabi. Go!”

Pagkasabi ni Brittany niyon ay tumalikod na si Samara at umakyat sa silid nito. Tila nanghihinang napaupo si Regina sa sahig habang umiiyak. Pakiramdam niya ay katapusan na ng mundo. Parang gusto na rin niyang mamatay ngayong wala na si Kevin. At malakas talaga ang kutob niya na si Samara ang may kagagawan ng lahat. Hindi pa rin naaalis sa utak niya na maaaring ito si Cindy dahil sa pagkakahalintulad ng dalawa sa maraming aspeto.


In Her ShoesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon