Chapter 5 - Hanging Out with the Eagles

73 2 0
                                    

Evie's POV

It was the Saturday after I visited Ateneo, and the Blue and Lady Eagles were on their way here to have a get-together of sorts, enjoying the last few months before the rigorous trainings began for the UAAP.

Kanina ko nalang din nalaman na pupunta din pala ang Lady Eagles kasi ininvite na pala sila ni Ninang Mozzy and Dani to talk about Volleyball and to just hang out with the boys, so magiging full house bigla ang pugad.

Halos mga 10:30am na, and busy lahat ng tao sa loob, hinahanda ang mga kailangan. Naglilinis sina Ninong Bong and Thirdy, habang si Ninang naman ay nag-grocery, kasama si Kuya Kiefer, kaya kami ni Dani, nasa kusina at inilabas na lahat ng mga lulutuin namin for the day.

(time skip)

Pagkatapos ilabas sa oven yung mga cookies na ginawa namin, ninlagayan na ni Dani ng icing ang mga cupcakes, habang tinatapos ko na din yung ginagawa kong pasta. Nung natapos ko nang lutuin yung pasta, saktong may nag-doorbell, at pinuntahan naman agad nito ni Thirdy.

"Uy, mga bro! Sakto dating niyo! Pasok na kayo!" bati ni Thirdy sa mga teammates niya.

"DANI! NASAN NA DAW YUNG LADY EAGLES?" pasigaw na tanong niya kay Dani na nasa kusina.

"MALAPIT NA DAW SILA! GIVE THEM ABOUT 5 MINUTES!" sagot naman ng katabi ko.

"Grabe, kailangan niyo talaga magsigawan? HAHA" sambat ko naman sa kanya at tumawa nalang kami. Hindi nagtagal at dumating na din ang mga Lady Eagles at nabati naman sila ni Dani, na medyo madungis tingnan pagkatapos lagyan ng icing ang mga cupcakes.

"Anyare sa'yo, sis? Ang dumi mo HAHA" sabi ni Bea.

"Grabe naman, Ate Bei, tinulungan ko lang godsister ko sa cupcakes niya!" sagot naman nito.

"CUPCAKES?! NASAN?! PAHINGI!!" sigaw nilang lahat, na narinig ko dito sa kusina, kaya napatawa nalang ako.

"Kalma naman, mga bes, mainit-init pa, kaya maya-maya konti! Nandito din pala yung godsister namin, so please be nice" sabi ni Thirdy sa kanilang lahat.

"May godsister kayo?" tanong ni Ponggay, na napatango ang magkapatid.

"Yeah! Nameet na nila Jules and Ate Jia kahapon! She's transferring din to Ateneo this coming AY, so ayun!" sagot naman ni Dani.

Since tapos naman na yung mga kailangan kong lutuin, dumerecho na ako sa kwarto para mag-shower at magbihis. Siguro medyo lutang din ako kasi hindi ko napansin na may pababa pala ng hagdan, galing ata sa banyo, ayan, nagkabanggaan kami.

"OMG I'm so sorry, miss! Nagmamadali ako pababa, hindi na kita napansin!" sabi ng pamilyar na boses.

Napaisip ako kung bakit pamilyar yung boses niya, hangga't sa tumingala ako, nabangga na naman ako ni Anton Asistio.

"Ikaw ulit? Haha omg sorry talaga, medyo klutz talaga ako, hindi ko nalang napapansin na may nabangga na naman ako hehe" nahihiya ko namang amin sa kanya.

"Ikaw yung nabangga ko kahapon sa Ateneo, diba? I'm so sorry about that again! Girlfriend ko kasi, may kinailangan na file niya for class, eh nasa akin pala USB niya, so I had to run to her pa." kwento niya.

"Sus, okay lang yun! Naging okay naman after?" tanong ko naman sa kanya.

"Yeah! Okay na siya, but sorry talaga!" patawad niya ulit.

"Kumalma ka na sa sorry mo HAHA malayo sa bituka yan!" sagot ko sa kanya na ikinatawa nalang niya. Grabe, pati ba naman tawa niya, nakakatunaw. Sana nirecord ko nalang hehe

"Anton nga pala, Anton Asistio!" pakilala niya sa akin.

"Evelyn Danielle Cruz, pero you can call me Evie, Evs, Vie, whatever" but I'd like it more if you call me yours.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 04, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Bet (An Anton Asistio Fanfic)Where stories live. Discover now