Chapter 2 - THE DREAM IS ALIVE!

104 3 0
                                    

Evie's POV

"What would you say if yung dream mo maging Atenista ay matutupad na?" tanong ni Mama.

"We think it's best na sa Ateneo ka na magtransfer, naayos na namin lahat ng documents mo, you start there next school year, after mo matapos yung year na 'to sa DLSU." dagdag ni Mama.

"At least, nandun din sina Dani and Thirdy, may kakilala ka na agad dun, so magiging madali nalang sa'yo ang pag-adjust sa culture nila dun." sabi ni Papa na may malaking ngiti.

Ako naman, mukhang tanga at umiyak ng nakatawa. Paano ba naman ako magrereact if malaman ko na lilipat na kami ng titirhan, tapos makakalipat pa ako sa dream school ko?! HELLO SINO SINISWERTE TAAS ANG KAMAY!! HAHA

Tumango naman ako ng mabilis at niyakap silang dalawa.

"THANK YOU THANK YOU THANK YOU!!! MAHAL KO KAYONG DALAWA HUHU"

"Alam mo, mukha kang ewan, di ko alam bakit ikaw naging anak namin" loko ni Papa.

"Ay grabe, inatake ako HAHAHA mana naman ako sa inyo hehe" sagot ko naman.

"Alam na pala ba nila Ninang Mozzy at ng mga Ravena?" tanong ko bigla.

"Hindi pa, nak. Magandang sorpresa sa kanila siguro haha" sabi ni Mama.

"Actually, kakain kami sa labas nila Ninang with Dani, Thirdy and Kuya Kiefer, okay lang ba sabihin ko na sa kanila? Gusto niyo po ba sumama?" tanong ko sa kanila.

"Hindi na, Ev. May lakad pa kami ni Papa mo, pumunta lang kami dito para sabihan ka, since patapos na din yung school year, at least maumpisahan mo na pag-ayos mo ng gamit dito sa condo para pag natapos na yung taon, madali ka nalang makakaalis." sabi ni Mama.

"Regards nalang sa kanila kamo, and ivideo mo reaksyon nila pag sinabi mo na HAHA" loko ni Papa.

"SEE? MANA NGA AKO SA'YO SA KALOKOHAN HAHA okay sige, palit lang po ako tapos pwede na tayo lumabas, kikitain ko din po kasi si Kuya Kiefer, nasa may Starbucks lang sa tapat ng condo"

After kong magbihis at mag-impake ng konting damit, bumaba na kami ng magulang ko ng condo at pinuntahan si Kuya Kiefer sa Starbucks.

"MANONG!" sigaw ko at napatingin naman sa akin lahat ng tao sa loob.

"Ang ingay mo, Evie, alam mo yun?? HAHA Hi Tito, Tita!" asar niya sa akin habang nagmano kina Mama at Papa.

"Okay lang po ba hiramin muna namin si Evie? Miss na ni Mommy eh haha. Gusto niyo po ba sumama sa amin kumain?" tanong niya.

"Naku, iho, hindi na, may lakad pa kami ng tito mo. Sa inyo din naman ata matutulog ngayon si Evie, may dalang konting gamit. Alagaan mo nalang haha" sabi ni Mama.

"Tita, kami bahala ni Thirdy dito HAHA for sure matutuwa po si Mommy at Daddy, pati na din si Dani, para may totoong ate na din siya sa pamilya." sabi ni Kiefer.

"Okay sige, Kief, una na kami ah! Bye anak! Enjoy kayo, see you pag umuwi ka na!" bati nila Mama at Papa habang bumeso ako sa kanila.

Nung nakaalis na ang magulang ko, inasar ulit ako ni Kuya Kief.

"Ikaw talaga, hindi ka marunong tumahimik HAHA nakatingin pa din lahat ng tao sa'yo oh!"

"Sus, nakatingin lang kasi nandito ka sa pugad ng mga Archer HAHA tapos ang gwapo mo kaya, manong HAHA"

"Bolera mo talaga HAHA halika na nga, tapos na meeting ko, papunta na din daw sina Mommy sa UPTC. Si Pagong, may class pa hanggang 1, so susunod nalang daw siya."

"Okie!! May sasabihin pala ako mamaya, pero pag kasama ko na kayong lahat HAHA"

"ANO YUN?! MAY BOYFRIEND KA NA BA?!" paasar na tanong sa akin.

The Bet (An Anton Asistio Fanfic)Where stories live. Discover now