chapter 20: Date

1.7K 54 20
                                    


" bat ayaw mong sabihin na nahseselos ka? Ha? " pakukulit kong tanong sa kanya.

" ehh hindi nga kasi ako nagseselos. " sabi naman niya sakin habang iniiwasan niya akong tinignan.

" kung di ka naman pala nagseselos, edi sana sinabi mo agad sakin kanina na hindi ka pala nagseselos. " sabi ko naman sa kanya.

" ano bang pake alam mo? " tanong niya naman sakin.

" Wala nga! Sabi ko! " sagot ko naman sa tanong niya. " akyat na ako. " sabi ko naman sa kanya. Gusto ko kasing magpahinga ehhh. Kasi di naman akp pwedeng umalis dahil sa mokong yun.

" teka lang. " tawag niya naman sakin habang maglalakad na sana ako papunta sa kwarto ko. Tinignan ko naman siya.

" bakit? " pa curious kong tanong sa kanya.

" Aalis tayo. " pina kalma niyang sabi sakin habang naka tingin sa mga mata ko

" ha? " aalis daw kami? At san naman kaya kami pupunta?

" aalis nga tayo. Bingi ka ba? " ang epal mong mokong ka!

" at san naman tayo pupunta? " tanong ko naman sa kanya.

" Mag da-date tayo. "

" A-ano? Ano sabi mo? " ano daw sabi niya?

" basta! Yun na yung sabi ko. Aantayin nalang kita sa labas. " sabi naman niya. Tapos lumabas na agad sa bahay. Nakuuu!! Jussq sasama ba ako?


Ano bang gagawin ko? Luuh? Bala na si Darna at sasama nalang ako. Paglabas ko sa bahay, nakita ko na siya agad sa labas sumasandal sa kotse niya.

" ang tagal mo naman! " pa smirk niyang sabi sakin.

" wow ha? Ikaw pa nga yung nag imbita sakin na magda-date tayo tapos kailangan ako pa ang mag a-adjust? Di ba pwedeng, nagdadalawang-isip pa ako sa sinabi mo? Pano kasi, pab-- "

" Sus! Alam ko namang gusto mo akong I date ehh "

" ANO!? Your Mom! Sino maysabi na gusto kong makipag date sayo. Ehh diba p---- "

" Tara na! " sabi naman niya sakin.

" ayoko nga! Baka iisipin mong gusto talaga kitang I date kahit di naman talaga totoo! " sabi ko naman sa kanya.

'" ayaw mong sumama? "

" ayaw ko! Bakit? May problema ba? Dito nalang ako sa bahay. Matutulog nalang ako. Or else, pupunta ako kay andrey. Mas nakakabuti pa yun kesa sumama ako sayo. " paliwanag ko naman sa kanya.

" ayaw mong sumama? Sure ka? Ahh bahala ka jan! Makakasama mo yung white lady kahapon jan sa bahay na nakita ko malapit jan sa kwarto mo. Sige alis na ako. Enjoy being scared ka nalang jan. " sabi naman niya. Agad naman akong kinabahan sa sinabi niya. Di ko masabi kung sasama ako sa kanya or hindi? Kasi nalilito na ako ehh. Matakutin pa naman ako. Sino bang mag aakalang may nakita daw siyang white lady malapit sa kwarto ko? Huhu. Pina andar na niya yung kotse niya tapos nakita kong paalis na talaga yung mokong na yun. Ayoko namang maiwan dun sa bahay at kasama yung white lady na sinasabi niya sakin. Ano pa bang magagawa ko?

Agad naman akong tumakbo papalapit sa kotse niya. Before it's too late. Binuksan ko yung door ng kotse niya tapos umupo ako sa front seat malapit sa driver's seat. Di ko na tinignan kung ano yung magiging reaksyon niya. Nahihiya kaya ako.

" akala ko ba, ayaw mong sumama? "
Tanong niya naman sakin. Di ko nalang siya pinansin. Naramdaman ko nalang na kumikilos na yung kotse. Papunta na kami sa dapat naking puntahan. Ha? San ba kasi kaki pupunta?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MARRIED TO A JERKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon