Chapter 3 - Welcome Home

81 2 0
                                    


Evie's POV

Tumingala nalang ako at napatingin sa kanila, at ang nakita ko ay ang mga nanlaki nilang mga mata.

"ANO?!" sigaw nilang lahat ng sabay, kaya napayuko ako dahil ang lakas.

"Seryoso ka ba, Vie?!" tanong ni Thirdy, habang nakangiti ng malaki silang lahat. Tumango naman ako.

"OMG ATE SCHOOLMATES NA TAYO SOON AHHHHHHH" excited na sabi ni Dani

"San na kayo titira?" tanong ni Kiefer.

"Yun ang di ko pa alam. All I know is, magrerelocate kami to Katipunan, and final na transfer details ko. I'm gonna start sa Ateneo by the next academic year!" sagot ko sa kanya.

"This calls for a toast! To my beautiful inaanak, may your new journey help you find yourself and meet new people who are going to be your friends for the long haul." toast ni Ninang. Nag-cheers kaming lahat at ininom ang aming mga Iced Tea.

Pagkatapos kumain ay nag-ikot pa kami ng konti bago kami bumalik sa bahay ng mga Ravena. Si Kuya Kiefer ay may lakad pa, kaya kay Ninang na ako sumabay, kasama sina Dani at Thirdy. Nag-Grab lang kasi si Thirdy papunta dito, kaya wala din siyang dalang sasakyan. Sa harapan si Thirdy, at magkatabi naman kami ni Dani sa likod. Nagkwentuhan lang kaming lahat pauwi sa kanila.

"Excited ka na bang maging Atenista, Vie?" tanong ni Thirdy.

"Sobra! Nagulat pa ako nung sinabi sa akin nila Mama at Papa na ililipat nila ako sa Ateneo, and knowing na nandun kayo ni Dani, hindi na daw ako mahihirapan mag-adjust sa culture." sagot ko sa kanya.

"So ate, halos mag-batchmate na pala tayo pagpasok mo!" sabi ni Dani.

"Yep! Super excited na ako HAHA"

"Sakto wala na ako class tomorrow after my morning class, wanna come with? Itour na kita!" suggestion ni Dani.

"Kung okay lang naman eh! haha" sagot ko.

"Sus, ate, you're like my sister na kaya, so okay lang yun! Besides, kailangan mo na din masanay sa campus kasi ang laki, plus layo pa ng ibang buildings, AND MADAMING GWAPO!! HAHA baka maging type mo hehe" lokong sabi ni Dani.

"HUY DANI RAVENA, BATA KA PA PARA MAGSPOT NG MGA GWAPO" asar ni Thirdy.

"Pabayaan mo yang kapatid mo, Thirds, kaya na niyang mag-isip ng kanya!" banta ni Ninang.

"Oo nga naman, Pags! Nandun naman ako para mangharang ng mananakit sa bebe girl ko" sabi ko sa kanya.

"Ay grabe, Ate, naging overprotective ka na din haha"

"You know naman na I'm just looking out for you, and Pagong and Manong, too! Mga kapatid ko kayo, and it is my duty to always look out for family." sabi ko sa kanila.

Napangiti naman ng maliit si Ninang Mozzy nung sinabi ko yun, natuwa dahil kahit hindi nila talaga ako anak sa dugo, pamilya pa rin ang trato ko sa kanilang lahat, lalo na sa mga anak niya.

Pagkatapos ng usapan namin ay dumating na kami sa bahay nila. Ang bumati naman sa pintuan ay si Ninong Bong, na hinalikan ni Ninang sa pisngi, at niyakap.

"Hi hon! May surprise pala kami para sa'yo!" patawang sabi ni Ninang.

"Oo nga, dad!! Sobrang ganda ng surprise namin!" dagdag ni Thirdy. Namula ang mga pisngi ko nung sinabi niyang sobrang ganda ko HAHA

"Ano ba kasi yun?" tanong ni Ninong.

Habang naglalakad na papasok ng bahay si Dani at Thirdy ng magkatabi, naglakad akong nakayuko sa likod nila para magtago kay Ninong.

The Bet (An Anton Asistio Fanfic)Where stories live. Discover now