Welcome To The Family

2 0 0
                                    

*Bella's POV.
"Guys tara na sa lab!" Sigaw ko sa kanila habang busy sila naglalaro ng wordscape.
"Tara! Nauna na nga pala sina Adrian, Jovie, Zyryl at Ivan doon. Nagpaalam sila sa'kin kanina" sabi ni Clay. "Ahh mabuti naman kung ganon" sagot ko sa kanya.

"Ano na? Tara!" Yaya ni Charles. "Teka lang, naglinis pa si Shane, hintayin muna natin sandali" singit ni Fhadzri. "Diba hindi sila cleaners ngayon? Naku batang yan talaga, sa sobrang bait nyan madali yan mamamatay" sadsad ni Zyn.

"Mauna na lang tayo total sanay naman yan mapag-isa" singit ni Kim. Grabe naman to sila,  iiwan ba naman si Shane. Tsk para naman kaming walang pinagsamahan nito.

"Ahhm guys, mauna nalang kayo, hihintayin ko nalang si Shane may kukunin pa kasi ako sa kanya" sabi ko sa kanila. "Ok. Basta sunod kayo agad" sagot ni Claire. "Sige sige. Ingat kayo ha!" sigaw ko. Dito ako napa-upo sa may upuan dito sa hallway sa labas ng room namin habang pinapanood ko si Shane na nag-aapply ng floorwax kasama mga classmates namin na cleaners ngayong araw. Ewan ko ba dito sa taong to, masyadong maka-anghel. Lahat na yata ng mga positive attitudes andito na sa kanya eh. Maganda pa then matalino, sayang lang hindi nya pinapakita masyado sa klase katalinuhan niya eh. Mas matalino pa nga sya sa mga nasa honor list eh. Eh pano sobrang humble. Maganda, cute, sakto at pinkish ang kutis at straight and shiny ang buhok. Medyo perfect rin eh. Marami rin nanliligaw rito pero wala ni isa ang pasado. Ayaw niya raw kasi magkanobyo ng taga Siocon (ang tinaguriang hidden paradise ng Zamboanga del norte), ewan lang kung bakit. Kung titingnan tahimik, pero pag nakasama mo parang megaphone ang halakhak at corny pa naman ng mga banat nito haha eh kaya siya lage inaasar sa barkada namin.

"Hoy Bella! Ok ka lang? May nadislocate ba sa mukha ko? Ang seryoso ng titig mo eh haha. Teka saan na ba sila?" panggugulat niya. Halos magkalahating oras din pala ako nakatitig sa kanya haha. "Nauna na sila Shane, hinintay nalang kita" sagot ko. "Hala sumama ka nalang sana. Sorry talaga natagalan ako." Parang nabahala siya dahil dama ko yun sa boses niya. "Ano ka ba ok lang, parang Hindi naman tayo magkakabarkada niyan". Sagot ko habang nakangiti.

Naglalakad na kami papuntang main campus. Tahimik lang kami dalawa dahil both nakaheadset. Hanggang dumating na nga talaga kami sa labas ng lab at papasok na kami. Ngunit may tumawag kay Shane sa cellphone at nagpaalam nalang ako sa kanya na mauna na akong papasok sa loob.

*Shane's POV.
'Kring-kring! Kring-kring' biglang tumunog cellphone ko. Dinampot ko ito sa bag at tiningnan kung sino ang tumatawag. "Shane mauna na'ko sa loob ah?" Sigaw ni Bella. "Ahh oo Bel" sagot ko sa kanya.
Ahh si Zyn pala ang tumatawag. "Hello Zyn?" Bati ko. "Shane pakibigay nalang kay Bella yung copy ng report namin sa Chem. para makagawa na siya ng powerpoint para bukas. Di na nga pala ako dumaan sa lab kasi maaga ako pinauwi ngayon. Ingat ka at kayo, bye!" "Ah o..." Toot toot di pa nga ako nakapagsalita na off na niya agad.
Hay naku eto si Zynaryan talaga, eh pa'no busy kasi palagi kaya laging nagmamadali.

Huminga ako ng malalim at lumingon kung saan nandun ang pintuan ng lab ng biglang "Aray! Darn it!" sigaw ko habang hinahagod ang aking noo at napaupo na parang bata sa may hallway. "Uyy sorry miss ah, di ko kasi alam na nandiyan ka sa labas kaya natulak ko ng malakas ang pintuan." Paliwanag ng isang lalaki na di ko parin matanaw ng masyado ang kanyang mukha dahil sa sobnorang sakit ng aking noo at hawak-hawak ko parin sa mga oras na'to. Tinulungan niya akong tumayo at muling humingi ng pasensya. "Ok lang po talaga ako, di naman masyado masakit tsaka malayo pa naman sa bituka" biro ko pero hawak ko parin ang noo ko at medyo nakapikit parin ang mga mata ko sa kirot. "Salamat miss?..." "Ahhm Shane! Shane Angela Morales po" sabi ko. "Ahh ok Shane, and I'm Allen Joshua Khan, half Filipino half Indian" pagpapakilala niya habang iniabot niya sa'kin ang kanyang kamay at nagkamayan kami. Kahit Hindi naman niya sabihin na half-blooded siya halata naman eh.
"Teka, ikaw rin yung lalaki nung isang araw diba?" tanong ko. "Hmm kaya nga eh, nagtaka ako kung bakit matagal mo akong narecognize" sagot niya. "Hindi po kasi ako nakatitig sayo ng masyado kanina" paliwanag ko.

'Kring-kring' nang biglang tumunog ang ringtone ng CP niya at dali-daling sinagot ito. Pumasok narin lang ako sa loob ng lab at di na nagpaalam sa kanya dahil medyo seryoso siguro pinag-uusapan nila ng kausap niya. Dumiretso ako sa may gilid kung saan naka-upo si Bella. Iniabot ko ang USB at sinabing "i-copy mo sa laptop mo ang report niyo at gawan mo raw ng PowerPoint Bel." "Hay naku oo nga pala nakalimutan Kong sabihin sayo kanina Shane, buti nalang alam mo dahil kung hindi patay na naman ako kay Zyn nito. Alam mo naman yung long-haired girl na'yun." dakdak niya. "Hehe oo nga  eh" yun nalang nasagot ko sa mga sinabi niya.

"Guys guys listen up!" nilakasan ni Adrian pagkasabi para makuha attention namin. "Diba I told you last time na may sasali sa barkada? Ito na yun." Dagdag niya. Wait, did he mean Allen? Sabagay sino pa nga ba eh wala namang bago rito maliban sa kanya at kay Fhadzri, yung barkada namin from  Sulu. Teka, bat wala pa siya dito? Ahh siguro may klase.
"Guys this is Allen Joshua Khan, half indian pero may pure Filipino heart. He wants to jam with us." Paliwanag pa ni Ardi (short for Adrian). "Hey bro! Wazzup?" Darn it! Pa FC naman to si Zyryl habang nakikipag fist bum Kay Allen. Nakipag kamayan din yung iba at nakipagkilala sa newbie, yung iba kinikilig lalo na si Charles, si Allen pala yung tinutukoy niyang gwapong transferee at yung iba cool lang.
"Hi Shane." Sambit ni Allen habang naka-smile sakin. "Ayy wow, close kayo?" Sabat ni Jovie. "Hello Allen, Welcome to the Family" bati ko at nakangiti rin.

She's A MysteryWhere stories live. Discover now