Chapter 3: waaaaaaah?

25 0 0
                                    

Nakakahiya. Nakakahiya!!! SUPER NAKAKAHIYA!

first day ko pala??? Bakit ‘di ko alam? Hala naman! bakit kasi hindi ako regular??? At siya pa talaga nakakita!!! My gulay!!!

Anong gagawin ko? What to do??? What shall i do??? What what what??? To do to do to do?? 

“panu ka lalabas niyan?” tanong ni Lance

“di ko din alam. Ang malas naman na buhay oh!” hinawakan ko na yung palda ko na may tagos.

Ang malas. Kawawa naman ako! Nakakahiya. Lalaki pa talaga nakakita!Wala namang cr dito sa rooftop!

“itatago ko” sabi niya

“huh???”

“kesa naman maglakad ka dyan!”

HALA! ano yun? Panu niya itatago??? naman oh!

“lakad ka lang” he said

“eh makikita!”

“wag ka kasi pahalata! Wag mo hawakan palda mo!”

Hala? Edi kita lalo at saka. Aba? may ganang sigawan ako?

“sa likod mo lang ako” he said habang di nakatingin sakin.

hala? Bakit ako nagblublush? No Miyuki! No!!! Tsk. no sa blush.. yes sa lakad sa likod!

“Fine! Maglakad ka sa likod ah. Pag-ikaw biglang nawala!”

“bakit naman ako mawawala?” he said it with a poker face expression.

At ayun na nga naglalakad na ako at siya sa likod ko! Huwow! Maraming salamat! Di talaga niya ako iniiwan. Dun lang talaga siya sa likod ko. Kaso medyo nakakailang kasi siya naman nakakakita buti nalang first day. Di gaano malakas. Pero nakakailang TALAGA! Anong mukha nalang ang ipapakita ko kay Lance Mariano pagkatapos nito?

Ang mga students pinagtitinginan kaming dalawa. Hello? kasi po kung maglakad super lapit kay Lance! I mean masyado kaming magkadikit. Sasabihan nanaman akong malandi. At ang matindi papunta kami sa cr ng girls! Naman! Buti nalang at nakarating na nga ako doon sa CR.

“thanks” sabi ko nalang sabay takbo na sa loob. Naghulog ng limang piso para kumuha ng pantapal!

Haist. Buti nalang walang tao sa cr. Buti nalang talaga!                                                                                 Binasa ko nalang yung parteng may dugo at buti may sabon! good vibes! Hehe                                     so ayun! Natanggal na ang mantsa!                                                                                                                   Ngayon papatuyuin ko naman. I waited for at least 20 minutes kaya naman ‘di na ako nakapasok sa next class! Lumabas na ako sa cr atwala na yung gwapong nilalang sa paligid. Natural pumasok na yun. Ano bang pakialam niya sa taong inagawan niya ng cd? Sa taong seatmate lang niya? Sa taong kanina mo lang nalaman ang pangalan?

Pagpasok ka sa room. Awww center of attraction ako!!! walang teacher? Agad akong pinalibutan at napansin ko lang wala yung mga boys. baka nagliwaliw? Class hour oi! 

Ano nanaman gagawin nila sakin???

“isa ka talagang malandi! Pati yung bagong transfer!” sabi ni Kristine! Ang leader ng group

SL                    Sharlot LanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon