Four

4.2K 157 10
                                    

💖💖💖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖

LUKE'S POINT OF VIEW

TREVOR'S words remained a mystery to me. Ano'ng ibig-sabihin niya na sana hindi na lang kami dumating sa buhay niya? One thing I was sure of, may kinalaman iyon sa amin ng pamilya ko. Damay ang parents ko sa issue namin. Pero ano naman kaya ang dahilan para magkaro'n siya ng malaking galit sa pamilya namin?

Our parents were good friends. Gusto ko sanang magtanong kay daddy pero hindi ko itinuloy dahil ayokong magsimula ng issue. Our business was doing well. Maayos ang relasyon ng mga magulang namin sa isa't-isa and I couldn't think of any reasons para magkaro'n ng malaking conflict in the future.

Inisip ko na lang na baka baliw lang talaga si Trevor at puro ka-negahan lang ang nasa isip. 'Di ba gano'n naman ang mga taong bitter sa life? Dinadamay sa ka-bitter-an nila ang mga tao sa paligid nila.

"Hi, guys! Welcome to Silverio Academy's Theater Group," sabi ng isang petite na babae na nakatayo sa stage. Lahat ng applicants ay nakaupo habang naghihintay ng instructions. "We are so glad to have a lot of applicants this school year. We have fifty-three applicants, can you believe it?" Nagpalakpakan naman ang mga members na nakaupo sa isang gilid. "By the way, I'm Lynn. Ako ang assistant director ng theater group and I'm also an actress. So, today, sisimulan na natin ang audition. Each one of you will be given three minutes to prove your worth. Please give it your best because we only need ten actors this year."

Nahigit ko ang hininga ko. They only needed ten actors out of fifty-three applicants. Hindi ko kilala ang mga kasama ko but I was pretty sure na hindi sila mag-o-audition kung wala silang ibubuga.

Ayokong panghinaan ng loob pero hindi ko naman maiwasang kabahan. I badly wanted to be part of the theater group. Aside from that, wala na kasi akong ibang clubs na gustong pasukan. I felt like it was the only group that could unleash my talent and potentials. Gustung-gusto ko talagang makapasa.

For the past week, I've been very busy with my studies. Hectic ang schedule ko dahil sa daming school works na kailangang asikasuhin. Imagine, we already had a major quiz on almost all of our subjects sa mismong first week of class. Pero hindi ko isinantabi ang preparations ko para sa audition. I gave ample time to practice. Sana lang sapat na ang preparations ko to make it to the top ten.

"I will be one of the judges," ani Lynn sa magaang tono. "Kasama ko rin ang official adviser natin, Miss Edeline Chan." Lumabas mula sa backstage ang isang magandang babae who had chinky eyes. She looked like she was on her mid-20s or early 30s. She was pleasant kaya kahit paano ay naibsan ang takot ko. She smiled and waved at us bago umupo sa front seat kung saan pupwesto ang lahat ng judges. "And our last judge will be the president of the theater group. Please welcome..."

Pakiramdam ko ay binagsakan ako ng langit at lupa nang lumabas ang isang taong kinaiinisan ko. As usual, nakasimangot pa rin siya na parang pasan niya ang problema ng buong mundo. Our eyes met and my heart felt like it stopped beating. He smiled. And knowing him, alam kong dapat akong kabahan sa ngiti niyang iyon.

No Better Ending (BXB) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon