CHAPTER FIVE- Poor Cinderella

4.1K 153 37
                                    

KASALUKUYANG kumakain si Cindy sa isang restaurant at kasama niya si Erwan. Nag-aya kasi ang nobyo niya na gusto nitong subukang kumain sa naturang restaurant dahil nakita nito sa isang post sa Facebook na masarap daw ang pagkain dito. Masarap naman ang pagkain pero hindi iyon ma-enjoy ni Cindy dahil sa lutang pa rin ang isip niya. Hindi pa rin nag-si-sink in sa utak niya ang napakalaking pagbabago na nangyari sa buhay niya. Sa isang pitik ng kamay ay nawala ang lahat ng dapat ay sa kaniya. Talagang mahusay manlason ng utak si Regina dahil sa nagawa nitong mapapayag ang daddy niya na mapunta lahat dito ng ari-arian at negosyo nila. Malamang ay siniraan siya nito ng todo sa daddy niya para mawala ang tiwala nito sa kaniya.

“Tapos ang ganda no’ng sapatos na nakita ko kanina doon sa mall. Okay lang ba na ibili mo ako no’n?” sabi ni Erwan sa kaniya pero hindi iyon masyadong pumapasok sa utak niya. Nakatulala lang siya sa kawalan.

Kumunot ang noo ni Erwan. “Okay ka lang ba, Cindy?” Pumitik ito sa tapat ng mukha niya.

Tila nagising sa isang mahabang pagkakatulog si Cindy. “Ano 'yon? May sinasabi ka ba?” tanong niya dito.

Huminga nang malalim si Erwan sabay sandal sa upuan. “Hindi ka naman nakikinig sa mga sinasabi ko, e. May problema ba?”

Umiling siya at pilit na ngumiti. “Nothing. Iniisip ko lang si daddy… Nami-miss ko lang siya. Iyon lang,” pagsisinungaling niya. Ayaw niyang sabihin kay Erwan ang nangyayari sa kaniya ngayon. Baka lumiit ang tingin o kaawaan siya nito kapag nalaman nito na halos wala siyang nakuhang mana mula sa daddy niya.

“Ganoon ba? Gusto mo bang umuwi na tayo?”

“No. Mas gusto ko na magkasama tayo. Ano nga pala ulit iyong sinasabi mo?”

“'Ayon… May nagustuhan kasi akong sapatos sa mall. Baka pwedeng bilhin mo para sa akin. Babayaran na lang kita kapag nagkaroon ako ng pera.”

Isa sa napansin ni Cindy na ugali ni Erwan ay mahilig itong magpabili sa kaniya ng kung anong bagay na magustuhan nito. Palagi din nitong sinasabi na utang iyon at babayaran nito kapag nagkapera. Ngunit hanggang ngayon, kahit piso ay wala itong naibibigay na bayad sa kaniya. Wala namang kaso sa kaniya na ibili ito ng kahit na anong magustuhan nito. Masaya si Cindy kapag nakikita niyang masaya ang boyfriend kaya doon pa lang ay bawing-bawi na siya. Hindi naman niya kasi problema ang pera noon. Pero iba na ngayon. Kakaunti na lang ang laman ng bank account niya at kung gagastos siya sa mga bagay na hindi naman kailangan ay mauubos agad iyon at mapipilitan siyang humingi kay Regina. Kilala niya si Regina, hindi siya nito basta-basta bibigyan ng pera. Kaya nga ang gusto nito ay magtatrabaho siya sa bahay nila bilang katulong tapos suswelduhan siya.

Hindi siya pumayag, siyempre. Hindi siya tanga para pumayag sa gusto nito. Alam niyang magiging masaya ito kapag sobrang ibinaba niya ang kaniyang sarili at ayaw niyang bigyan ito ng kasiyahan.

“Magkano ba 'yong shoes na gusto mo?” tanong niya kay Erwan.

“Sa pagkakatanda ko ay fifteen thousand lang.”

Lihim siyang napangiwi. Kung noon ay barya lang sa kaniya ang fifteen thousand pesos, ngayon ay malaking halaga na iyon. “Ah, Erwan… okay lang ba na huwag muna kitang ibili? Medyo nagtitipid kasi ako ngayon…” Sana lang ay hindi madisappoint si Erwan sa sinabi niya.

“Bakit naman nagtitipid ka na? Sayang naman. Baka kasi may makabili na no’n. Last stock na lang kasi iyong size ko ng shoes na iyon, e. 'Di ba, dapat ay marami kang pera ngayon kasi namatay na ang daddy mo? Ganiyan ang mayayaman, e. Iyong may mga namamana. Tama ba ako? May namana ka sa daddy mo, 'di ba?”

“Meron naman but… hindi ko siya agad makukuha.”

Bumakas ang lungkot sa mukha ng kaniyang nobyo. “Sayang talaga. Pero sige, kapag nagkaroon ka na lang ng pera, kapag available pa ay bilhin mo, ha. Please…”

In Her ShoesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon